Meet The Stranger

1568 Words
"Goodbye twenty pesos" sabi ni Nicky habang tinatanaw paalis ang buena mano naming customer, nalumbay ang lahat. "Bakit ayaw mo pres? Sayang iyon ah, may record na sana tayo." hindi umumik si Ali sa tanong ko. Napapansin ko sa taong ito ay unti-unting nagiging seryoso. Simula noong matapos ang meeting and preparations, may problema kaya siya? Hindi ko na natuloy ang iniisip kasi may lumapit na ulit sa amin, mga sophomore boys. "Hi Miss, pwede ka ba?" Nakatingin ito sa akin kaya napatingin din ako sa kanya, I began to examine him... matangkad, gwapo at teka– biglang humarang si Ali, ay! Ano ba naman yan! "Hindi siya pwede" huh? "Bakit? Ikaw ba ang tinatanong ko?" madiing sabi ng sophomore "Basta ayoko!" Kinabahan ako sa sinabi nito "Ah I mean...mga officer kami dito iba nalang piliin mo" bawi ni Ali kuuh baka mamaya niyan e magkagulo sa ginagawa niya. "Ali–" mahina kong hinila ang white polo shirt niya "Hindi pwede Eve, hindi ako papayag na iwan mo dito!" galit na nga yata, kaya nagdahilan nalang ako "Pasensya na hindi ako pwede kami kasi ang incharge dito" sabi ko "Sige, sabi mo eh" nakita kong tumingin muna ito kay Ali bago umalis. "Naku naman! Ano ba ang nangyayari?! malulugi tayo nito!" Nagpapadyak sa inis si best Nick waahh. "Ang possesive mo naman pres hindi pa nga kayo ni Eve" kantiyaw ni Jack. Nahiya namang tumingin sa akin si Ali. "Ali, ano ba ang problema mo? Umaandar ang oras, maging sport ka naman" hinila ko ito palayo sa booth upang makausap "Basta ayoko na isama ka nila" "Hello, di ba sabi ni Mr. Krisologo, be a sport daw pero ano ang ginagawa mo?" "Ganito nalang let's marry first...please?" sabi ko na nga ba, hayyss ito na nga lang siguro ang solusyon. "By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife..." masigabong palakpakan ang sumunod matapos ang kasal kuno namin ni Ali "Woohhh kiss the brideee" sigaw nila, may sumipol pa ng malakas "Tse! Wala sa usapan yan!" inis kong sabi sa kanila "Ay taray!" si Nic "Sa hinaba haba man daw ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy" humalakhak pa ito na akala mo'y nasapian ng demonyo. "Di ba iyon naman talaga dapat ang mangyari kanina pa. Muntik pa tuloy tayong mapaaway" Naisip ko na suggestion nga pala niya ito kanina. Teka, hindi ko yata nakikita si Kris. Iginala ko ang paningin at natagpuan ko ito sa desk niya, nakatulala habang nakatingin sa mga bagong dating sa labas. "Kristin?" Lumapit kami ni Ali sa kanya, matapos kaming itali ng mga bridesmaid sa loob ng booth. "Huh?! Tapos na ba ang kasal ninyo?" Tumango ako sa kanya. "Wait lang ha, isusulat ko muna name ninyo nakalimutan ko" sabay ngiti niya sa amin. Matapos niyang isulat ay pumirma na kami at bumalik kung saan kami nakapwesto kanina. Talagang kami lang yata ang hinihintay, kasi ang iba ay nahihiya lang pala. Maraming magdyowa ang nagpakasal. Tinawag namin ang isang member sa photo booth para may remembrance na pic ang mga nagpakasal kuno. Nagpapic din kami ni Ali, dahil sa request na rin nito. Natutuwa akong pagmasdan ang buong paligid halos lahat ay enjoy sa activities na nagaganap ngayon. "Love is in the air..." pumailanlang ang napakagandang boses na napili ng second year na maging Dj sa kanilang message booth. Nag-ikot kami ni Ali para lalong maka-engganyo ng ibang student na magpakasal sa booth namin. So far, madami na rin naman kanina. Ang haba nga ng pila sa booth namin. "We would like to invite everyone who wants to message their love ones, crushes or even secret love...Hey, this booth was made for you...this is your chance to message them. To let them know how you feel" Hays, nakakafall naman ang boses. Napapangiti tuloy ako habang naglalakad kami. "Okay we have one here from Mr. Anonymous saying... I'm I late? Did you already gave your heart to someone else? my heart was bleeding at this moment love..." Swabeng-swabe ang boses, mukhang note iyon ng isang sawi ah. Habang naglalakad kami ay iyon ang binabasa ng Dj kuno haha! "Wow! Ali kayo na ba?" Tanong sa kanya ng mga classmates niya, tumawa lang naman siya at enjoy na enjoy sa tanong na iyon. Kailangan kong itama ang sinabi nila "Ah pasensya na pero–" nabigla ako sa pagbulong nito sa akin. "Let it be for now Eve, just for the day please?" Abuso na ang isang ito ah! hindi nalang ako nagsalita, ngumiti nalang ako sa kanila. Pumunta kami sa Flower booth. Bumili siya ng roses at inabot sa akin. "For you, wife" waahh wag! Bawal kang kiligin darn! Tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit ulit siya at bumulong "Just for the day, okay" sabi nito at ngumiti, muling inabot sa akin ang bulaklak na tinangggap ko nalang para hindi siya mapahiya. "Woi Ali! Enjoy mo na ah. Baka mamaya niyan magkatuluyan kayo ni Eve" kantiyaw ng mga co-officer namin sa council na nasa booth ng Fourth year. Napansin ko si Andrew na nakatambay sa booth na iyon. Bumili din siya ng bulaklak at binigay sa akin. Humarang si pres, hinila ko naman siya paharap sa akin. Pinanlakihan ko ng mata at inilingan. "Eve sabi mo wala kang ka-date, bakit nakatali ka kay Ali?" tanong nito. "Bakit bro, may problema ba?" Nilapitan pa nito si Andrew na parang hinahamon ito. Hindi ko na matiis ang ugali nito kaya nagsalita na talaga ako. Baka magkagulo pa "Pasensya na Andrew, for the sake of our booth, alam mo na" ikiniling ko pa ang aking ulo habang nagpapaliwanag sa kanya. "Ah ganoon ba? Okay, I get it. Hanggang kelan ka ba nakatali diyan?" Tanong niya at tiningnan ang tali namin na any moment ay parang gusto na nitong baklasin. "Hanggang matapos ang program!" Galit na naman si pres hayyss "At ako ang escort niya mamayang gabi sa prom!" hala! Harap-harapan talaga pres! Wala akong nagawa ng maramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at inilayo ako sa booth na iyon. Kinawayan ko nalang si Andrew. Deadma sa ginawa ni Ali para walang gulo. Nakalayo na kami sa booth pero nanginginig at mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Ali sa kamay ko. "Ali stop!" Huminto naman siya "Calm down, okay" tinitigan ko ang mga mata niya. Tumango naman siya at huminga ng malalim, there... kumalma din. Naisipan nalang naming bumalik sa booth namin. May kausap si Kristin na dalawang lalaki. Hindi ko makilala kasi nakatalikod sa amin at nakaharap kay Kris. Parehong matangkad ang mga ito, may naalala tuloy ako. Nakita ko na halos lahat ay nakatingin dito, especially ang mga girls. Ang iba ay kinikilig pa at gustong himatayin, OA. Napansin ko na maraming bulaklak sa table ni Kris. Hmn, mukhang maraming admirers ang friend kong ito, masekreto talaga. Nakita ako nito kaya malakas na isinigaw ang pangalan ko "Eve! Halika nandito si Kuya Mat!" Huh! Sa narinig kong pangalan ay bigla akong napalakad ng mabilis. Halos makaladkad ko na si Ali at pasimple kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Kuya!" Mayayakap ko na sana ito kung hindi lang biglang huminto si Ali sa paglalakad para pigilan ako sa gagawin. Almost! Epal talaga. Teka nga, malampaso muna ang damuhong na ito! Marahas kong nilingon ang salarin at sinamaan ng tingin. Hahakbang na sana ako para sakmalin ang aking prey "Easy Eve" unti- unting nawala ang inis ko ng marinig ang boses ni Kuya Mat. Lumingon ako sa kanya with my sweetest smile ever! "Hello kuya, napasyal ka yata?" Iyon nalang ang sinabi ko. "Wala naman, nag-oobserve lang kami nitong kaibigan ko sa event ninyo, kaibigan ko nga pala si Adam" pakilala nito sa kaibigan. "Adam meet Eve classmate ni Tin" "Hi!" Bati nito sa akin. Familiar ang boses. Nang mapadako ang tingin ko sa kaibigan ng Kuya Mat ay lumaki ang mata ko sa gulat. Para akong pinako sa kinatatayuan ko ng masilayan ko ang mukha nito. Ang tangka kong batiin ito ay napigil sa aking lalamunan kaya napanganga nalang ako. Hindi ko na alam ang tamang pagbati sa isang estranghero. Muling bumalik sa alaala ko ang halik na pinagsaluhan namin sa beach. Mga halik na gumugulo sa akin magpahanggang ngayon. Naramdaman ko ang paghawak ni Ali sa kamay ko at pinisil iyon. Naging dahilan din iyon upang makawala ako mula sa pagkakahulog sa isang trance. Napayuko ako... I blink my eyes twice and look again in his eyes. They were cold and seemed want to speak of something. Lumipat ang mga tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Ali. Biglang nag-iba ang mood at naging masama ang tingin doon. Unti-unti kong inalis ang pagkakahawak ng kamay namin ni Ali. Then I saw relief in his eyes, ibinalik niya ang tingin sa akin na ngayon ay nagtatanong na. Blangko pa rin ang isip ko hanggang ngayon. "Uy, Pres enjoy mo na ah. Tapos na ang pagpapanggap!" Sa mga oras na ito ay nakita ko ang aking bestie na sagot sa suliraning aking kinakaharap ngayon. Hulog ito ng langit para sa akin. Parang gusto ko siyang yakapin at halikan. At this very moment I was saved by an angel. Gumana agad ang imagination ko...si Nick na may pakpak ng parang sa isang anghel , isinugo ni Papa God para iligtas ako... may dala pa itong gunting para putulin ang tali namin ni Ali... Thank You Lord!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD