The Banquet

1501 Words
Chapter 12 "Kris!" Sana mahimigan niya na humihingi ako ng saklolo sa kanya. Tumingin ako sa mga mata ni Kris, naki-usap "Oh Adam! Ikaw pala iyan?!" sabi nito, magkakilala pala sila nito sabagay kaibigan nga pala ni Kuya Mat si Adam. Lumingon sa akin si Kris nagtataka ang mga mata "Eve, hinahanap ka ni Mr. Krisologo" hayyss Thank God! Makakawala na rin ako sa lalaking ito. "Where is he Kristin?" si Adam ang sumagot "Ahmn..." lumingon muna si Kris bago sinabi. "Nandoon sa banquet" at hinayon ang lamesa na puno ng maraming pagkain. Nakakunot na ang noo nito ng muling lumingon sa amin ni Adam. "Bakit Adam may problema ba?" Hindi ko maintindihan kung sa akin ba ito nag-aalala o kay Adam. Parang may kakaiba ngayon kay Kris. Parang... nag-iisip ako kung ano ang kakaibang napapansin ko ng walang sabi-sabing hinila ako ni Adam papunta sa banquet.Nandoon nga si Mr. Krisologo kausap ang dalawang mag-asawa na bisita. Nagulat ito ng makita ang kasama ko. "Eve? Nasaan si Ali? Di ba kayo ang partners?" nagtataka ito kasi iba ang kasama ko at bisita pa namin. "Opo kami nga po ang magka-partner, nandoon po siya sa mga nagsasayaw na estudyante" hinayon ko ang dancefloor. "Ah, I see" napatingin pa ito sa mga nagsasayaw na parang akala mo ay makikita niya doon si Ali. Mukhang wala naman itong sasabihin, excuse nga lang siguro talaga ni Kris iyon para makawala ako kay Adam. Hindi naman na ako dapat na narito baka confidential pa ang pinag-uusapan nila. I excuse myself para makaalis na doon. "Ah sige po sir, pupuntahan ko lang po si Ali" tumango naman ito sa akin at nagpatuloy na sila sa pag-uusap. Tumingin pa saglit sa akin ang ginang na kausap nito at pagkatapos ay kay Adam ng may pagtataka sa mukha. "Adam kanina ka pa! Doon ka nga sa mga friends mo!" Nag-uumpisa na naman akong mainis dito. "No.way." wala na ba itong sasabihin kundi puro gano'n nalang "Bakit ka ba sunod ng sunod? Gusto mo yata talagang mapahiya ako e 'no!" hindi ito umimik sa sinabi ko. "Please let me go..." sabi ko kasi hinawakan na naman niya ako sa braso, napansin niya sigurong bumibilis ang lakad ko. "And what? Leave you with that boy! Hah! No.way Eve" katwiran nito "Hindi mo naiintindihan e. May duty ako, I'm one of the officers of the student council so please let me go!" Parang maiiyak na ako sa inis. Kanina pa ako nagpapaliwanag sa kanya "Eve!" waahh nabuhayan ako sa boses na narinig, ang pinakamamahal kong bestie Nic "Kanina ka pa namin hinahanap ah nandito lang pala!" tumingin ito sa amin ni Adam nagtataka rin ang mukha. Oo nga naman, kanina pa puno ng pagtataka ang mga taong nakakakita sa amin. Bago sa paningin nila na may kasama akong isang estranghero. At siempre vice-versa doon sa mga kakilala din ni Adam. Over all, lahat sila nagtataka kung bakit magkasama kami. At kung paano ko ito nakilala sa saglit na panahon lang. Samantalang si Nic at Kris palagi ang kasama ko. "Parang kilala kita ah saan ba kita nakita? Hmm" habang busy pa mag-isip ang witch friend ko kung saan nga ba niya ito nakita ay nagkatinginan kami. Parang naghahanap ng sagot sa mga mata ko. Pero agad ding bumalik ang tingin nito kay Adam ng sa wakas ay makaalala na ito "Aha! ikaw iyong kasama ni Kuya Mateo doon sa booth kanina!" tumango ito "Eve, bakit magkasama kayo? Kanina ka pa hinahanap ni pres" Sukat sa narinig ay naramdaman kong dumiin ang pagkakahawak nito sa braso ko at kinabig niya ako palapit sa kanya. Lumaki ang mga mata ni Nicky sa ginawa nito. Lalo pa at inilapit ako nito sa kanyang dibdib bago nilipat ang kanyang kamay na nasa braso ko kanina papunta sa aking baywang, hala! I want to faint please lupa bumuka ka at lamunin ako huhu! "Wait lang ha! I don't get it!" Gusto na ring sumabog ng bestie ko. Kanina pa bumabalandra sa paningin niya ang pagiging possesive ng lalaking ito. At hindi siya sanay na may umaaligid sa akin ng hindi niya alam. "Eve ano ito?" Tumitig sa akin si Nic humihingi ng paliwanag. Tumingin ako sa paligid baka we're creating a scene na, pero parang wala namang pake ang mga tao sa paligid may sari-sariling mundo. Huminga ako ng malalim pilit na inaalis ang kaba sa dibdib "Sige na Nic, wait mo nalang ako sa table natin" muling itong tumitig sa akin at pairap na umalis. Niyaya kong lumabas si Adam feeling ko nakaka-suffocate na sa loob "Ano ba talaga ang gusto mo at hindi mo ako tinatantanan ha?" tumingin siya sa akin, nasa bench kami sa gilid ng gym umupo. Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit nagpapakahinahon ako sa lalaking ito. Maliwanag dito sa labas, we are talking under the moonlight, full moon pala ngayon. Gumagaan ang loob ko, masaya ako kapag nakikita ko ang buwan na bilog at maliwanag. Napalingon ako sa paligid "Nakikita mo ba ang mga iyan?" at ikiniling ko ang aking ulo pointing those students who are with their boyfriends and girlfriends. Tumingin din siya sa mga iyon pero muling tumingin sa akin na parang walang nakita "Sila ang dapat na bigyan namin ng atensiyon sa araw na ito, dapat namin silang sawayin bago pa may mang–" "Leave it!" nagulat ako sa sinabi niya. "May mga tungkulin kami sa school. Ako, si Ali, si Nic, or even Kris hindi pwedeng ipagsawalang bahala iyon, naiintindihan mo ba?!" "And what about me?!" ha? Bakit? Ano ba siya? "Pardon?" baka nabingi lang ako "I'm a visitor here, you should take care of me too" sabi niya. "Bakit naman? Ano ang problema mo?" curious ako kung may problema nga siya or baka naman pinagloloko lang ako nito. "I'm not at peace everytime I see you with someone else, Eve" napanganga ako imbes na magsalita ay napatikom nalang ang bibig ko sa sinabi niya. "Bakit Adam? Wala namang problema kung may kasama akong iba. Hindi naman tayo, walang tayo...kaya hayaan mo na ako. Kahit sino pa ang kasama ko, wala kana doon" sa wakas nasabi ko rin. Nasabi ko rin ang mga bagay na nagpapagulo sa isip at damdamin ko. Dahil sa sinabi ko'y napatitig siya sa akin "And besides, sabi mo nga ay bata pa ako, hindi pa pwedeng ligawan" napabuntong- hininga siya. "I... Yeah... of course, I know" yumuko ito upang umiwas ng tingin sa akin. Iyon naman talaga ang sinabi niya. Bakit ngayon feeling ko pinagsisisihan na niya kung bakit iyon pa ang sinabi sa akin. "Mga bata pa naman tayo, malay mo magbago pa ang damdamin mo para sa akin" halos hindi ko masabi iyon, tibay lang talaga ng loob kasi kahit ako ay nasasaktan din sa mga sinasabi ko. There's a little hope in me na sana ay–oh no! Eve, control your feelings, huwag ngayon. Direct to the point na talaga ako sa kanya. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa, hahaba lang ang usapan. Mabuti pa hangga't maaga ay maputol ko na din kung anuman ang damdamin na meron ako para sa kanya. Bumalik ako sa loob. Hinanap ng mga mata ko si Nicky, I need my bestie so much. Kailangan ko ng makaka-usap, hindi ko maintindihan pero kasi sa palagay ko hindi ko na kakayaning mag-isa ang ang nararamdaman kong ito. I need to breath, I need someone to talk to. I need my bestfriend to share my feelings and my thoughts. She must know the details of how I met this guy. Mabuti nalang ay nakaya kong pigilan ang aking nararamdaman. Kung hindi ay baka bumigay na ako kay Adam kanina... *** "No way Eve, my feelings for you won't change and that I don't want to lose you right now. Yes, I admit you're too young for this. Actually, we are still young for this. We are both studying. I must not put anything at haste. Please bear with me. I'm willing to wait for the right time for us. Just... be with me please, love?" He search for my hand and intertwined his with mine. Napapikit ako, parang may dumadaloy na init sa akin na galing sa kanya. "Adam listen to me" dumilat ako at tumitig sa kanya "I'm not yet prepared for any kind of relationship or commitments, wala pa akong alam sa ganoon" sabi ko sa kanya. "If you reject me tonight then I'm doomed" masakit ang kaloobang sabi niya. Hindi ako makaimik, ano ang gagawin ko? Papa God please help me "Adam your father was looking for you" humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nilingon ko ang nagsalita. Si Kris. Napansin kong medyo tumiim ang mukha nito ng makitang magkatabi kami ni Adam na nakaupo sa bench, what more kung makita pa niyang magkaholding hands kami nito. Ngayon ko lang siya nakitaan ng ganitong expression towards me, curious na talaga ako kung ano ang meron sa kanila ni Adam. Bakit palagi siyang nakasunod dito? Dapat kong alamin kasi magkaibigan kami...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD