After that night, I don’t know how to talk to Ivan. Alam ko sa sarili ko na bawal pa ako sa mga ganoong bagay but, I can’t control my emotions. Sobrang laking impact saakin ng mga sinabi niya nung araw na iyon.
Wednesday na ngayon at ngayon ang three days examination namin sa lahat ng subject. Since that day happened, hindi ko muna sinasagot ang tawag niya o di kaya ang text niya. It’s not just because naiilang ako but I want to focus on reviewing since this week is a hell week for every students.
Kakatapos lang ng exam namin ngayon sa english. Kasalukuyan kaming nag rereview ngayon para sa math dahil ito na ang susunod na ieexam namin.
Naloka ako sa exam natin sa english, grabe mag paexam si ma’am Julie, 100 talaga!!ani Jai
Buti na lang nakapag review ako ng todo sa subject niya, hindi ko kinaya yung lalim ng english ni ma’am.
Alam ko na sinasabi lang ni jess na nahirapan siya sa exam pero ang totoo ay petiks lang sakanya ang subject na ito.
Aminado naman ako na hindi ako confident sa mga naging sagot ko sa exam. Scholar ako pero minsan nagiging bangag o bobo din ako.
Math na ang ini-exam namin ngayon. Wala atang tiwala ang teacher namin sa amin dahil ang lalaki ng space na meron sa pagitan ng bawat estudyante. Joy ang pangalan niya pero ang KJ niya!!!
Dito ako problemado na subject. Ibigay niyo na lahat ng subject na alam niyo wag lang ang math. Tulala akong napapatingin sa mga kaklse kong unti-unti ng nagpapasa ng mga papel nila sa teacher at heto ako nangangalahati pa lang ang nasasagutan.
Five minutes bago matapos ang time ay dali-dali na akong nagpasa ng papel. Ako ang pinakahuling estudyanye na nagpasa. Tapos ko ang buong exam pero di ko alam kung tama ang pinagsasagot ko dun.
Paglabas ko ng room ngayon, nakita ko sila pyok na nag-aantay sa akin malapit sa pintuan ng room.
Dumiretso kami sa canteen para maglunch. Madalas na ulit na sumama sa amin si Antony. I don’t know what happened to him and Trixie. Simula noong nag-usap kami ni Antony noon nakaraang linggo ay wala pa akong nagiging balita sa pag-uusap nila.
Kamusta na kayo ni Trixie? Tumingin naman siya saakin dahil sa tanong ko.
We’re ok. We’ve been talking since the day you said to me that I need to talk to her. Seryosong sabi niya saakin.
Kita ko naman kung paano humaba ang leeg ng mga kasama namin sa upuan. Mga chismosa talaga.
Did she say something to you?
About what? Curious niyang tanong sa akin.
Nothing…I’m just asking.
Malamang ay hindi pa rin sinasabi ni Trixie sakanya kung anong tunay niyang kalagayan. Maybe I should talk to Trixie and motivate her to tell Antony that she’s sick.
Can I have her number?
Agad na binigay sa akin ni Antony ang number ni Trxie. Mamaya ko na siguro siya tatawagan.
Iba ang closeness na meron kayo ngayon ha? Ani Jai
Bakit, inggit ka? HAHAHA tanong ni Jess sakanya habang tumatawa.
Hoy ang malisyosa niyo nag-uusap lang naman sila…pagsasaway ni Pyok sakanila. Bigyan niyo sila ng time na makilala ang isat’ isa para in the end maging sila na. ani pyok sabay tawa kasama sila Jess at Jai.
Akala ko naman iniisip niya na magkaibigan lang kami ni Antony, yun pala malisyosa din. Tsk
Tumingin ako kay Antony para sabihin na sawayin ang mga ito ngunit ng mapatingin ako sakanya ay nakikitawa din siya sa mga kaibigan ko.
Nagkampihan ang mga bano!!!
Masama ko silang tinignan isa-isa, badtrip talaga itong mga to.
Ayan na seryoso na si mother Krisha Hahahaha…
Lalo pa silang tumawa dahil sa sinabi ni Jess. Sigi lang, tumawa lang kayo hanggang gusto niyo.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik din agad kami sa classroom para magreview. Tinignan ko ang buong classroom at hinanap si Ivan. Nasan kaya yon?
Nagtake pa kami ng ilang exam bago kami nakauwi. Ilang subject na lang ang itetake naming bukas at sa Friday naman ay major subject na lang. Makakapagpahinga na din ang utak ko.
