Chapter 9
"I'll take you home" maya-maya ay sabi niya "Hindi pwede!" sa gulat ko sa sinabi niya ay napalakas ang boses ko "Huh?! And why is that?" nagtataka kung bakit ayaw ko "Ano kasi..." putek! ano ba sasabihin ko? sa totoo lang nahihiya talaga ako.
Nangangapa ako ng sasabihin "Ano kasi, baka may makakita sa atin, strict ang parents ko e. Mapagalitan pa ako or worst hindi na payagang lumabas, ayokong mangyari iyon kaya I'm sorry... ayoko'ng magpahatid" nadale ko rin.
Maaaring ganoon nga ang mangyari pero ni minsan ay hindi ko nakitang nagalit ang nanay at tatay. Kahit pa sa mga ate ko noong panahon na tumigil sila sa pag-aaral at nagsipag-asawa.
"I see, so how can I help you? Can I drop you somewhere near your house?" offer ulit niya, naisipan ko na lang na pumunta sa downtown "Ano ah... ihatid mo nalang ako sa mall, oo tama! Sa City Mall nalang may bibilhin lang ako" ewan ko rin sa sarili ko kung bakit iyon ang naisip kong dahilan.
"Are you sure?" Nilingon ko siya at tumitig saglit sa mga mata niya, akala niya yata nagbibiro ako. Matapos kong makapag-isip ng idadahilan hindi niya rin pala ako paniniwalaan?! "Yeah, may bibilhin talaga ako" inalis ko ang tingin sa kanya at tumanaw sa harapan namin "Okay..." bumuntong-hininga siya at nagsimula ng mag-drive.
"Can I go with you when we get there?" gosh! kailan ba ako tatantanan ng lalaking ito "Hindi pwede" naka-irap pa ako ng sabihin iyon "Why?" makulit talaga "Oh please, huwag ka ng marami pang tanong okay?" Pagkasabi ko n'on ay nanahimik na siya, salamat naman. Naging tahimik ang buong biyahe namin.
Napagtuunan ko tuloy ng pansin ang sasakyan niya, ang laki nito at ang gara pa, yayamanin. Parang natutukso akong magtanong about sa personal life niya, pero pinigilan ko ang sarili, what for? baka isipin niya na usisera ako. Malamang na mayaman ito, it's very obvious. Sino ba ang makaka-afford ng ganito kamahal na sasakyan? Mga milyonaryo lang naman or maybe a billionaire, who knows?
Nakarating kami sa City Mall sa ciudad ng San Nicolas for about twenty minutes. May konting traffic kasi. Progresibo na talaga ang city na ito kasi marami ng establisyimento. Hindi na nalalayo sa Manila ang mga gusali dito. Kaya nga ang mga tao ay hindi na naghahangad na makarating doon, pwera nalang kung trabaho ang pag-uusapan.
Mas malaki kasi ang rate ng sahod sa Manila kumpara dito sa probinsya. Minsan na rin akong nakarating doon ng isama ako ni nanay. Nabubuhay pa noon ang aking lola at ang Tito Ed ko ang naatasang mag-alaga dito. Masyado pa akong bata noong dalawin namin ito doon sa Manila. Hindi na nga malinaw sa akin ang mga alaala ko sa parte'ng iyon ng pagkabata ko.
"Can we eat first? It's almost lunch time" tumingin pa ito sa relo niya sa bisig. Ano na naman kaya ang gusto nitong mangyari? "Kumain ka nalang ng mag-isa, I need to go" tinanggal ko na ang seatbelt ko at aakto na sa paglabas sa sasakyan niya.
"Wait!" Hinawakan niya ang braso ko. Napigilan ako sa tangka kong paglabas at napalingon sa kanya. Hinila niya ako palapit sa kanya at nilapit ang bibig sa tenga ko "Please I want to eat my lunch with you, It's not that hard right?" napapikit ako.
Nagdulot ng konting kiliti ang hininga niya sa tainga ko. Naramdaman ko na lang na hinawakan din niya ang kabilang braso ko kaya napadilat ako. Napasinghap ako ng makita na magkalapit na ang aming mga mukha waahh.
Unti-unting bumababa ang kanyang labi sa labi ko. Napapikit akong muli Oh... ang lambot ng labi niya...I'm encourage to return his kisses but I don't know how. Masuyo niya akong hinahalikan, ako? ewan para akong tuod dito na nakaupo lang, waiting for him to stop.
"Come, let's eat" iyon ang nagpamulat sa akin, tapos na pala ang halik na pinagsaluhan namin. Napakurap-kurap ako, I cleared my throat thinking that something was stuck in there "Ahmn, okay" nauna na siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na umikot papunta sa akin.
Binuksan niya ang pinto at inalalayan akong bumaba, feeling ko tuloy ay isa akong prinsesa. Dinala niya ako sa isang restaurant sa loob ng mall "Hey! wait mahal dito" pigil ko sa kanya. Tinutukod ko ang aking mga paa upang magpreno para pigilan siya sa paghila sa akin.
Natawa naman siya sa pagpipigil na ginagawa ko. Ang kinalabasan e parang naghihilaan kaming dalawa at dahil madulas ang sahig at malakas siya ay nahihila niya ako haha! para kaming mga baliw tingnan hayss. Yumuko siya at bumulong kaya napahinto ako.
"Hey love, don't fuss, leave everything to me" syett naghugis puso ang mga mata ko sa ganda ng boses niya, feeling ko mabubudol gang ako "Eve... ako ang iyong konsensya... bawal ka pang ma-inlove, bata ka pa..." natigilan ako ng marinig iyon sa utak ko kaya ibinalik ko ang aking sarili sa realidad.
Tama nga naman, sige tatapusin ko lang ito at uuwi na. Nakapasok na kami sa loob ng resto at nakakuha ng pwesto. May lumapit sa aming waiter upang kunin ang order namin. Hinayaan ko nalang na siya ang umorder tutal pera naman niya ang ipambabayad.
Nakakatakot tumingin sa menu, nakakalula ang presyo. Matapos makuha ang mga order namin ay umalis na ang waiter. "So Eve, may I know where do you live?" Tanong nito, nosebleed na talaga ako sa inglesero na ito. Mabuti nalang nakakaintindi siya ng tagalog at ako naman ay nakakaintindi ng konting ingles.
Pero minsan naguguluhan ako. Bahala na nga, tutal hindi na ako magpapakita sa kanya pagkatapos nito. I will go with the flow and enjoy this moment with him tutal wala namang mawawala sa akin.
"Sa Santa Catalina nga di ba? Doon tayo unang nagkita" kuuhh naalala ko na naman tuloy ang nangyari sa beach.
"How come you lived there? I'd asked the lady in the store but she told me that she didn't know you. I thought I was enchanted but no, I'd touched and kissed you" kwento niya na napatawa akong bigla. Naalala ko si Ate Carmela. Hindi niya talaga ako ipinagkanulo. I love you ate kahit hindi mo ako naririnig.
Lumingon-lingon ako sa paligid baka may makarinig sa mga pinagsasabi niya at pag-isipan pa kami ng masama. "Shhh..." itinapat ko ang hintuturo sa labi ko to silence him. It was a simple gesture na nagpatigil sa kanya at mapatulala sa labi ko.
Nakahalata naman agad ako kaya muling nagsalita "Lower your voice at please lang ha huwag na nating pag-usapan iyon" sabi ko sa kanya "I can't, the thought of it had brought me sleepless night. I can't get you out of my head" sa sinabi niyang iyon ay napangisi ako, oh well, kinikilig ako pero hindi ko ipinahalata sa kanya.
Dumating na ang waiter dala ang mga order namin. Pagkatapos niyang ma-serve ang mga pagkain ay nagpasalamat kami bago ito umalis. Imbes na magpatuloy sa naudlot na pag-uusap kanina ay mas pinili na lamang niyang kumain ng tahimik.
Siguro ay naiisip niya ang mga salitang binitiwan kanina at kung paanong nagiging vocal siya sa akin. Makakabawas iyon sa ego niya bilang isang lalaki kung tutuusin, ang pag-amin. Natapos na kaming kumain at ngayon nga ay nasa labas na kami ng resto.
"Paano ba iyan hanggang dito nalang tayo. Salamat sa lunch ha nabusog ako" ngumiti ako upang ipakita na sincere ako sa mga sinabi ko. Tumalikod na ako at inumpisahan ng maglakad patungo sa department store. Nakakalimang hakbang palang ako ng maramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko.
"I think I want to spend more time with you" whutt!? Wala akong nagawa, na naman, nang sumama siya sa akin. Actually, ang bibilhin ko lang naman ay lipstick na gagamitin ko sa prom mamaya. Pinili ko ang medyo light lang na shade "Nice pick, makes your lips more sexy and attractive"
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Sinubukan ko kasing maglagay sa labi ko para malaman kung bagay o hindi, bumagay naman. Okay lang sana kung si Nicky ang magsasabi niyon sanay na ako sa papuri ng bestie kong iyon. Yumuko siya at nagtagpo ang mga mata namin sa salamin na nasa harapan namin ngayon.
"But love, do you know what's running around my head right now?" He said while staring at my face in the mirror. I blink my eyes once then bite my lower lips. He lower his gaze to my lips and his adam's apple moved. He whisper softly, enough for me to hear him.
"I want to wiped it off using my lips, kiss you deeply until we ran out of breath..." omg! Nakakapanghina ng tuhod ang mga sinasabi niya. Kumurap ang mga mata ko pilit nilalabanan ang tukso ng lalaking ito. Deadma na lang ako, kunwari wala akong narinig.
"Thank you for this" itinaas ko ang hawak na paper bag na may laman na lipstick at pouch na binili niya. Yup! Siya ang nagbayad. Mapilit e regalo raw niya sa akin kasi Valentines Day naman daw. Ngayon ko lang tuloy na-realize ang true meaning ng araw na ito dahil sa kanya.
Akalain mo iyon? Halos date na rin matatawag ang nangyari ngayon kasi kumain kami sa labas. Yes, it's a date! Ibig sabihin hindi ako na-zero zone err my first ever memorable Heart's Day... I love you destiny mwuah!