Chapter 11
The next thing I knew ay nasa gym na kami kung saan gaganapin ang JS Prom. Maayos at maganda ang pagkakagawa ng decorations. May disco ball sa gitna ng ceiling and may strobe light naman sa paligid ng stage at sound system. Ang mga table ay nasa magkabilang panig.
Bakante ang gitna dahil ito ang magiging dancefloor. Dumating ang mga advisers sa bawat section na kasali sa JS Prom. Pati na rin ang buong PEHM department teachers. Sinadya naming agahan ni Ali para sa briefing ni Mr. Krisologo our beloved principal. Sunod sunod na rin ang pagdating ng mga officers kaya nag-umpisa na ang briefing.
"Officers, malapit ng magsimula ang program. I want all of you to find a partner, buddy buddy ang rotations with your co-officer. Once in a while do some rounds to make sure your fellow student behave properly. Nakakahiya sa mga bisita natin. Nandito rin ang mga officers of lower grade. Sila ang mag-aassist sa inyo para ma-enjoy din naman ninyo ang gabing ito. Afterall, this night was made for you Junior's and Senior's. Duty with pleasure can be both done tonight."
Tama naman si Mr. Principal. Dapat din kaming mag-enjoy kahit naka-duty. Kasali naman talaga kami sa event na ito. Natapos ang briefing ng hindi ko nakita si Kris. "Nick nasaan si Kris?" Tanong ko "Hinahanap ko nga rin" sagot nito. "Hi! Sorry I'm late" sabay kaming lumingon ni Nick dito.
Nagbeso agad ito pagkalapit sa amin. "Mabuti at hindi pa nagsisimula. Nakaabot ka pa rin" sabi ko. Nakaupo na kami ngayon sa table na nakalaan para sa mga officers ng Student Council. Hindi na kami pinasama ni Mr. Principal sa section namin para daw madali kaming matawag kung may kailangang gawin.
Katabi namin ang table ng PEHM department teachers. Sa kabila naman ay ang table para sa mga bisita. Sa likod namin nakaupo ang mga officers ng lower grade. Nagpapasalamat talaga ako at nariyan sila. Naka t-shirt na puti na may tatak na Student Council Officer at naka-pants na maong ang suot nila.
Tumunog ang drums. Nagsalita sa stage ang headteacher ng PEHM department. May mga nakahilerang upuan sa stage at nandoon ang ilang head teachers ng ibang subject, ang principal at ang assistant principal. "Let's begin the program. Ladies and gentlemen, the entrance of colors" pumasok ang mga cadette officers.
Bitbit ang flag ng school at siempre ang flag ng Pilipinas. Prayers was next at isang estudyante sa higher section ang nag-lead. Then, the National Anthem, inilagay namin ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at sabay sabay na inawit ang pambansang awit ng Pilipinas. Opening remarks, of course galing sa aming butihing principal.
Turn-over ceremonies, ang dami palang seremonyas bago ang party mismo. Nakakaantok, bawal kasi gumawa ng ingay at makipag-usap sa katabi. Nanatili lamang akong nakamasid sa nagaganap. Sumunod ang cotillion. Ang galing nilang sumayaw, lalo na kapag nagpapalitan ng partner, third year and fourth year collaboration. Ang ganda ng mga suot nila.
Nawala ang antok ko lalo pa ang music ay waltz na very familiar sa akin na minahal ko na simula pa noong bata pa ako. At nakikita ko pang nagsasayaw sila na magkakapareha na parang prinsipe at prinsesa. Naalala ko tuloy noong maliit pa ako ang kwento ng isang prinsipe na nagkagusto sa isang dukha. Mangyayari kaya ang ganoon sa totoong buhay?
At speaking of prinsipe, ano itong nakikita ng mga mata ko? Bakit naririto na naman ang lalaking ito? Nakita kong sinalubong sila ng principal namin at ibang heads. Kasama niya rin si Kuya Mateo, may dalawa pang lalaki na hindi ko kilala pero masasabi kong mga anak mayaman din. May napansin din akong mag-asawa.
Foreigner ang lalaki at Filipina naman ang babae. Iginiya sila ni Mr. Principal sa table na malapit sa amin. Hala, meaning isa siya sa mga bisita? Nagyuko ako ng ulo, ayaw ko siyang tingnan. Hindi ito maaari, naglalaban ang aking puso at isipan. Naguguluhan na ako, ito ba talaga ang tadhana ko?
Alam kong masasaktan lamang ako kung hahayaan ko siyang makapasok sa buhay ko. Hindi kami bagay, mayaman siya at mahirap lang ako. Napakalaki ng agwat ng pamumuhay namin. Sumabay pa sa kalungkutan ko ang musikang naririnig. Ang musikang iyon ang nagpapaalala sa akin ng kwento na simula pa pagkabata ay kabisado ko na.
Nagkataon din na mahirap ang babae at nagkagusto sa kanya ang prinsipe. Kaya biglang yaman din siya, kakaiyak. Alam kong hindi ako matutulad sa kanya, walang ganoon. Sa pelikula lang nangyayari iyon hindi sa totoong buhay. Bakit ako pa destiny ang napili mong paglaruan? Hold on Eve, overthinking ka.
Huwag mong pangunahan ang tadhana. Yay! Ganern? Pasensiya na tao lang hehe. Natapos ang cotillion. Ipinakilala ang unang bisita, naging maingay ang paligid. Maraming girls ang tumili, kasali kaming tatlong magkakaibigan. "Omg!!!" sigaw ni Nicky habang pinapalo ang lamesa. Sinaway ko ito "Shhh, behave Nic" pero huwag ka kinikilig din ako.
"Hello everyone this is your Dj of the night... DJ Stanley" nakakaakit ang boses niya. "Woooh" lalong nag-ingay dahil sa ipinamalas nitong boses, pati ako na carried away...nakakalakas ng t***k ng puso, parang gusto ko siyang yakapin. "Kamusta San Ignacio High! Okay lang ba kayo?!" Malakas at masigla na pagbati nito.
"Oo, Wooooh" malakas ding tugon ng lahat. Todo ngiti rin ako dito sa upuan at sobrang kinikilig talaga ako sa boses niya "Gusto niyo bang kumanta ako?" "Ooooo" Ang iba ay pumapalakpak na kahit hindi pa naman kumakanta ang Dj, grabe! "Okay here's a song from one of my favorite singer, music please"
Tumunog ang piano na intro palang ay nag-ingay na naman pero tumigil din naman agad ng kumanta na si Dj Stanley. Paborito din pala niya ang music na iyon na inawit ng isang sikat na mang-aawit mula sa ibang bansa. In fairness ang ganda ng boses niya ha, pwedeng pambato sa singing contest.
Swabeng swabe, nakakafall ang linya ng kanta. Hindi ko napansin na tapos na pala. Malakas at masigabong palakpakan na lang ang aking narinig. Feel na feel ko pa naman ang lyrics, para akong idinuduyan sa antok waah. Bawal pala matulog, hello, prom ito Eve. One of the biggest day of your life.
Na-engkanto yata ako sa boses niya ang sarap pakinggan. Nakita ko na lang na pabalik na ito sa table nila na malapit lang sa amin. "Okay mga anak, alam kong ito na ang hinihintay ninyong lahat..." Ibinitin pa ni Miss Pelaes. The drum rolls at bago pa huminto ay sabay sabing...
"It's party time!!" "Wooohhoo" Ayun nagsitakbuhan na ang lahat sa gitna ng dancefloor with their partners, hindi rin sabik ano haha. Tumugtog ang isa sa mga awiting sikat na nagmula sa isang sikat ding banda, kaya ang mga kapwa ko students ayun nag wild na. "Sayaw tayo Eve" yaya ni Ali sa akin.
"Later na lang pres" sagot ko "Okay lang kung ayaw mo, dito na lang din ako" "Oh no Ali, pwede ka namang magyaya ng iba don't mind me. I'm sure maraming gusto diyan na makasayaw ka" medyo magkalapit ang mga mukha namin habang nag-uusap. Sobrang lakas ng sounds at hindi kami magkarinigan.
"Kung gusto mo, mag-ikot lang muna tayo. Check muna natin sila at kamustahin" si Ali na ang tinutukoy ay ang duty namin na magbantay ng mga students "Sige, mabuti pa nga" Sabay kaming tumayo. Paghakbang ko ay bumangga ako sa isang matigas na bagay na halos kinabigla ko rin.
At kung hindi pa niya ako nahawakan sa baywang ay malamang na sa sahig ang bagsak ko. Napatingala ako sa kung sino man ang nakabangga ko at napatitig sa mga mata nito. Those deep pair of eyes, makakalimutan ko ba iyon? Hindi na siguro...nakatatak na iyon sa utak ko.
Hinila niya ako patayo. Itinuwid ko naman ang katawan ng makatayo na. Gusto kong alisin ang mga kamay ko sa balikat niya na marahil ay nagawa kong mahawakan dahil sa takot kong bumagsak kanina. Pero nakahawak pa rin siya sa baywang ko, paano ba ito. "Tara na Eve" sabi ni Ali.
Ng lingunin ko siya ay nababahalang tingin agad ang nakikita ko sa mukha niya. Siguro kung si Andrew lang ang nakahawak sa akin ngayon ay ibinalya na niya. Pero bisita ito kaya nagtitimpi na huwag makagawa ng gulo "Sige" tumango ako sa kanya kaya nauna na siyang humakbang sa akin.
Hindi ako makaalis "Adam please, let me go" ayaw pa rin talagang bumitaw nito. "And where do you think you're going?" nakataas pa ang kilay nito "Pwede ba?! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Baka makaagaw tayo ng pansin dito" Nag-uumpisa na akong magpanic "I don't care" hala, lagot na.
"Duty ko ngayon as an officer so please let me go" mahinang boses pero gigil kong sabi "No.way." madiin din nitong sabi, ano daw? Buset na 'to! Ngayon pa? At dito pa talaga sa event na ito, huhu naiinis na ako. Paano ba ako makakawala nito?
"Eve!" may tumawag sa akin, si Kris, patay na. Ayaw talaga akong bitiwan ng lalaking ito. Ano nalang ang sasabihin ko dito sa sitwasyon ko ngayon? Paano ko ito ipapaliwanag kay Kris?