Guys gala tayo sa Saturday!!! Pagyaya ni Jess sa amin
Oo nga, nakakastress ngayong week.
Saan niyo gustong gumala? Tanong ni Pyok
Ang sarap sanang makisabay sa kwentuhan nila kaya lang di naman ako papayagan nila mama kaya mananahimik na lang ako.
Sa sm na lang tayo, gusto kong mag spa, I need to release my stress. ani Jai.
Gulat akong lumingon kay Antony ng kalabitin niya ako.
Hindi ka sasama sakanila?
Hindi naman ako sumasama kapag gumagala sila. Di naman ako pinapayagan nila mama.
Tumango lamang si Antony ng sabihin koi yon sakanya. I don’t have a good social life because of my parents’ restriction to me. Dati kahit magpapaalam pa lang ako ay alam ko na ang sasabihin sa akin nila mama. Kaya kapag may ganitong yayaan ay hindi na talaga ako sumasama para di na rin ako nagpapaalam.
Krisha sama ka samin!!! Ani Jai
Wag na kayo na lang, alam niyo naman na hindi ako pwede. Ngiti kong sabi sakanila
Krisha ang KJ mo talaga. Hindi naman tayo magpapagabi kapag gumala tayo. Tsaka may driver naman kami para ihatid ka.
Sorry girls, gustuhin ko man sumama pero alam ko na talaga na hindi ako papayagan.
Ipagpapaalam ka na lang namin sa mama mo! Malay mo diba payagan ka. Sabi ni Pyok
Kayo ang bahala. Nakangiti kong sabi sakanila.
Sana payagan ako nila mama para maenjoy ko ang Saturday ko kasama ang kaibigan ko.
Ikaw Antony, sasama ka? Tanong ni Jess kay Antony
Hindi na, kayo na lang ang mag enjoy. Sawa na ako sa muka niyo buong linggo na kayo lang ang kasama kong kumain.
Natawa naman kami nila pyok at jess sa sinabi ni Antony habang si jai naman ay todo irap.
Sumakay na sa sasakyan sila pyok at Jai, gayon din naman si Jess. Magkasabay naman kami ni Antony na magcommute dahil iisang barangay lang din ang pagbababaan namin.
Nasasanay na akong laging kasama si Antony sa pagcommute. Naging magkaibigan kami lalo. Siguro sa mata ng iba ay may something kami pero wala na kaming magagawa kung yun ang iisipin nila.
Pakarating ko sa bahay ay ginawa ko ulit ang routine ko kapag dumarating sa bahay. Magbibihis, konting ligpit, hanap ng makakain, puputa sa kwarto at hahawakan ang cellphone. Galing ng routine ko no?
Kasalukuyan akong kumakain ng meryenda ng magchat saakin si Ivan.
Ivan:
Boss bati na tayo. Ilang araw na tayong di nag-uusap. Di na nga tayo nag-uusap sa personal, pati ba naman sa chat o call hindi rin?
Ivan:
Boss reply ka naman diyan. Alam kong nasa bahay ka na.
Ivan:
Luh siya, seen lang boss?
Ang kulit na nilalang. Ilang araw ng paulit-ulit na ganyan ang chat niya sa akin. Well di naman siya magiging ganyan kung nirereplayan ko siya diba?
Binitawan ko na muna ang cellphone ko para hindi ko makita ang chat niya. Every time kasi na nababasa ko ang chat niya ay natetemp ako na mag reply sakany.
Relax Krisha, you need to focus on your exam. Wag kang papadala sa mga chat ni Ivan sayo.
Matapos kong kumain ng lunch ay pumunta kaagad ako sa kwarto ko. Magrereview muna ako bago matulog.
Habang nagrereview ay wala pa din tigil sa pagtunog ang cellphone ko. Tsk di pa rin talaga siya natigil sa pagchat.
Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagtunog ang cellphone ko ay kinuha ko na ito at nagtipa ako para mareplayan siya.
To Ivan:
Don’t disturb me. I need to review.
Ilang Segundo lang ang lumipas ay nagreply kaagad siya.
Ivan:
Booooooossss I miss you!!!! Ilang araw mo akong di pinansin. Why naman ganon? =(
What the ? Nababaliw na ba siya? Anong I miss you? Loko tong lalaki na to ha.
Ivan:
I’ll call you
Sasabihin ko sana na wag na siya tumawag ngunit nagring na ang cellphone ko. Napairap na lamang ako sa kalandian ng lalaking ito.
Sinagot ko ang tawag at inantay siyang magsalita.
Boss. Bakit di ka nagrereply sa mga chat ko? Tanong niya sa akin.
Busy ako kaya hindi kita maentertain.
Pero boss pwede mo naman siguro akong replayan at sabihin na busy ka diba?
Oo nga naman. Bakit ba di ko yun sinabi sakanya?
Matulog ka na Ivan. Kung di ka pa inaantok magreview ka. Busy talaga ako…Bye.
Pinatay ko na agad ang cellphone at bumalik na sa pagrereview. Habang nagrereview ay hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ni Ivan. Bakit kahit chat lang yon, parang naririnig ko na sinasabi niya saakin yon?
Kinabukasan ay puro exam ulit ang ginawa namin. Di na ako nakapagreview ng maayos kagabi kaya heto kinakabahan ako sa resulta ng exam ko kapagkatapos ng week. Nakalimutan ko na nga din na tawagan si Trixie para tanungin kung kamusta sila ni Antony.
Teh bakit pang biyernes santo ata ang itsura mo ngayon? Tanong ni Jai
Di ko alam kung papasa ba ako sa pinagsasagot ko kanina sa exam. Napakamot na lang ako sa ulo habang sinasabi iyon sakanya.
Bakit di kasigurado,di ka ba nag review? Tanong naman ni Jess.
Gusto ko sakanilang sabihin na nagreview naman ako kaya lang di pumapasok sa utak ko dahil puro I miss you ni Ivan lang ang naiisip ko>
Nagreview…
Yun naman pala eh… ito talaga si mother Krisha ayaw napag iiwanan…
After ng Exam namin sa science ay lumabas muna kaming magkakaibigan. Siguro nagtataka kayo kung bakit di ko naikukwenti si Lorry ngayon. Kung iniisip niyo na wala siyang ginagawa sa akin ay nagkakamali kayo.
Katulad ngayon, naglalakad kami sa hallway ng biglang dumaan si Lorry sa gilid namin at inirapan kami.
Dukutin ko ang mata ng demonyita na yan eh… bulong ni jai sa amin.
Pag nagkikita kami ay puro parinig lang ng salita o di kaya head to toe sabay irap. Ceasefire muna siguro kami dahil busy rin siguro siya sa pag rereview.
Pagkatpos ng Exam namin ngayong araw ay nagsipag uwian na kami at naghanda ulit sa pagpasok kinabukasan.
Friday na ngayon at last day na ng exam. After ng lahat ng major exam namin ay free na kaming umuwi pero may isang meeting pa kami na kailangan attendan dahil may kinalaman daw ito sa upcoming school festival namin.
My gosh I’m so excited na sa festival! Pwede tayong mag invite ng outsiders!
Obviously, Jai is really excited for the upcoming festival. Well hindi lang naman si Jai, pati rin si Jess at ibang estudyanteng nakikita ko.
After ng last major exam namin ay inantay namin dumating ang teacher namin para sa meeting. Ilang sandal lang ay pumasok na ang teacher sa room.
So for today’s festival, of course…the school will be having again the mr. and ms. Periwinkle. And for that event we will be needing two participants for each section. So…if you want to select someone or yourself then just raise your hands.
Hays…syempre di mawawala ang pageant competition sa school lalo na kapag may ganitong program.
Ma’am si Ivan na lang po sa lalaki, siya din naman last year kaya siya na lang din po ngayon.
Akalain mo yon? Nasali din pala sa ganito yung mokong na yun?
Pumayag naman sa suggestion ang teacher namin. Ang kailangan na lang namin ngayon ay ang representative na babae.
Ma’am si Krisha po! Sigaw ng lalaki sa bandang unahan ng room.
Ma’am sorry but ayoko po sanang sumali sa ganyan. Sa iba niyo na lang po ako iassign wag lang diyan.
Shutang inamers kung ako ang sasali dun baka kahit consolation price ay hindi ko pa makuha.
I volunteer myself miss…sabi ni Lorry bago tumayo
Pabida nanaman ang demonyita… Bulong ni Jai. I also volunteer myself ma’am.
Gulat naming sinundan ng tingin si Jai ng sabihin niya na magvovolunteer siya sa pageant.
Pwedeng pwede si Jai sumali sa pageant. Sa legs pa lang niya at sa ganda ng katawanan niya, paniguradong may chansang Manalo siya.
The two of you… turo ng teacher sa dalawang nagvolunteer. Come and join me here infront.
Agad na pumunta si Jai at si Lorry sa unahan. Panigurado pagbotohan kung sino ang kasali. Alam na kung sino ang pipiliin ko, syempre dun ako sa kaibigan ko.
I would like to ask you two, why should we choose you to be our representative in the mr and ms Periwinkle?
Wala pang contest pero may paquestion and answer na kaagad si ma’am sa dalawa.
Lets start with you Lorry.
Well, If you chose me to be your representative, what I can promise to you my classmates is the crown that I’m going to have, because I can assure you… that the winning moment will be ours. Malaking ngiti ni Lorry ng sabihin niya yon.
Di pa nga siya sure kung siya ang mapipili, lakas ng niyang magsabi na sure na ang korona sakanya.
How about you Decery…
I don’t need to promise you anything. But I can do my best. With my height…sabay tingin kay Lorry at ngiti. Loka talaga to si Jai. Beauty and of course my fans who will be willingly support me without any money involve. Well I think that is the right characteristic and appearance, a beauty queen should possess, I have those things so it would be an honor if you chose me. Right Lorry?
Tila nainsulto si Lorry ng sabihin iyon ni Jai sakanya.
So you’ve heard their answers about my question. I guess it's time to choose and vote for your representative. Who’s in favour to Lorry?
Marami naman ang nagtaas ng kamay at bumoto kay Lorry, but I must say na wala pa ito sa kalahati ng kaklase namin. Mostly kaibigan niya lang ang nagtaas at ibang mga babae na gusto siyang kaibiganin.
Who’s in favour with Jai?
Agad na nagtaas kami ng kamay nila Jess at Pyok. Syempre boto kami sa kaibigan naming no. Tumingin ako sa ibang kaklase ko at napansin na halos puro lalaki ang nagtaas ng mga kamay. Mga nakachat niyasiguro to kaya ang lakas ng suporta niya.
Based on the countings, Jai wins and she will be our representative for the pageant. Nangingiti naman na naglakad papunta saamin. Habang si Lorry naman ay padabog na bumalik sa upuan niya.
Hahaha congrats girl. Akala ko magpapatalo ka sa demonyita na yon. Ani Jess
Congrats cous, siguraduhin mo lang na mananalo ka sa contest nako, mag aalburoto lalo yun si Lorry kung hindi.
Kaloka ka kanina Jai, napahiya tuloy siya nung sinabi mo yung tungkol sa height. Tinamaan siguro siya dahil alam niya sa sarili niya na kulang siya non. Natatawang sabi ko kay Jai.
Siyempre naman no ipapanalo ko yun. Akala niya naman siguro kasing ganda niya ako. Duuuuh nagmomodel kaya ako sa runway.
Bago umalis ang teacher ay pinaalalahanan din kami nito sa booth na gagawin namin. Lahat kami ay napagdesisyonan na mag horror booth na lang dahil halos lahat ng section ay nakuha na ang magagandang idea sa booth.
Kasalukuyan kaming nag aabang ni Antony ng sasakyan ngayon. 2:30 pa lang naman kaya hindi kami masyadong nagmamadali.
Krisha…
Sabay kaming lumingon ni Antony ng marinig namin ang pagtawag ng isang lalaki sa likod ko.
May kailangan ka kay Krisha, Ivan? Tanong ni Antony sakanya.
Krisha pwedeng mag-usap muna tayo saglit?
Pre kailangan ng umuwi ni krisha kaya kung ano man ang sasabihin mo ay ipagpabukas mo na.
Alam mo ilang araw na akong napupuno sayo ha. Wala kang pakealam kung mag-usap kami ni Krisha ngayon. Wala kanga lam kaya manahimik ka na lang.
Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Antony dahil sa sinabi ni Ivan. Muka ring galit si Ivan dahil ayaw nitong magpatalo sa pakikipagtitigan kay Antony.
Krish, can we?
Wag kang makipag-usap sakanya Krish.
Kapag di ko pa kinausap si Ivan baka mapuno to at magsuntukan sila ni Antony dito.
Antony mauna ka na, mag-uusap lang kami ng saglit. Nakangiting sabi k okay Antony
Are you sure? Paninigurado niya
Tumango naman ako sakanya bago lumingon kay Ivan na nag aantay sa akin.
Saan tayo mag-uusap?........