Chapter 14
"Bear with me Eve, you have to trust me" hindi ko alam kung para saan ang sinasabi niya. Nakakahiya naman kung maging assuming ako. Kasalukuyan kaming nasa dance floor habang samasayaw sa saliw ng musika ng aking paboritong banda. "Adam, I really don't know what to say" hindi ko siya ma-gets.
Tama lamang na iyon sabihin ko dahil hindi naman ako sigurado kung ano ang nais niyang ipakahulugan sa sinabi "Just stay with me please, I don't know what I feel right now. I can't either name it. But be still Eve and don't let go" he begged. Kinakabahan ako sa gusto niyang mangyari.
"Wala akong alam sa ganitong mga bagay. Paano kung nagkakamali ka lang pala? Paano na–" naguguluhan na rin ako "Shhh...stop overthinking, it won't do good on us" "Then what is good for us" hindi niya ako sinagot. Siguro naiisip na rin niya ang mga possibilities na haharapin namin kung sakali man na??
Still a question mark for me, bahala na... Kinabig niya ako palapit sa dibdib niya habang nagsasayaw kami. Nang matapos ang music ay niyaya niya ako sa mesa nila pero tumanggi ako. Ipapakilala daw niya ako sa parents at kapatid niya. "Eve please, it won't take long. I just want you to meet them that's all"
Hinila na niya ako patungo sa table nila. "Masyado pang maaga to meet the parents" joke ko sa kanya pero nakairap at the same time. Nahihiya talaga ako. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawa sa sinabi ko. Mukhang masaya talaga siya ah "Silly girl" iginiya niya ako papunta sa table nila.
Napakadali lang sa kanya na tibagin ang pader na hinaharang ko para sa mga katulad niya. Pagdating sa kanya weak ako. "Mom, Dad, I want you to meet Eve, a special friend of mine" friend? Okay lang...may special naman e "Hello, glad to meet you po, sir, ma'am"
I extended my hand for a handshake. Mabuti nalang at tinanggap naman iyon agad ng dad niya. Tumingin lang sa akin ang mom niya pero nakipag-handshake na rin when I turn to her. "Please to meet you too dear. You can call us tito and tita, just cut the formalities"
"And Eve this is my brother Angelo" "Hi" masiglang bati nito at inilahad ang kamay. "Hello" I accept his hand and greet him with a smile. He look to the next person after his brother kaya napatingin din ako doon. He look to me again "You know him already, no need to introduce him"
"Oh man! You're so rude" tumayo ito at lumapit sa akin upang ipakilala ang sarili "Hi Eve, I'm Stanley at your service" sabi nito at inilahad ang kamay na tinanggap ko naman. Nakakahiya naman kung mag-iinarte pa ako. Ang tangkad niya at gwapo din. Omg, napapaligiran ako ng mga gwapong nilalang ngayon.
Tumitig siya sa akin kaya medyo nailang ako "Ang ganda mo...saan ka ba galing na lupalop ng mundo at ngayon lang kita nakita" sabi nito na parang nahipnotismo habang nakatitig sa mukha ko. Pagkasabi niyon ay biglang pumagitna sa amin si Adam "Did I miss something here?" Tanong nito kay Stanley.
Nakipagsukatan siya ng tingin dito. Itinaas nito ang dalawang kamay at tumawa ng nakakaloko "Oh! Sorry" sabi ng Dj, sumaludo pa ito sa kanya bago bumalik sa upuan nito kanina. Itinuloy ni Adam ang pagpapakilala "And of course you know already Mateo my bestfriend and his sister Kristin" tumango ako.
"Yes" ngumiti sa akin si Kuya Mat at si Kris naman ay saglit lang na tumingin. "Son, you should dance with Kristin, after all you are her escort tonight" matapos akong maipakilala ni Adam sa mga tao na naroon sa mesa na iyon ay pinaupo niya ako sa tabi niya.
Nagulat ako sa sinabi ng mom niya, kaya napatingin ako sa kanya "Angelo can take care of that mom" at tumingin siya sa kapatid na mukhang nabigla sa sinabi niya "Oh, Sure kuya. No problem" nakuha agad nito ang gusto niyang mangyari. Tiningnan ko si Kris na walang reaksiyon ang mukha at nakatulala lang sa mga nagsasayaw.
Wala na si Kuya Mateo at Stanley. Marahil ay nag-iikot na at naghahanap ng mabibiktima, este! Nang mga magiging winner sa prom. Tumayo agad si Angelo at inilahad ang kamay kay Kris. Tumingin muna ito sa amin ni Adam bago inabot ang kamay na nakalahad na parang napipilitan lang.
Parang nawala siya sa mood. Marami na ang bakanteng upuan sa lamesa namin. May dalawang upuan na nakapagitan sa amin ng mom ni Adam. Ang mga katabi naman ni Adam na sina Kuya Mat, Kris, Stanley and Angelo ay nawala ng lahat. Bale ang dad and mom nalang niya ang kasama namin sa table pero malayo sa amin.
Nag-uusap na rin ang mga ito pero napapansin ko na panay ang sulyap ng mom niya sa akin, nakakailang naman...
"Adam, babalik na ako sa table namin, may gagawin pa kami" paalam ko "D**n no, I don't want to see you dancing with someone so better be sit here"
Nabigla ako sa sinabi niya. Ano na naman ba ang nasa utak nito ngayon? "Okay sige hindi ako makikipagsayaw sa iba. Basta lilipat ako doon" mahinang sabi ko. He sigh "S***! I'm not like this" sabi niya habang inaabot ang isang kamay ko at hinuhuli ang aking mga mata upang ikulong sa mga titig niya. Napapikit ako at yumuko.
Wala pa akong hinahayaan na sinuman na pumasok sa buhay ko na tulad nito. Tanging siya palang, siya palang ang binibigyan ko ng karapatan sa akin dahil imbes na magalit ay nagugustuhan ko pa ang ginagawa at mga sinasabi niya.
Yumuko siya palapit sa tenga ko at bumulong.
"You know what? If we're not here and all alone... I'd already crushed your lips with mine. You are so beautiful tonight love, so beautiful that I can't take away my eyes off of you" halos magtayuan ang mga balahibo ko sa batok sa sinabi niya.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko bago tumayo at iginiya ako papunta sa table namin "You are so lucky tonight" ngumisi pa ito ng lumingon sa akin "Don't dare to dance with anyone or else you'll be punished" banta pa nito. Nagkakasiyahan sa table namin dahil panay ang patawa ni Julian. Hindi ko akalaing joker pala ito.
Hindi ako masyadong makatawa kasi may isang nilalang na nakatitig sa akin sa kabilang table. Hmp! Ang KJ(kill joy) naman. Hayyss hindi ko alam kung taken na ba ako o taken for granted ba ang kalalabasan ko dito. Please my dear destiny, huwag mo akong hahayaang masaktan.
Dahil sa maikling panahon palang ng aming pagkakakilala ay mukhang mafafall na ako sa kanya. Huminto na ang music, nagsibalikan na ang lahat sa kanya-kanyang upuan. Lumabas ang emcee.
"We are now in the most awaited time of the event. Everyone, let's reveal the winner of the best attire of the prom, there will be two winners of course, best dress and best suit. The winner will receive sash and cash courtesy of San Ignacio High School Department"
Matapos nitong sabihin iyon ay tumunog ang drums "The winner...from third year level... Kristin Makilan and Alejandro Martinez" masigabong palakpakan ang sumunod. Naghigh-five pa kami ni Nicky. "Okay winners, please proceed here at the stage now" Tumayo na ang dalawa at nagtungo na sa stage.
"And now, this is it! Alam n'yo na siguro ang kasunod" 'Wooohhh" nag-ingay na "The winner of this year's 'King and Queen of the Prom' was from Third and Fourth year level" sabi nito habang nakatingin sa envelop kung saan nakasulat ang winners.
"Let's reveal the winner... Our King was from Fourth year..." tumunog ang drums "The winner... Mr. Andrew Santillan!" maraming girls ang tumili ng marinig ang pangalan ni Andrew at marami ding nagpalakpakan at kasama ako doon siempre. Aaminin ko, gwapo naman talaga si Andrew, kaya okay lang na manalo siya, he deserved it.
"Sash and crown will be given by the school principal Mr. Manuel Krisologo and headteacher of PEHM department Miss Pelaes" habang isinasagawa iyon ay nagpatuloy ang emcee "And now let's proceed to our Queen of the Prom. The winner..." the drum rolls again, tumahimik ang lahat, nakaka-kaba.
"From third year level, our winner... Miss Eve Isabelle Claro" teka lang sino daw? "Eve!!" Tili ni Nicky ang narinig ko "Ha?" sabi ko ng lumingon sa kanya sa nagtatanong na mga mata "Ikaw ang nanalo bestieeee congrats!" At yumakap ito sa akin.
"Calling Miss Eve Isabelle Claro, you may now proceed here on the stage and claim you sash and Queen's tiara courtesy of Mr. and Mrs. Zoriaga from San Nicolas University" dinala ako ni bestie papunta sa stage. It was Mr. Zoriaga who puts the sash on while Mrs. Zoriaga put over my tiara, habang pumapalakpak ang lahat
"Congratulation dear, you deserved the title" sabi ni Mr. Zoriaga. Ngumiti ako sa mag-asawa at nagpasalamat. "To all the winners of tonight's 'King and Queen of the Prom' and 'Best Attire of the Night' congratulations!" bati ng emcee sa amin. "And as a tradition, King and Queen both of you may now proceed on the dance floor for a special dance reserved just for you two and the two winner of best attire, you may join also" nagulat ako sa sinabi ng emcee.
Hinanap agad ng mga mata ko si Adam, nakatingin na rin pala ito sa akin. Umiwas ito ng tingin at yumuko na lang. Meron talagang mga bagay dito sa mundo na hindi mo kayang pigilan. Tulad nalang ngayon, wala akong magagawa kasi kailangan talagang gawin iyon ng mga mananalo sa gabing ito. Lumapit agad si Andrew sa akin, nakangiti.
"Thank God Eve, kanina pa kita gustong isayaw pero wala akong chance" "Well, congrats then dahil nagkaroon ka ng chance" sabay pa kaming natawa. Pumailanlang ang isang romantikong awitin. Isinayaw niya ako na parang isa akong tunay na Reyna at siya ay parang isang tunay na Hari.
"Mabuti nalang ako ang nanalo. Ang saya ko ngayon Eve. I will never forget this...especially this dance with you..." I'm overwhelm hindi ko akalaing ganoon ang sasabihin niya sa akin. Matagal na siyang nangungulit sa akin pero ngayon ko lang natanto na seryoso pala siyang talaga.
"Dance for all. Everybody, you may dance now for the last time and again Happy Valentines Day. I hope all of you have enjoyed this night's event... your very own Junior and Senior Promenade! Good evening San Ignacio High School" paalam ng emcee. Sa wakas natapos na rin.
"May I have this last dance?" napalingon ako sa nagsalita. Haisstt hindi na yata talaga ako tatantanan ng isang 'to. Tumingin ako kay Andrew, nakatingin na rin ito sa akin at tumango. "Sure!" sabi nito at nagpaalam na.
"Nag-uusap kayo ng Senior na iyon, magkakilala ba kayo?" sabi agad nito ng makaalis na si Andrew. "Yes" iyon lang ang nasabi ko. Ayoko ng pahabain pa baka pagdudahan na naman ako nito. Mabuti nalang at hindi na niya dinagdagan pa ang tanong, thank God...