Valentine's Day

1505 Words
Chapter 8 "Ang harsh mo naman Monica!" Parang maiiyak si Ali sa ginawa nitong pagputol sa tali namin, natawa naman kami nina Kuya Mat at Kris "Pres 10:30 na! Uuwi pa kami ng bahay para mag- beauty rest, paano nalang kami mamaya, ano haggard ang face namin sa prom?" pagtataray nito habang nakapamaywang. "Ahh Okay, officers pack-up na tayo!" sigaw ni pres, dahil gusto ng makapagpahinga at makauwi, ay mabilis na nagsikilos ang lahat. Pumasok sa loob ng booth si Ali para tumulong sa pagliligpit. "Anyway, Adam this is Eve" itinuloy ni Kuya Mat ang pagpapakilala sa amin "Hello, glad to meet you" ako iyon "Me too please to meet you" itinaas niya ang kanyang kamay upang mag-shake hands kami kaya tinanggap ko na lang. Matagal bago niya inalis ang pagkakahawak sa kamay ko. Kung hindi pa tumikhim si Kuya Mateo ay hindi niya talaga bibitawan ang kamay ko. Si Kristin ay nasa loob na din ng booth. "Eve tara na! Linisin na natin ito para makauwi na tayong lahat!" Sigaw ni Nicky sa loob, nakahalata yata na wala pa ako doon. Ang angel kanina ay saglit lang pala, nagtransform ulit siya sa pagiging witch niya hayys sayang "Ah sige po kuya maiwan ko na po kayo" nagmamadali na akong humakbang paalis pero nahawakan ni Adam ang pala-pulsuhan ko dahilan upang mapahinto ako sa pag-alis. Nilingon niya si Kuya Mat saglit "Bro, you can leave first if you want" napatingin naman si kuya sa kanya at saglit na nilingon ang kamay nito na nakahawak sa akin. Nagtataka man ay sumagot ito "No, I'll wait for my sister. Eve, pakisabi nalang kay Kristin na hihintayin ko siya sa parking" Nakakaunawang tumingin ito sa akin "Okay kuya" tumango ako habang sinasabi ko iyon at pagkatapos ay humakbang na ito paalis.Unti- unti namang niluwagan ni Adam ang pagkakahawak sa akin, hanggang sa tuluyan na niya akong bitawan. "I'll wait for you at the parking. Let's talk please?" Paki-usap niya "Bakit pa? Wala ka namang obligasyon sa akin" umirap ako "Seriously? Do you want us to talk right now? Here? At this very moment? I'm obliged" kinabahan ako. Nahihimigan kong gagawin talaga niya ang sinabi kapag nagmatigas ako sa kanya. Tumayo pa ito ng tuwid sa harap ko at humalukipkip na parang naghahamon. "Okay fine!" ayoko nang pahabain pa. "Sure?" Hala! Walang tiwala kaasar grrr! Tumango ako "Oo sabi hmp!" sabay talikod at lumakad na papasok sa booth, baka makahalata pa ang bruhang Nicky at kung anu-ano na naman ang itanong sa akin."Ano iyon? Kilala mo?" ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Echosera! "Wala may tinanong lang" huminto ang bruha at tiningnan ako sa mata kuuh need kong hindi magbaba ng tingin, mababasa ako nito sobrang lakas ng radar. Nagtitigan kami saglit, ibang klase talaga itong bestie ko. Malakas ang pang-amoy palibhasa kilalang-kilala ako. "In fairness gwapo!" Napatili pa ito sa kilig. "Tama na nga iyan! Bakit siya lang ba ang gwapo?" Aba! Ang Julian pumapapel ngayon ah, kanina lang si Ali ang mapapel ngayon siya naman. Napahinto tuloy si bestie sa pagdi-daydream dahil... Well die hard siya kay Julian e. Well kahit naman ako hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-absorb ang mga pangyayari sa araw na ito. At ang isa pa na ipinagtataka ko ay bakit nandito ang estranghero sa school? Ano ba ang meron ngayon at parang gustong maglaro ni destiny at pati si kupido ay niyaya pa? Oh, I almost forgot, it's Valentines Day. "Nick, mauna ka ng umuwi may dadaanan lang ako" paalam ko kay bestie "Huh? Saan ba iyan? Sama ako" haisst ang hirap makalusot sa isang 'to. "Ano kanila tita lang sa Punta, mauna ka na baka matagalan ako" palusot ko "Paano ang prom mamaya kung matatagalan ka?" katwiran nito. "Basta, alam ko naman ang oras ng prom at siempre mas importante sa akin na maka-beauty rest ka, tingnan mo iyang face mo haggard na masyado" tumawa pa ako for the effect. Humaba ang nguso nito kaya napangiti nalang ako. "Okay, kung hindi lang talaga ako pagod sasama ako at isa pa ihahanda ko pa mga gamit ko sa prom mamaya" "Yeah right" sabi ko habang nakataas ang eyeballs "Sa akin kasi ready na lahat" dugtong ko. Nagbeso na ito sa akin at naunang umalis. Pumunta muna ako sa restroom para mag-ayos ng sarili. Paglabas ko lumingon muna ako sa paligid-ligid, tingin sa kana, rap! Clear, tingin sa kaliwa rap! Clear,good walang spy kids. Nagsimula na akong maglakad patungo sa parking area. "Ano ba ang sasakyan nun?" May limang sasakyan ang nakaparada. Napansin ko ang isang magarang sasakyan na nakita ko sa beach, isang SUV. Hindi nga ako nagkamali, lumabas siya doon at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at iginiya papunta sa passenger seat. Hindi siya umiimik at parang nagmamadali, may lakad? E bakit gusto niya pa akong kausapin kung may lakad naman pala siya? Ang tangkad talaga niya, hanggang balikat lng ako. Malaki ang katawan at sa tingin ko may dugong banyaga. Ano ang ginagawa ng nilalang na ito dito sa school namin? Nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan ay saglit itong natigilan at nag-isip. Napa-isip din tuloy ako. Bakit nga ba pumayag ako sa gusto nito? Hala!! hindi ko siya kilala, baka mamaya r****t ito. Sa naisip ay napapitlag ako, suminghap at namilog ang mga matang lumingon sa kanya at nakaturo pa ang aking forefinger dito. Lumingon din naman agad siya sa akin ng marinig ang pagsinghap ko."Nah, I'm not what you think I am 'kay?" Habang umiiling at napapangiti sa reaksyon ko. Aw! akala ko lang pala, kumalma naman ako. Siguro nga, mukhang magaan naman ang pakiramdam ko sa kanya. "Bakit nga pala? I mean bakit gusto mo akong maka-usap?" Inumpisahan ko na ang Q and A portion. "About the kiss, I'm sorry I got carried away" dahan-dahan itong lumapit sa akin kaya kinabahan ako. Tinaas ko ang isang kamay upang pigilan siya sa paglapit sa akin. Na isa palang pagkakamali dahil lumapat iyon sa kanyang dibdib. Dahilan upang maramdaman ko ang matigas niyang kalamnan doon. Kumabog bigla ang dibdib ko, ang lakas. Dinig na dinig ko na umaabot pa hanggang sa tenga ko ang pagpintig nito. Pigil ko ang aking hininga habang nakatitig sa kanyang mga mata. Ganoon din siya, parang nag-isang hymno ang aming mga puso. "Jesus!" Tumigil siya sa paglapit "Put your seatbelt on" bulong niya. Nanghihinang bumalik siya sa kanyang upuan, dahan-dahang sumandal habang pumipikit ang mga mata. Ikinabit ko ang seatbelt ko. Napatuwid siya ng upo nang marinig ang pag -click nito."Hindi ako pwedeng makipag-usap ng matagal, I'm sure na aware ka naman na may prom mamaya" sabi ko "Yes, by the way how old are you?" Nag-aalangan akong sumagot. Feeling ko It's a turn-off kasi napakabata ko pa. Walang alam, hindi katulad niyang...eksperto? Siguro? Ewan, ano ba ang alam ko? "Sixteen" naging honest naman ako, ayokong magsinungaling this time. Pero hindi ko rin sinabing malapit na akong mag seventeen in three months time. Napilitan lang ako noong magsinungaling sa beach dahil sa inunahan ako ng kaba. Honesty is very important to me. "Too young" muling pumikit at napamura. "Ahh iyong age ko lang ba ang itatanong mo? And about the kiss, don't worry wala naman sa akin iyon" bumuntong -hininga siya. Pero ng ma-realize ang sinabi ko ay kunot-noong lumingon sa akin. "What?! What did you say?!" pagalit niyang sabi "Sige ganito nalang, okay aaminin ko ikaw ang first kiss ko" huminto ako saglit upang tingnan ang proud niyang mukha sa sinabi ko "Ikaw pa lang ang unang lalaking nangahas na kunin ang mga halik ko" Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi para ngumisi "Ni hindi nga kita kilala ha pero hello, this is a twentieth century, hindi na ito iyong panahon na mahawakan mo lang ang isang tao ay agad mo ng pakakasalan, maghunos dili ka uy!" Ang haba ng linya ko ah. Habang sinasabi ko iyon ay nag pout pa ako. Hindi ko na naagapan ang bigla niyang paghapit sa akin at halikan ako sa aking mga labi. Ang bilis niya, paano niya natanggal ang seatbelt ko. Ngayon nga ay magkalapat na ang aming mga labi. Ninanamnam ang bawat sulok nito. Grabe kahit hindi pa ako nakakatikim ng alak ay masasabi kong lasing na nga ako... lasing sa mga halik niya. "I can't get over you love" sabi niya in between kisses syeett hindi ko alam kung buhay pa ba ako? Hindi ako makahinga...saan? Sa sobrang pananabik o sa sobrang kaligayahan na muli ka niyang hinalikan? Pili na! Both... Aw syet! "Wait, nasa school tayo..." halos hinugot ko lang ang boses na iyon sa kailaliman ng aking lalamunan, mabuti at hindi ako nabulunan. Napahinto siya sa paghalik, inangat ng konti ang ulo. Sakto lang para matunghayan ang mga mata ko. Napatitig sa akin, nangungusap ang mga mata. Bakit ganito ang nababasa ko sa mga mata niya. Hindi ito maaari. Maaga pa para sabihin na pagmamahal iyon. Lumayo siya sa akin at muling umupo sa tapat ng kanyang manibela. Sumandal siya at muling napapikit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD