My Confidante

1611 Words
Chapter 13 "Later Kris" sagot nito "Adam you can go" sabi ko naman. Tumuwid siya ng upo at lumingon sa akin. Hinanap ang mga mata ko at tumitig dito. "We're not yet done talking" sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko "I'm sorry to interrupt the both of you, but Adam even your mom was asking me to look for you. Alam mo naman si Tita Amalia, ayaw niyon ng pinaghihintay" Parang hindi ko na kilala si Kris. May kakaibang pwersa sa tono niya na kailangan talaga naming maghiwalay ni Adam. Pero pabor naman sa akin ang pamimilit niya kasi baka hindi ako makapag-duty as an officer kung panay ang buntot nito sa akin. *** "Nick, can we talk?" Tanong ko ng makita ko siya sa table namin kausap si Ali at Julian. Napalingon silang tatlo sa akin "Eve! saan ka galing?!" Si Ali na nagulat pa sa bigla kong paglitaw doon. "Sa labas lang nagpahangin" sagot ko dito. Tumayo bigla si Nicky at hinila ako palabas. Bakit puro sa labas nalang yata kada mag- uusap? "Your time starts now" nag gesture pa ito sa itinuturo ang relo, tumingin siya sa akin. This is it! wala na nga yata akong maitatago pa dito. Alam talaga ng bestie ko If I'm bothered or in trouble. I really love her for being like that and being sincere. Yayakapin ko na sana siya pero pinigilan niya ako "Hep! No, cut the drama, I wanna hear it straight from you, Paano kayo nagkakilala? Ano ang name niya? Syett ang gwapo ha" kinikilig pa ito to the max. Kinurot pa nito ang tagiliran ko na parang nanggigigil. Natawa ako at naalis ang pag-aalala, akala ko talaga galit na siya kanina. "Well first of all, doon ko siya nakilala sa beach. Pero saglit lang naman dahil umuwi din ako agad" paliwanag ko. Hindi ko na muna sinabi ang tungkol sa halik. Baka sabunutan ako nito ng wala sa oras. Kahit nasa bff code namin na bawal saktan ang bff ay siguradong lalabagin niya iyon. "Weh? Bakit parang possesive yata sa iyo?" ayan na interrogation with the best friend. "Hindi ko rin alam, second meeting nga lang namin doon sa booth kanina e" and again hindi ko rin sasabihin ang pagpunta namin doon sa City Mall. Baka ma-double kill ako. "At ngayon, third meeting n'yo na? How sweet" Medyo naningkit pa ang mga mata nito, bakit parang may tunog sarcastic ang bestie? Yari ako, triple kill na! "Yeah, hindi ko naman alam na isa siya sa mga bisita rito" madrama kong sabi. Magsasalita pa sana si Nicky ngunit naagaw ang atensiyon namin ng may magsalita sa mikropono. "The banquet is now ready. Happy eating everyone!" everybody cheered. Pati iyong mga nasa labas ay nagsipasukan na. Mga gutom na nga. "Later na tayo, siguradong mahaba ang pila niyan" iyon na lamang ang nasabi niya. Salamat talaga sa bestie kong ito gumaan ang pakiramdam ko though hindi ko man nasabi ang lahat sa kanya, the point is nagkaroon ako ng isang taong masasabihan ko ng sekreto for real. Test palang ito sa pagiging mag bestfriend namin, marami pa kaming pagdadaanan I'm sure. "Bestie?" si Nic may nakalimutan yata "Hmm" ako "Kung sakaling ligawan ka ni Adam, papayag ka ba?" "Bakit mo naitanong?" Balik tanong ko, nagtanong pa siya haha! "Wala lang, feeling ko kasi iba siya. Kahit noong mga bata pa tayo, sa tagal ng panahon na maraming nagkakagusto sa iyo, parang siya palang ang nabigyan mo ng atensiyon. Well, that's base on my observation" Ganoon ba ako kay Adam? Hindi ko napapansin iyon. Siguro tama ang bestie ko "Kahit naman ligawan niya ako, hindi pa rin magiging kami kasi first priority ko ang pag-aaral, uunahin ko pa ba iyan kaysa sa mga pangarap ko?" I explain confidently. "Sabagay may point ka. Ako rin, study first before love din ang peg, makakarating din tayo sa bagay na iyan in time" niyakap ko siya, ganoon din siya sa akin "Mag bestie nga tayo, promise me walang iwanan ha" bulong ko sa kanya. "Promise" mahinang tugon niya. "Hey girls!" si Julian, aw! Ang bestie ko buo pa ba? Tiningnan ko siya at kinurot, ngumisi siya sa akin. "Ang tagal ninyo bumalik sa loob nag-aalala na si Pres Ali. He told me to call you two, kinuhaan na namin kayo ng pagkain" How thoughtful naman. Nagkatinginan kaming mag-bestie at sabay na ngumiti. "Thanks Julian" si Nicky. Sabay na kaming tatlo na pumasok sa loob. Habang naglalakad papasok ay hinawakan ni Nic ang braso ko bumulong sa tenga ko. "Best, grabeh makatingin sa iyo oh, over, malalaglag yata panty ko paki check nga kung intact pa sa garter ko" waahh baliw talaga itong si Nicky kung maka - react "Shhh...behave" natatawa ako pero at the same time tense din kasi madadaanan muna namin ang table nila bago ang sa amin. Umiwas ako sa mga tingin niya, kaya kinausap ko nalang si Nicky hanggang sa makarating kami sa table namin. Tumabi ako kay Ali at sumunod naman sa upuan ko si Nic na katabi naman si Julian. Napansin ko si Kris na nasa kabilang table na nakaupo at kumakain. Happy siya ah, kausap niya pa ang mag-asawa "Bakit nga pala nandoon si Kris?" naunahan ako ni bestie sa pagtatanong, akala ko ako lang ang nakapansin "Siguro kasi nandoon ang kuya niya" si Julian ang sumagot. Baka nga, pero sa palagay ko hindi lang iyon ang rason. "After we eat, mag-ikot na tayo" si Ali na tumingin sa akin "Okay" sang-ayon ko "Saan kayo banda?" si Nic na tumingin kay Ali "Sa labas" sagot nito "Dito nalang kayo sa loob Ali. Kami nalang ni Julian sa labas" suggest ni Nic, nagtataka ako pero tumingin siya sa akin at kumindat kaya na gets ko ang ibig niyang sabihin. "Pwede naman" tumango ito kay bestie "Kuha tayo ng dessert, best" niyaya ako ni Nic "Sige" sabi ko "Kayo Ali, Julian, ano gusto ninyo?" "Sama nalang kami" sagot ng energetic na si Julian "Mabuti pa nga" agree din ni Ali. Nagkatinginan kami ni bestie at sabay na napangiti. Ang daming pagpipilian. Naguguluhan ako. Sa category ng salad ay may macaroni, buko, vegetable at buko pandan. Mayroon ding leche flan, maja blanca at ube halaya! Aba'y paborito kong lahat ito ah! At may iba't ibang flavor pa ng ice cream Bongga! May chips at mayo, french fries, basta ang dami. "Ano gusto mo Eve?" si Ali "Vegetable salad nalang" sumandok ito at nilagay sa paper plate na hawak at pagkatapos ay inabot sa akin "Thanks" sabi ko, naramdaman ko naman ang kalabit ng katabi ko. Pero ng tingnan ko siya ay nakayuko naman. Mahinang nagsalita, bahagya lang na umabot sa pandinig ko "Tingin sa harap" si bestie na nakayuko pa rin. Napatingin naman ako sa harapan ko. Nabigla ako pero siempre hindi ko pinahalata. Nasa harapan ko sa kabila nitong table si Adam. Nakatitig ng masama while clenching his jaw hays ang cute talaga niya. Ngumiti ako ng tipid sa kanya at yumukong muli sa mga dessert na nandoon sa table. "Ah Okay na ito, Eve tara na, mauna na kami" paalam nito sa dalawa na tumango naman. Hinila na agad ako ni bestie. "Haha! kung nakita mo lang sana kung paano nagbaga ang mga mata niya kanina, kakabahan ka talaga best" para itong shunga na tawa ng tawa. "Bakit?" looking at her natatawa na rin ako. "Masyado siyang possesive, kayo na ba?!" gusto lang yata ako nitong hulihin e, kaso wala naman talagang kami. "Woi! walang kami okay, saka umiiwas talaga ako sa kanya kasi mayaman nga at mahirap lang ako, hindi kami bagay" "Kanina lang ayaw mong iwan, tapos ngayon nagbago agad? Ganoon ba kadali iyon?" Nanahimik ako saglit "Hindi naman sa ganoon, kasi iniisip ko lang talaga ang katayuan namin sa buhay" "Huwag ka basta-basta mafa-fall bestie ha?" tumaas kilay ko. "Wow ha! Huwag mafa-fall? Big word, kamusta ka naman best? Halos makalimutan mo nga ako kanina e" natawa ako ng maalala na halos ayaw na niyang umalis sa tabi ni Julian. "Anyways, let's forget na, more important was we already made things clear out" sabi ko. "May tama ka!" "Baka ikaw may tama din, Nic, sa puso bang!" at umakto pa ako na binaril ang puso niya gamit ang daliri ko, at ayun sabay kaming tumawa. Nag-ikot na kami after naming magpahinga at pagkatapos ay bumalik na rin sa table namin. "So far, okay naman behave sila" si Ali "Doon din sa labas, sumusunod naman sila kapag pinapapasok namin" si Julian "Good, pwede na tayong mag-enjoy" pagkasabi ni Ali no'n ay tumugtog ang music ng paborito kong banda at halos sikat ngayon. Ang ganda rin ng boses ng vocalist nila. Crush ko. Iyong boses lang ha. Bakit kaya lahat ng Adam ang name magaan ang dating sa akin? "Eve, may I have this dance?" I almost fainted when I heard of his voice. Narito siya ngayon sa harap ko nakalahad ang kamay. Tumingin muna ako kay bestie, tumango naman ito. Napalingon din si Ali sa naglahad ng kamay at muli, ay hindi na naman kumibo.Naaawa ako kay Ali sa totoo lang, kahit papaano ay gusto ko rin siyang bigyan ng chance sa akin. Pero as of now, talagang friendship lang ang kaya kong i-offer. Pero bakit sa lalaking ito na nakalahad ang kamay ngayon sa aking harapan ay mas higit pa sa friendship ang kaya kong ibigay. May blessing na mula sa aking bestie. Walang pag-aalinlangang tinanggap ko ang kanyang alok na magsayaw kami. He hold my hand tightly as we walk slowly to the dancefloor. Sandaling tumigil ang pag-ikot ng mundo para sa akin, at wala akong nakikita ngayon kung hindi kaming dalawa lang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD