Befriend

1530 Words
Chapter 10 "Eve wait" naglalakad na ako noon ng tawagin niya. Ayoko kasing magpahatid sa kanya, malapit lang naman ang sakayan ng jeep dito papunta sa amin sa Santa Catalina. "Yes? may nakalimutan ka?" muli akong humarap sa kanya. "Please come with me, I will take you home" ilang beses ko ba dapat siyang i-reject? "Sinabi ko na di ba? bawal nga" may kasama pang irap ng sabihin ko iyon. "Please hear me out... I just can't let you go home alone, not while I'm here" palagi nalang may rason hays. "Ano na lang ba ang gagawin ko? I give up! kulit mo!" At itinaas ko pa ang dalawa kong kamay sa ere telling him na sumusuko na ako. "Yes!" at umakto pa ng isang suntok ng tagumpay. Maka-yes akala mo ay sinagot ng babaeng nililigawan. "Basta ibaba mo nalang ako bago dumating sa Bangga Baybay ha, sa may kanto iyong walang makakakita okay?" sabi ko "Okay!" parang sumigla bigla ang boses nito.Mabilis lang ang naging biyahe namin pauwi. Bilib ako sa galing niya sa pagmamaneho, maingat at smooth. Nakikita ko na ang kanto, huminto siya limang metro ang distansya doon. Ganitong oras karamihan sa nagpapadyak ay nagpapahinga na kasi bihira lang naman ang tao, karamihan ay nagpapahinga at ang iba naman ay umiiwas dahil sa sobrang init. At kadalasan talaga ay siesta. Kaya kahit hindi ko makita kung may nakatambay doon ay hindi ako nabahala. Minsan nga kailangan mo pa ang maghintay kasi bihira lang talaga may bumabyahe ng ganitong oras. Ayoko namang maglakad dahil sobrang init. Nilingon ko siya "Baba na ako, salamat sa araw na ito" ikiniling ko ang ulo at ngumiti sa kanya. Hinawakan ko ang bukasan ng pinto ngunit naka-lock iyon, napalingon ulit ako sa kanya. "Can we see each other again?" sinasabi niya iyon habang nakaharap sa manibela. Napatigil din ako at napa-isip "I don't know, maybe? Maybe not?" Iyon nalang ang sinabi ko kasi nakikita kong malungkot siya. If truth be told, wala talaga akong balak makipagkita sa kanya noh! Ayokong ma-involved sa mayayamang tao. Malamang na laitin lang nila ang pagkatao ko. Pati na ang pamilya ko at ayoko na mangyari iyon kaya ngayon pa lang ay iiwas na ako. "I want to see you again" ngayon ay nakaharap na siya sa akin. Nangungusap ang mga mata. "What for?" Sandaling nag-isip siya ng isasagot sa akin "I can be a friend for now, I want to befriend you" huh? Ako? bakit? "Sigurado ka?" Naiinis ako sa excuse niya, seriously? Bakit hindi niya kaibiganin ang mga ka-level niya. Hindi ako nararapat na maging kaibigan niya. "That's the least thing I could do for now, courting you will not be a good idea" teka namingi yata ako doon ah "Bakit mo naman ako liligawan?" takang tanong ko. Tumitig siya sa mga mata ko "You really are young. But I'm willing to wait for the right time. I will wait for you to come at the right age. For now, let's be friends, okay?" Medyo na-hurt ako sa sinabi niya, kahit paano ay naghahangad din pala ako–oh wait! Ano ba ang iniisip ko "Okay, magpapaligaw nalang ako sa iba, matagal pa naman iyong sinasabi mo" napangiti ako hanggang sa naging tawa na iyon. "What?!" Dumagundong ang boses niya sa narinig. Napatigil ako sa pagtawa, lumapit siya sa akin, hinawakan ako sa magkabilang braso at iniharap sa kanya "Don't you dare Eve! You don't know how I felt when that boy in school held you, it's like hell for me! What more if there's a lot of them becomes my rival, it's double hell" Nakarating na ba siya sa hell? Paano mo nasabi? Ewan ko ba sa taong ito, bipolar yata kanina lang masaya ngayon ay galit na.Pumikit ako, ayokong makita ang nagbabaga niyang mga mata, hell daw e. My golly! Need ko na talagang umuwi, I need a beauty rest for the prom later on. I open my eyes slowly to see that he was already staring at me. Begging was shown in his eyes. I can't move he holds me tight. Inhale... exhale "I need to go" after saying that he lowered his lips to mine. Waahh!!! wala na itong ibang alam na gawin kung hindi ang halikan ako. Hinila niya ako palapit sa kanya. Gumapang ang mga kamay niya na nasa braso ko patungo sa mga kamay ko at dinala ang mga iyon sa batok niya. He wanted to deepened the kiss. Sa ilang beses na nahalikan niya ako, I realize something...kumakalma ang puso ko sa tuwing ginagawa niya iyon. Bumaba ang mga kamay niya sa baywang ko at pilit akong hinihila padikit sa katawan niya. Ohh... parang may namumuong init sa katawan ko. Ganoon din siya marahil. Because I swear, I heard him moan when my breast collided with his chest. "Ohh... Eve my love" bulong nalang iyon na lumabas sa bibig niya "A–dam..." I pronounce his name in a very seductive way, did I? Ako ba iyon? Wala namang ibang tao dito kundi kami lang. After hearing my voice, he embrace me tight. My voice served as a warning for him to stop. "I... I can't loose my sanity...not now you're too young for this" he kiss my forehead lovingly. Then, one swift kiss on my lips before he unlock the door of his car. "Go now before I do something foolish" pagtataboy niya sa akin. Dali-dali naman akong bumaba ng kotse at hindi na nagtangka pang lumingon sa kanya. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa Bangga. Whew! muntik na ako doon ah. Sana ito na ang huli naming pagkikita ayoko ko ng magkaroon ng ugnayan sa kanya... Halos dalawang oras din akong nakapagpahinga bago dumating sila Ate Carmela at Ate Mary, ang mga ate ko na very supportive sa akin. Sila ang gagawa ng hair and make-up ko. Si Ate Carmela muna ang nauna kasi sa make-up siya naka-toka. She just curl my eyelashes put some thin eyebrow in brown color. My eyes were in bronze eyeshadow "Wala ka bang red lipstick? e red yung damit mo" sabi ni Ate Carmela "Ito nalang ate" inabot ko sa kanya ang lipstick na binili ni Adam "Hindi bagay iyan!" Ouch! nasapul ba ako doon? Parang tinamaan ang puso ko, bulls-eye! Ang color kasi na napili ko ay "Touch of Spice" ito kasi ang bestseller at bagay din naman sa akin sabi ni Adam. Bakit ba hindi siya maalis sa isip ko? Magiging parte ba siya ng buhay ko? Kinabahan ako. "Teka, meron ako sa kwarto ko" minsan kasi dito natutulog sila ate kasama ang cute kong pamangkin. Request nila nanay at tatay at para bonding na rin namin. Sa kanila pa rin ang mga kuwarto nila, hindi na magbabago iyon. Sandali itong nawala at ng bumalik ay may dala ng red lipstick. Ipinahid niya iyon sa aking labi at tama si ate, bagay naman talaga iyon sa magiging outfit ko. Ang hairstyle naman na ginawa ni Ate Mary ay messy bun. Pinakawalan niya ang ilang hibla ng buhok ko at kinulot ang dulo niyon. "Perfect! Napakaganda mo talaga kapatid!" Si Ate Carmela "I agree, siguradong lalampasuhin mo silang lahat doon. Ikaw ang magiging Prom Queen" si Ate Mary, tiwalang ako ang mananalo then nag hi-five pa sila. Suot ko na ngayon ang red lace cocktail dress ko. With matching gold ankle strand heels. Butterfly earrings na gold and a white gold watch plus a red choker ang mga accessories ko, hindi kaya magmukha akong Christmas Tree nito. Nilagay ko sa purse ang binili na lipstick, panyo, spritzer, face powder at tissue para sa pang retouch ko. Pababa na ako sa hagdan ng makita ko si Ali na kausap si tatay. Napatulala ito pagkakita sa akin, oh well, alam mo naman ang two evil sisters ko when they do their thing, tadaaa! Magic! "Wow bunso ikaw naba iyan?" malakas na sabi ni tatay. Pero ang mga mata ay nakay Ali, tinitingnan ang reaksyon nito. Sanay naman na ang pamilya ko sa pagmumukha ko, talagang nabiyayaan lang ako ng konting kagandahan. Hindi naman ako pala make-up kahit sa school kaya siguro napatulala si Ali sa akin kanina. Sabi nga ni Nicky na ako nga raw ay may natural na angking kagandahan at hawig ni Brooke, na aming paboritong artista ng Hollywood. "Anak, napakaganda mo ngayong gabi ah, goodluck!" si tatay na gusto man akong yakapin ay hindi ginawa para hindi masira ang make-up ko. Napangiti naman ako dito "Saan pa ba ako magmamana tatay" sabay sabay kaming tumawa sa sinabi ko. Nagpaalam na kami ni Ali sa aking magulang at mga kapatid. "Eve, you are stunning..." si Ali "Thanks!" maikling sagot ko sa kanya habang nakangiti. Binuksan niya ang pinto sa backseat meaning? "Ah Eve, si Kuya Alexandro ko nga pala, kuya si Eve" pagpapakilala nito sa amin. "Hi, glad to meet you Eve, totoo nga palang talaga ang sinasabi nitong kapatid ko" "Kuya!" Tumawa ng malakas ang kapatid ni Ali. "Nevermind" sabi nalang nito. May gumuhit na lungkot sa didib ko ng maalaala ko si Adam. Kasing edad lamang nito ang kapatid ni Ali. Talagang palaging may magpapaalala sa akin na he do really exist...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD