Chapter 8

2861 Words
After my class I went home. Buong oras ukupado ang utak ko sa mga nalaman ko ngayong araw. Trixie has Leukemia and she doesn’t want Antony to know about this. Tapos nalaman ko na si Lorry pala ang nag-utos na ikulong ako sa lumang building. When I went inside my room. I undress myself and throw my uniform in the basket. Hindi na ako nagbihis at dumiretso na sa kama. I hate it when someone ask me to keep a secret …lalo na kapag grabe yung mga sikreto na sinasabi nila sa akin. Feeling ko pasan pasan ko na din yung mga sikreto na sinasabi nila sa akin. Dati, I have a friend named Wendy. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon pero mag kaibigan kami. Every time na mag-iinuman sila ng kaibigan niya ako lagi ang sinasabihan niya na wag ko daw sabihin sa mama niya. When she told me that she has a boyfriend already, she also asked me to keep it a secret to her family. That time, I was only a young girl. Lahat ng sikreto ng mga kaibigan ko, kahit tungkol pa yan sa pamilya nila, crush, boyfriend o nakasex nila, sinasabi nila sakin. Swerte lang nila na kahit madaldal ako minsan ay hindi ko naikukwento sa iba. Gabi na at pinapunta na ako nila mama sa lamesa dahil sabay sabay na daw kami mag di-dinner. The usual eat of a family, kwentuhan, tanungan about sa nangyari sa school. I like how our family bond whenever we are eating together. Kaya lang, ngayong gabi na ata ang pinakamalungkot na dinner ang naranasan ko dahil sa pag-iisip ko sa nangyari kanina. Nak ok ka lang? tanong sa akin ni mama Yes ma…ok lang po ako. Sagot ko sakanya Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang magsinungaling kay mama at papa, kaya naman kapag tinatanong nila ako about sa school ay kahit ang kinukwento sa akin ng mga kaibigan ko ay kinukwento ko din sakanila. But lately natututo na akong magsinungaling kanila mama. I never told them about Antony’s confession, bullies, yung p********l sa akin, yung pagkukulong sa akin ni Lorry sa lumang building at pati ang sakit ni Trixie. I always keep in mind na ano man ang mangyari sa akin sa araw-araw, gusto ko alam nila mama dahil yun lang ang magiging rason nila para pagkatiwalaan ako. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit ako ng pinagkainan namin at dumiretso na sa kwarto. Pagdating sa kwarto ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko at inantay ang tawag ni Ivan. Madalas na kaming magkatawagan ni Ivan tuwing gabi, we always talk about our activities the whole day tapos non puro jokes na. Ilang sandali pa ay tumunog na ang aking cellphone, agad ko itong sinagot at inantay na magsalita ang nasa kabilang linya. Kumain ka na boss? Bungad na tanong sa akin ni Ivan Yup, nasa kwarto na rin ako. Ikaw, kumain ka na? Yup! So… How was your day? Very tiring… dami kong iniisip kaya pati utak ko pagod din. Am I the one you’re thinking miss? Biro niya sa akin. Sanay na ako sa mga banat ni Ivan na ganyan. Tinatawanan ko lang minsan dahil muka naman siyang nagbibiro. Kaya lang there are times na hindi ko matawanan ang jokes niya. There are times that he sound so sweet that it makes my fluttered. Kinikilig ako sa mga banat niya. Tinawanan ko na lang siya dahil sa sinabi niya. Wag kang feeling Ivan, di ikaw ang nasa isip ko… Ouch naman boss….your honesty is killing me! Di mo man lang sinabayan ang joke ko! Joke ba yon? Hahaha Pwede rin naman seryosohin ko… I was shocked when his voice turns into a serious tone. Mas madalas na kengkoy siya kapag katawagan ko pero kapag nagseryoso siya, iba ang nagiging pakiramdam ko. Boss natahimik ka? Hahaha sineryoso mo ang sinabi ko no? joke lang yon nu kaba…. Bwisit ka talaga…kinabahan ako sa sinabi mo!!! He just laughed at me. Ivan now has an effect in me. I just want to make you happy boss, di ko naman akalain na seseyosohin mo yon. Tsaka you sounded like you are really stress because of something. Ano bang rason bakit ka ganyan ngayon? Should I tell him? Right now siya lang ang nakakausap ko kapag down ako or hindi ako makapagdesisyon. Pero sabi ni Trixie na secret lamang yon at wala dapat akong pagsabihan. Hey are you really ok? Something is bothering you…Is it a serious thing kaya natahimik ka? Pag-aalalang tanong ni Ivan. Ahhhm Ivan, can I ask you a question? Sure boss, ano yon? Maybe I should tell him, but not directly to the exact point. Ivan…anong gagawin mo kung malaman mo na yung babaeng mahal mo ay may Leukemia at nalaman mo lang ito kung kailan malala na ang lagay niya? Nag antay ako ng isasagot niya ngunit ilang minuto na ay hindi pa rin siya nagsasalita. Tinignan ko ang cellphone ko sa pag aakalang namatay ang tawag ngunit hindi naman. Huy nawala ka na? Are you sick? Malala na ba ang sakit mo? Why didn’t you tell me? Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Wait. He thinks that I’m sick? Tsaka ang sabi ko ang taong mahal niya…. Does that mean? Teka nga lang…wala akong sakit no. Nagtatanong lang ako. Masyado kang oa. Yung seryoso krisha? Seryosong tanong niya sa akin. Wala akong sakit... so anong gagawin mo? Kung sa akin mangyari yon siguro masasaktan ako. Ewan ko lang sa iba kung yun din ang mararamdaman nila pero kung ako yun…baka kahit buong kayamanan ng pamilya ko ubusin ko para gumaling ang mahal ko… It made me confused now. Andami nanamang tumatakbo sa isip ko. Ivan is right, Antony will be hurt but…Trixie will be hurt also if I tell Antony about her condition. Awang-awa na ako sakanya nung lumuhod siya sa harapan ko at magmakaawa. Boss bakit ganon ang mga tanungan mo? Akala ko tuloy ikaw yung may sakit. Muka ba akong may sakit? Tanong ko sakanya. I am fine… bukod aa nahihirapan akong huminga pag nagpa-panic, wala naman na akong ibang nararamdaman. Eh sakin, wala kang hahdnjdhxbsjshsb. Ano daw? Ivan ano ulit yon? Tanong ko sakanya. Wala boss… Meron kaya akong narinig!... by the way, bakit mo naman agad naisip na ako ang may sakit? I just remember the day that I saved you sa bathroom…you look pale that time, akala ko nga mahihimatay ka na eh. Kaya inakala kong may sakit ka… I also remember that day. Yun yung time na inis pa ako sakanya dahil sa mga fans niyang handa akong bugbugin. Sa pagkakaalam ko wala naman akong sakit…Alam mo matulog na tayo. Hating gabi na at may pasok pa tayo bukas… After we bid goodnights to each other ay natulog na ako.. Kinabukasan, wala pa din ako sa wisyo. Kanina nga na naliligo ako, sa sobrang lutang ko ginawa kong body wash ang shampoo. Even my friends notice my condition. Kinakausap nila ako pero oo at hindi lang ang sagot ko kahit na ang tinatanong nila ay kung anong oras ako natulog kagabi. Pagkatapos ng klase namin ay pumunta kami ng canteen. Kami-kami lang ulit at walang Antony na sumasabay. Krisha tulala ka nanaman….ani pyok Alam mo teh napapansin namin na lagi kang tulala, kung di kita kilala baka isipin ko na baliw ka na pagalagala dito sa school. Ok lang ako…sadyang may iniisip lang minsan kaya natutulala ako minsan. Is it a problem? If it is all about money, you know we can help you with that.. Hindi naman tungkol sa pera…. Habang kumakain ay napansin ko na pumasok si Antony sa pintuan ng canteen. I need to talk to him. Tumayo agad ako at tinakbo ko kung nasaan siya ngayon. Antony can we talk? Gulat naman niya akong tinignan na para bang hindi niya inaakala na kakausapin ko ulit siya. Tumango siya saakin at pinasunod para makapag-usap kami ng walang ibang nakakarinig. Krisha sorry talaga…nakausap ko na si Trixie sa nangyari and she told me na pinuntahan ka niya dito… Did she hurt you again?Tanong ni Antony. We just talked and nothing happened after that. Ahmm Antony can I ask you a question? Ano yon? Do you still love Trixie? Hindi naman siya agad nakasagot sa tanong ko. I won’t tell him about Trixie’s condition but surely I will pursue him to be with Trixie again. You still love her… Not it’s not…I like you Krisha kaya iniwan ko siya… we always fight, she’s cold to me… and that made me think na nakakasawang mahalin ang taong toxic na masyado. Naging toxic ang relationship namin, that’s why I broke up with her. But like aren’t the same thing with love Antony. You don’t love me Antony, you just like me. You are just blind by her coldness, and that made you think that she’s toxic. Do you know the reason why she’s acting like that? Did you two even talk after you broke up with her? No you’re not…Antony talk to her, fixed your relationship with her…ayokong masaktan ka at magsisi sa huli… Matapos kong sabihin sakanya yon ay pumatak ang luha niya. It’s my first time seeing a man crying. He’s really in love with Trixie. Ang sakit na ngayon pa lang ay nakikita ko na siyang umiiyak, paano pa kaya kapag nalaman niya na ang reason ni Trixie. I really like you Krisha, but I also love her…naguguluhan ako sa sarili ko. I love her but I still broke her heart. Minahal ko siya dahil iba siyang magmahal, but one day naging sobrang cold niya sa akin. We always fight. You came and I started to like you kahit na hindi naman tayo laging nagkakasama. Hindi ko na alam ang gagawin ko Krish, natatakot ako na kapag kinausap ko siya at makipagbalikan ay hindi niya na ulit ako tanggapin. Pagkatapos magsalita ni Antony ay nginitian ko siya at hinawakan ang kamay. Antony, you don’t need to worry. I assure you na hindi masasayang ang pag-uusap niyo. Just tell her how much you love her and everything will be ok. Parang ang laking tinik ang nabunot ko sa puso ko dahil sa narinig ko sakanya. I’m really happy to know that Antony really loves Trixie. Pagkatapos namin mag-usap ni Antony ay dumiretso na kami sa classroom. Pagkaupo ko pa lamang sa upuan ay hindi na ako tinigilan nila Jai sa pagtatanong kung bakit kami nag-usap ni Antony. Nagkaayos na ba kayo? Oo ayos na kami. Nakangiti kong sabi sakanila Ay sus ibang klase ang ngiti mo girl…nililigawan ka na ba? Hindi no! ayokong makasira ng ibang relasyon. Eh diba break na sila? Meaning walang masisira kasi sira na. ani Jess Walang nasira at walang masisira ok? Let’s just say na Antony and I are now friends. Natapos na ang buong klase naming ngayong araw at uuwi na kami. Bye mga ineng!! Nagpaalam na sila pyok at jess sa akin bago sumakay ng mga sasakyan nila habang ako naman ay nag-aabang ng sasakyan papauwi sa amin. Pagkauwi sa bahay ay agad muna akong nagbihis at tumulong kanila mama sa pagliligpit. Gabi na ng makauwi si papa. Habang kumakain ay masaya akong nagkukwento kanila papa kung ano ang nangyari sa akin buong araw. Ang saya sa feeling na wala ng bumabagabag sa akin. Though alam ko na hindi pa din ni Antony alam but still magkakaayos na din sila. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-abang sa tawag ni Ivan. Isang oras na ang lumipas ngunit wala pa din Ivan na nagpaparamdam. Ano kayang nangyari don? Busy ba siya? Baka nga busy siya ngayon kaya siguro hindi na takatawag? Baka naman wala siyang pantawag? Malabo, mapera yun eh. Hindi ko na siya inantay na tumawag at natulog na ako. Kinabukasan tumulong ako kanila mama na maglaba. Sabado ngayon kaya naman walang pasok at makakatulong ako kanila mama. Nak, ikaw na bahalang mag anlaw ng mga labahan at magluluto pa ako. Sige ma iwan niyo na lang po diyan, ako na bahala mamaya na magtapos niya. Hawak ko ngayon ang cellphone ko, tumakas lang ako kanina kanila mama at pumunta sa kwarto para tignan ang cellphone kung tumawag na ba siya. MAAAAA!!! Si ate busy sa cellphone kaya ayaw tumulong!!! Padabog kong binaba ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Pahamak talaga ang bwisit kong kapatid. Sunday na ngayon at wala pa din paramdam si Ivan saakin. Kahit kagabi ay hindi rin siya tumawag ko nagchat sa akin. Ano kayang nangyari dun at hindi nagpaparamdam yon? Kasalukuyan kaming nasa simbahan ngayon. Kasama ko sila mama, papa at ella. Nakikinig ako sa pari ng makita ko si Ivan sa unahang bahagi ng simbahana kasama ang mama niya. Nagsisimba din pala siya? Ngayon ko lang siya napansin dito. Kita ko naman na tumingin siya sa gawi ko kaya nginitian ko siya. Nawala bigla ang ngiti ko ng bigla lamang siya umiwas ng tingin sa aki. Galit ba siya sa akin? Wala naman akong maalala na kasalanan sakanya. Pagkatapos namin magsimba ay dumiretso na kami ng uwi sa bahay. Pagpasok ko pa lamang ng bahay ay agad na akong pumunta sa kwarto at nag text kay Ivan. To Ivan: Nagsisimba ka pala? Ilang minuto akong nag antay sa reply siya ngunit wala pa din siyang reply sa akin. To Ivan: May nangyari ba sayo? May nagawa ba akong kasalanan sayo kaya di mo ako pinapansin ngayon? Ilang beses pa akong nag text sakanya pero hindi pa rin siya nag rereply sa akin. First time ko lang na magchat sakanya ng sunod-sunod, madalas kasi na siya ang nangungulit sa akin. To Ivan: Huuuy sorry na, ano ba ang nagawa ko sayo? Matapos kong itext siya ay mayamaya lang ay tumawag siya sa akin. Yes!!! Hello…bungad ko sakanya Ilang Segundo pa akong nag-antay bago siya nagsalita. Uhm? Tinawagan niya ako para lang sabihin ang ‘uhm’? Nakita kita sa simbahan kanina!!! Masayang sabi ko sakanya Oo nga, nakita din kita. Seryoso niyang sabi. Naninibago ako sa trato niya sa akin ngayon. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sakanya? May problema ba tayo? Walang tayo Krisha… What I mean is, di mo kasi ako pinapansin kaya inexpect ko na galit ka sakin. May rason ba para magalit ako sayo? Parang wala naman… Parang? Ok, parang wala nga naman…. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sakanya. Ramdam ko nag alit talaga siya saakin at may problema kami. Kung may problema ka sa akin pwede mong sabihin. Seryosong sabi ko sakanya. Rinig ko naman na bumulong siya sa kabilang linya ngunit hindi ko naintindihan kung ano ang sinabi niya. Ano Ivan,sasabihin mo ba o hindi ang problema mo sa akin? Nililigawan ka ba ni Antony? He straight asked me. Wtf! I never told anyone about Antony’s confession to me. Well, he confessed but I didn’t allow him to court me so it’s definitely no! Hindi…sabi ko sakanya Nakita ko na hinawakan mo ang kamay ni Antony!!! Nakita ko kung paano ka ngumiti sakanya!!! Sabihin mo sakin krisha ano yon? Hindi ba ang sagot mo dahil kayo na o hindi ang sagot mo dahil wala naman talaga? I can’t see him right now but I can visualize how furious he is when he asks me. I stayed silent for a minute before I answered him. It’s a no dahil wala talaga yon. At first he told me that he likes me but I rejected him. I truthfully said to him. Eh bakit mo hinawakan ang kamay niya!!! Is it a big deal? For goodness sake! I held his hand to comfort and assure him for everything. Tsaka paano niya nalaman yon? My conversation with Antony is suppose to be private kasi ayaw nga namin na magkaroon ng issue saamin. Teka nga muna!! Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin non? Hindi…. Tsk! Kung magalit ka sakin akala ko naman narinig mo ang buong pinag-usapan namin!! Eh sa hindi ko kinaya na makita kang hawak ang kamay niya eh! Abnormal ampota!! Ilang araw niya akong hindi pinansin dahil lang don? Hindi niya man lang ako pinagpaliwanag! Sabihin mo nga sakin…nagseselos ka ba? Kabado akong inantay ang sagot niya. Paano kung sabihin niyang ‘oo’ anong ibig sabihin non? Oo krisha…nagseselos ako… Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Anong ibig sabihin non? Bakit siya nagseselos? Does this mean…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD