When Anyony confessed to me, ako na mismo ang lumalayo sakanya. I can see na medyo umiiwas din siya sa akin. Maybe because he knew that I don’t like what he did. Hindi rin ako sumasabay sakanya kapag pauwi na. kung makikita ko man siya na nasa loob na ng jeep, bumababa kaagad ako.
Di ko din alam sa sarili ko kung bakit masyado kong sineryoso lahat ng sinabi niya sa akin noong araw na iyon. Natatakot ako na kapag nalaman ng girlfriend o ex niya kuno na may gusto siya sa akin, baka lalo silang masira.
When he said that he wants to court me, I was very shocked. Wala pa naman nagco-confess sa akin na gusto nila ako. Hindi counted yung kay Ivan nung first day dahil hindi naman yon galing sa puso!
Sa edad ko siguro ngayon ay sadyang di maiiwasan ang mga ganyang bagay. But still, I know to myself that I’m not allowed to entertain them unless I finished my studies. I know my limitations at kapag sinabi ko sa sarili ko, ginagawa ko talaga.
Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon sa canteen. Antony is near our table. Hindi na siya sumasabay sa amin na kumain pero madalas na nasa kalapit lang namin siya na lamesa. He’s observing me.
Di kaya matunaw ka kakatingin sayo ng dalawang lalaki? Tanong ni Jai.
Ha? Ngumuso si Jai at itinuturo si Antony sa kabilang table at sa likod naman ay si Ivan.
Hayaan niyo sila, di naman ako mabubusog kung papansinin ko ang pagtitig nila. I said to them. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.
Krisha bakit nga pala hindi na sumasabay sa atin si Tonyo? Jess asked to me.
I just shrugged. Hindi ko rin naman alam. I mean alam ko, pero di ko naman sinabi sakanya na hindi na siya pwedeng sumabay sa aming kumain… kaya lang, kung sasabay man siya paniguradong mapapansin nila ang awkwardness na meron sa amin ni Antony.
What happened sa pag-uusap niyo? Pyok asked me while still eating her food. After you talked, I can see na hindi na kayo nagsasabay pauwi. Pagpapatuloy niya.
Nothing. He just asked me kung sino yung nagbibigay ng pagkain sakin tuwing umaga. I said to them
Oh eh sino nga ba kasi yon? Pagtatanong ulit ni Jai.
The first time na nag iwan si Ivan ng snacks sa upuan ko ay hindi na ako tinigilan nila Pyok na tanungin kung sino ang nagbibigay sa akin ng mga yon.
I never tell anyone about the one who’s giving me those snacks. Even yung pag- uusap namin ni Ivan ay hindi rin nila alam. Bukod sa ayaw ko ng issue, nagi-guilty din ako sa mga kaibigan ko. For weeks or months that we’ve been together, I always tell them that I hate Ivan, that I will not like him. Pero in the end kinain ko lahat ng sinabi ko.
Hindi ko rin alam kung sino eh…
After namin na kumain ay pumunta na ulit kami ng room at nag antay ng susunod na klase.
Ivan is sitting in his chair and he’s looking at me attentively. Mas muka pa siyang ginaganahan na tumingin sa akin kumpara sa makinig sa teacher. tsk
Sinimangutan ko siya at nginusuan na tumingin at makinig sa teacher. Nginitian niya naman ako bago tumingin sa teacher na nasa unahan.
When our last subject was done. We’ve decided na umuwi na. When we were walking, a girl with a short hair with a ribbon in her head walked straight and slapped me.
Shet ang sakit non!
Oh my!!!
Agad na nilayo ako nila pyok at Jess sa babae habang si jai naman ay hinawakan ito sa kamay.
Malandi kang babae ka, may girlfriend na yung tao inaahas mo pa? she said habang pinipilit na makawala kay Jai. Tsk! ano ba bitiwan mo nga ako!
Sino ka ba miss? Bakit bigla bigla ka na lang na nanampal? Tanong ko sakanya habang hawak ang pisnge dahil sa sakit ng pagkakasampal niya.
Honestly speaking hindi ko siya kilala at ko lang siya nakita. Bakit naman siya biglang susugod dito ng bigla at mananampal?
So hindi mo kilala ang girlfriend ng nilalandi mong lalaki? Cut the crap b***h…magaling kang magpanggap. Ani ng babae
Trixie tama na…ano ba ang ginagawa sayo ni Krisha at bigla ka na lang nananampal? Tanong ni pyok
The hell di ko naman kilala kung sinong Trixie to, ang lakas manampal. Dama ko pa ang palad niya sa muka ko.
Tell your friend to stop flirting Antony!!!
What, girlfriend siya ni Antony? Ito na nga yung sinasabi ko eh! Kung di ba naman kasi sinaniban ng kalokohan to si Antony edi sana hindi ako nasasampal ng ganito.
I faced the girl. She look so innocent and yet she can slap very hard!
Wait miss. Hindi ko nilalandi si Antony. Yes… he said that he likes me but other than that wala na kaming koneksyon sa isa’t isa. I said to her. And for you to know miss…I rejected him. Hindi ako malandi para mang-agaw ng kung sinong boyfriend!
Ito na nga yung sinasabi ko eh, na nanahimik ako tapos bibirahan niya ako ng ligaw tapos pag nalaman ng iba ako ang kawawa? Malilintikan ka talaga sa akin Tonyo kapag nagkausap ulit tayo.
He said to me that you’re his ex. If you have a problem, much better to talk and fix everything about your situation…hindi yung susugod ka dito at bigla mo akong sasampalin! I shouted at her.
I didn’t really mean to shout at her. Sadyang naiinis lang ako dahil napapahamak na naman ako.
Dahil sa kahihiyan na ginawa niya ay naitungo na lamang niya ang ulo niya. I understand why she’s acting like this pero mali na susugod ka kung kani-kanino at biglang mananampal.
I started to walked and my friends followed me. When I looked back at her, I saw her crying. Kahit na nasampal niya ako naaawa pa din ako sakanya. Napakabait ko naman na nilalang.
Kinabukasan ay nakita ko si Antony malapit sa gate ng school. Mukang may inaantay.
Nang mapansin niya na malapit na ako sa gate ay umayos siya ng tayo at naglakad papalapit sa akin.
I heard what happened to you and Trixie…sorry Krish. Kinausap ko na siya. I already told her na hindi ko na siya mahal…na may iba na akong nililigawan.
Nakakagago naman si Tonyo! Ang tigasin niyang tao tapos ngayon nagmumuka siyang malambot dahil sa break up nila ng girlfriend niya.
Sa sobrang inis ko sakanya ay sinampal ko siya. Tama lang yan, damahin niya ang sampal na ginawa sa akin ng ex niya.
Look at my face Antony. Namumula pa din yung pisnge ko dahil sa sampal ng girlfriend mo! I shouted at him. Kung hindi ka ba naman gago, kahihiwalay niyo pa lang tapos sasabihin mo sakanya na nililigawan mo ako… I rejected you Antony, so talk to her and tell her to never… ever stand in front me and talk to me.
Antony just looked at me like he doesn’t know what to say. I’m really sorry Krisha. Sabi niya sa akin bago tumungo. Ako ang dapat sisihin sa nangyari sa iyo kahapon…she hurt you because of me.
Buti naman at alam niya sa sarili niya na kasalanan niya yung nangyari kahapon. Pagkatapos ng issue ko kay Ivan may bago na naman ako pinoproblema.
I understand Trixie. She did that because she loves Antony. Muka namang mabait yung tao kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang makipaghiwalay ni Antony sakanya.
Don’t expect na mapapatawad kita dahil sa nangyari kahapon. Alam mo bang umuwi ako ng pulang pula ang pisnge ko dahil sa sampal ng ex mo?
I’m really…really sorry Krisha. I promise you, kakausapin ko ulit siya para tigilan ka na niya…tayo…
Walang tayo Antony… You should really talk to her. Apologize to her and comfort her… Antony, kung nandoon ka lang kahapon noong sinugod niya ako, maaawa ka sakanya, makikita mo kung gaano ka niya kamahal. Umiiyak siya sa gitna ng field knowing na napapahiya niya ang sarili niya!!! Please itigil mo na ang kahibangan mo sa akin Antony… dahil hindi ko kayang pumasok sa isang relasyon na kaya pa naman isalba kung pag-uusapan.
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis na agad ako.
Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang makasakit ako ng kapwa ko, kaya mas pinipili kong intindihin lahat, pero tao lang din ako at nauubos ang pasensiya at pag iintindi ko.
I didn’t mean to be the reason of their break up…kung ako nga ba ang dahilan. Pero knowing Antony, hindi ko maisip na kaya niyang manakit ng babae.
Pagdating sa room ay kinumpronta kaagad ako nila Pyok. Katulad ko ay nagulat din sila sa nangyari kahapon at hindi din nila inaasahan na liligawan ako ni Antony.
Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon…ang intense ng eksena niyo teh.
Yun pala yung pinag-usapan niyo ni Antony noong nakaraan pang araw?
Tumango ako sa tanong saakin ni Jess
Oo…pasensiya di ko sinabi sainyo. But I rejectected him. I feel like, I am the reason why the broke up. Kanina nakausap ko si Antony at nasampal ko siya sa sobrang inis ko.
It’s not your fault Krisha, No one is to blame. Hindi natin masisisi si Antony kung nawala yung pagmamahal niya kay Trixie. Ani Pyok
Pero kawawa pa din si Trixie. Kita niyo ba kung paano siya umiyak kahapon? Tanong ni Jess.
Tuwing naaalala ko kung paano umiyak si Trixie kahapon, mas lalo akong nakokonsensiya. Hindi ko ginusto na mag break sila at hindi ko ginusto na magustuhan ako ni Antony.
Oo neng! Well…Kahit naman siguro sino, kung makipaghiwalay sakanila ang boyfriend nila tapos gwapo pa malamang iiyakan talaga nila.
Natapos lang ang kwentuhan namin ng biglang dumating ang teacher at nagsimula na ang klase.
Ilang minuto lang bago magsimula ang guro ay ang pagpasok ni Antony. Nalate siguro dahil nag-usap na sila. Sana naman ay nagkaayos na sila.
After ng class ay nagstay lang kami sa room. Ilang minuto lang kasi ang break at hindi pa naman kami nagugutom.
Habang nag-uusap kami ng mga kaibigan ko ay may isang babaeng kaklase naming ang lumapit sa akin.
Krisha may naghahanap sayo sa labas.
Sino naman ang naghahanap sa akin? Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko at pumunta na ako sa labas ng room.
Isang babaeng maputi at may malaking ribbon ang nakatalikod sa akin. Anong ginagawa niya dito? Mananampal nanaman ba siya?
Trixie.
Hinarap ako ng babae at naglakad papalapit sa akin.
Hi Krisha…can I talk to you for a minute?
Mukang okay na siya ngayon. Siguro naman ay wala ng sampalan na magaganap.
Sure.
Naglakad kami papalayo ng kaunti sa room. Nauna siyang naglalakad at sumunod naman ako sakanya.
Nang huminto siya ay huminto na rin ako. Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Krisha I’m sorry sa ginawa ko sayo kahapon. I’m sorry dahil nasabihan kita ng masasakit na salita at nasampal pa kita. Ani Trixie habang hawak ang aking kamay.
Ayos lang Trixie, naiintindihan kita. Nagmahal ka lang kaya mo nagawa yon.
Matapos kong sabihin yon ay napansin ko na nagsimula ng tumulo ang luha ni Trixie.
I just really love him, that’s why kahit na alam kong mali na manakit ng kapwa ay nagawa ko pa rin. But I understand kung bakit niya ako iniwan, kasalanan ko kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin.
Siya ang rason kung bakit sila nag break? I though Antony fell out of love kaya nagustuhan niya ako at sinubukang ligawan.
Kahit ilang beses kong isipin ay kasalanan ko pa rin…
I saw a tear escaped from Trixie’s eyes. She look so helpless. Magandang babae si Trixie. She has a small pointed nose, thin red lips and a white skin… kaya hindi ko maintindihan kung bakit mafa-fall out of love si Antony sakanya.
Trixie wala kang kasalanan. I don’t know the reason why you two broke up but I know it’s not your fault. He chose to leave you at kawalan niya yon…I said to her.
She shook her head. No Krisha, it’s really my fault. Before the break up I tried to not talk to him. I make some troubles for him to see na hindi ako ang karapatdapat na babae sakanya. Lahat ng maliit na away ay pinapalaki ko para siya na mismo ang lumayo at makipaghiwalay sa akin. She said to me while crying.
Hindi ko alam kung may pagka loka loka ang babaeng to o ano. Siya naman pala talaga ang dahilan kung bakit sila nagbreak!
Gusto niyang ibreak si Antony tapos nung nakipag break na si Antony kung makasugod siya sa akin parang sila pa rin. Tsk!
Krisha may Leukemia ako… gulat akong tumingin sakanya dahil sa sinabi niya. I don’t know kung ilang taon o buwan pa ako mabubuhay. Pinili kong layuan at maging cold kay Antony para siya na mismo ang magsawa sa akin. Krisha…Di ko kayang makipaghiwalay sakanya dahil mahal ko siya.
She has leukemia… and Antony didn’t know about this? And the reason why Antony broke up with her is because she became cold and toxic to him? She did that because she doesn’t want Antony to know about this?
Krisha tulungan mo ako…ang laki ng pagkakamali ko na maging cold sakanya. When we broke up, I realized na gusto ko siyang makasama habang kaya ko pa…habang may oras pa, kaya Krisha tulungan mo ako…
How can I help her? I’m not a doctor to cure her at lalong hindi ako Diyos para pahabain pa ang buhay niya. Antony should know about this to help her.
Trixie kailangan malaman ni Antony to…mas maiintindihan ka niya, mas may chance na mag kaayos kayong dalawa…
Krisha I can’t imagine myself looking at him with a pain in his eyes kapag nalaman niya. I don’t want to see him hurt because of my condition, so please Krish wag mong sasabihin sakanya. Pagmamakaawa sa akin ni Trixie.
She even kneel in front of me para matulungan ko siya.
Trixie stand up. You don’t need to do this… pinagtitinginan na tayo. Tumayo ka na… I said to her while trying to lift her.
Hindi ko alam kung tama ba na itago pa ni Trixie ang lahat ng ito kay Antony. Kahit hindi sabihin ay masasaktan at masasaktan si Antony lalo na kapag nalaman niya kung kailan wala na o di kaya ay malala na ang kalagayan niya.
Please Krisha… nagmamakaawa ako sayo. Help me to keep this secret from him. And help me to be with him again.
Trixie…
I promise you…kapag namatay ako Krisha… I promise to give Antony to you. Ipapaubaya ko siya sayo Krisha basta tulungan mo lang ako… she said to me while still crying.
Naaawa na ako sakanya. I can’t tell Antony about this pero in time, imposibleng hindi mapansin ni Antony ang panghihina niya.
Kakayanin ko ba na ilihim kay Antony to? Feeling ko kapag nagkita kami ni Antony ay maiiyak ako dahil maaalala ko ang sinabi sa akin ni Trixie.
Matapos ang pag-uusap namin ni Trixie at umalis na siya at ako naman ay pumuntang cr. What should I do. Do I need to talk to Antony? Mukang di ko naman kaya na kausapin siya. Should I keep myself away from him at hayaan na lang na mag-kaayos sila ng kusa? I don’t know what to do anymore.
Matapos kong mag-ayos sa cr ay naglakad na ako pabalik ng classroom. I was walking in the hallway when I heard someone talking behind the big tree that is in front of our classroom.
Sinilip ko ito at nakita ko na may kausap si Lorry na isang lalaki. Nakaharap sa akin si Lorry kaya naman alam kong siya ang babae na kumakausap sa lalaki.
Stupido! Ang sabi ko I lock mo siya sa lumang building! Lorry shouted at the man.
Oo nga… ni lock ko naman siya doon sa lumang building. Depensa naman ng lalaking kausap niya.
For some reason, yung tinutukoy ba nila na nilock nila sa lumang building ay ako?
Yeah with Ivan! I didn’t tell you to lock her up with Ivan! Naiinis na sabi ni Lorry sa lalaki.
Hindi ko naman alam na nandoon si Ivan, Lorry. I just did my job… you told me to lock her up and I lock her up.
You locked her up with Ivan… alam mo ba na sa ginawa mo mas lalong malalapit ang loob ni Ivan sa babaeng yon?
I don’t care about that anymore Lorry. Krisha seems to be nice. And I like her. Kahit sinong lalaki magugustuhan ang tulad niya. And when I say men… it includes Ivan. The boy said before leaving Lorry.
When I saw the face of the guy… naaalala ko na siya nga yung lalaki na naglock sa amin sa lumang building.
Lorry went to the room. Sinundan ko lamang siya ng tingin.
So Jai was right… si Lorry ang nagpakulong sa akin sa lumang building. It was her plan all along!
When I heard the bell ring, tumakbo na agad ako sa room at umupo na sa upuan ko.
Buong oras kong iniisip yung sinabi sa akin ni Trixie at ang narinig ko kay Lorry. Gulong-gulo ako kung ano ba ang dapat kong unahin na isipin. Should I tell my parents about her plan to me? The dean also said to us that they will help us to know kung sino man ang nag lock sa akin sa lumang building.
Kaya lang kung sasabihin ko… Lorry can deny everything. Magmumuka pa na gusto ko siyang siraan sa lahat.
My mind is a mess right now. Pagod na pagod na ang utak ko sa dami ng impormasyon na naririnig ko…