Martes na at araw ngayon ng inoorganize namin na feeding program. Ngayon na din ang birthday ni Spencer. Sa isang Barangay kami pupunta para dahil na din sa tulong isa sa mga kapatid ni Spencer na si Adler na siya ang kumausap sa mismong kapitan ng Barangay na iyon para sa programa na isasagawa namin. Ipinakilala na din niya ako sa kapatid niyang iyon. Medyo nagtataka lang ako dahil parang kilala na ako nito kahit na isang beses ko lang ito nakita at nakakausap. Mukhang may hindi pa sinasabi sa akin si Spencer.
"Don't mind my brother, my baby doll." iyan ang naging sagot niya sa akin nang sinubukan ko siyang tanungin tungkol sa bagay na iyon. Nagbuntong-hininga nalang ako at nagpasya na huwag na siyang kulitin pa dahil marami pa kaming dapata gawin sa araw na ito. Hahanap nalang ulit ako ng pagkakataon na tanungin siya sa oras na matapos na kami para sa araw na ito.
Kani-kaniya kami ng toka. Laking pasasalamat ko na din dahil wala si Lucy, nagkataon na may lagnat ito at hindi siya nakasama sa amin. Atleast, panatag ang kalooban ko. Walang aaligid sa lalaking mahal ko. Kumsabagay, hindi na rin ako magtataka kung bakit maramng babae nagkakandarapa sa isang Spencer Ho. Guwapo, matalino, mayaman at galing pa sa isang kilalang angkan. Sinong babaeng hindi mangangarap na ganitong lalaki? Na halos prinsipe kung ituring ng iba. Pero si Mika, hindi umiba ang trato niya sa akin lalo na't nakumpirma ng mga kasamahan ko sa club na ito tungkol sa relasyon namin ni Spencer. Sa halip ay kinilig pa sila sa nangyayari. Talagang pinayuhan pa nila ako na huwag na huwag ko daw papakawalan ang tulad ni Spencer dahil bihira nalang daw ako makahanap ng ganoon lalaki.
Sopas ang niluluto ni Spencer, ang kapatid niyang si Adler ay nagluluto ng mechado, sina Mika ay nagsasaing, ang iba ay naghihiwa ng mga rekados at nag-aasikaso ng mga pamilya na narito sa isang basketball court na katabi lang ng Barangay, habang ako naman ay turon na may langka ang ginawa ko bilang panghimagas. Nakakatuwa lang din dahil tulungan kami sa pagluluto. Talaga ngang maganda ang vision at mission ng club na itinayo ni Mika. Susuportahan ko siya sa proyekto niyang ito.
Ilang saglit pa ay tapos na ako sa paggawa ko sa turon. Nilapitan ko sina Spencer at Adler. "May maitutulong po ba ako?" tanong ko sa kanila.
Tumigil silang dalawa. Tiningnan nila ang mesa at sinuri iyon. "Sakto lang naman ang mga rekados natin. Pero tingin ko, may kulang pa," si Adler ang sumagot. "Walang panulak—inumin."
"Ay, oo nga pala!" bulalas ko nang napagtanto ko na iyon na nga ang kulang. "Hindi bale, may nakita akong mini mart sa may labasan, ako nalang ang bibili."
"Huh? Sigurado ka ba? Samahan na kita." bakas sa boses ni Spencer ang alanganin.
"Naku, huwag na. Kaya ko naman. At saka, magtatricycle nalang ako pagkabalik." malumanay kong pagtatanggi.
"Spencer, masusunog na 'yong ginigisa mo!" saway sa kaniya ni Alder.
Doon ay naalarma si Spencer. Itinuloy niya ang kaniyang ginagawa. "Bumalik ka agad." paalala niya sa akin.
"Opo," nakangiting sabi ko bago ko sila iwan sa kanilang puwesto.
Dinaluhan ko si Mika para sabihin sa kaniya kung ano pa ang mga dapat bilhin. Doon din niya napagtanto na tama nga si Adler. Agad siyang naglabas ng pera pambili. Ibinigay niya iyon sa akin. Nagpapaalala din siya na mag-iingat ako. Ngiti lang ang naging tugon ko sa kaniya.
Mag-isa akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Dahil medyo tago ang Barangay na ito ay wala masyadong dumadaan na sasakyan. Puros mga puno at mga halaman ang nasa paligid. Bilang lang sa daliri ang mga bahay na nadadaanan ko. Sa labasan, doon talaga masasabi na marami ang tao. Dahil naroon ang highway.
Ngunit biglang may humatak sa akin. Napagtagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasandal sa pader. Nakatakip ang aking bibig. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang taong nasa harap ko. Ang aking ama! Kusang umurong ang dila ko dahil may dalawang baril na nakatutok sa akin.
"Sige lang, sumigaw ka at sasabog ang ulo mo." matigas niyang pagbabanta sa akin.
Dahil pagbabanta na iyon ay bumuhay ang kaba at takot sa aking sistema. Gustuhin ko man tumakbo at tumakas sa kanila ay hindi ko magawa dahil paniguradong babarilin nila ako nang walang alinlangan. Ang tanging mapagpipilian ko nalang ay ang tumahimik.
"Matindi ka rin pala. Bakit hindi mo man lang nasabi sa akin na malapit ka pala sa binatang Hochengco na iyon?" nakangisi niyang tanong.
Tila nanigas ako sa kinakatayuan ko nang banggitin niya ang apelyido ni Spencer. Sandali, si Spencer ba mismo ang tinutukoy niya? P-papaanong...
"Dahil ang susunod kong trabaho ay ang pamilya na iyon, MC." hindi mabura ang mala-demonyo niyang ngisi. "Pasensya na pero trabaho lang. Walang personalan." dahan-dahan niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa aking bibig.
Kusang nanginginig ang pang-ibabang labi ko. "A-anong gagawin mo sa pamilya niya..?" lakas-loob kong tanong.
Tumingin siya sa akin ng diretso sa aking mga mata. "Ang tatay ng binata Hochengco ang kailangan ko. Inuutusan lang naman akong patayin siya."
Kinuyom ko ang aking kamao. A-ang daddy nina Spencer at Adler...? Papatayin niya?
"Subukan mong sabihin sa kanila kung anuman ang nalalaman mo kung gusto mo pang makitang buhay ang kapatid mo." pagbabanta pa niya ulit.
"N-nasaan si Calla? Saan mo siya dinala?!" hindi ko mapigilan na pagtaasan siya ng boses.
Walang babala na malakas niya akong sinampal. Halos masubsob sa bato. Agad akong nahawakan ng isa sa mga kasama ng aking ama. "Huwag na huwag akong pagtataasan ng boses, MC dahil kaya kong kunin ang buhay mong putang ina ka!" bulyaw niya sa akin. Malakas niyang hinigit ang buhok ko. Napatingala ako. Kusa nang kumawala ang aking luha. "May trabaho na ang kapatid mo, ayaw man niyang pumatay pero syempre, dapat may pakinabang din siya sa akin!"
Tahimik akong lumuluha.
"At ikaw, ngayon ay nalaman ko na may pakinabang ka din, gagamitin kita para makalapit ako sa pamilya na iyon. Mas mapapadali ang trabaho ko—tutal din naman ay doon ka nakatira, kumuha ka ng pera. Kung anuman ang binibigay sa iyo ng Hochengco na iyon, tanggapin mo, huthutan mo para hindi lang ikaw ang nakikinabang sa pera nila. Mamigay ka ng grasya—"
Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan siya ng matalim. "Hinding hindi ko gagawin iyon." matigas kong sabi. "Hindi ako katulad mo... Hindi ako tulad mo na kriminal."
Nanggagalaiti sa galit si Belor Defamente. Akmang papaluin niya ako ng baril ay agad din siyang pinigilan ng mga kasamahan niya. "Bitawan ninyo ako! De puta ang batang ito! Ang lakas ng loob! Porke nakapag-aral ay akala mo kung sinong magaling!" singhal pa niya.
"Tama na, pare. Sa oras na mahalata ng binatang Hochengco ang pasa sa mukha o magkasugat man siya, dehado ang trabaho natin." matigas na saway sa kaniya ng isa. "Tandaan mo, hindi din basta-basta ang pamilyang Hochengco."
Marahas na binawi ni Belor ang kaniyang braso mula sa pagkahawak nito. Dinuro niya sa akin ang dulo ng baril na hawak niya. Mas nagmumukha siyang demonyo sa lagay na 'yon. "Tandaan mo ito, sa oras na bumaliko ang plano ko para paslangin ang Keiran Hochengco na iyon, ikaw naman ang pasasabugin ko ng bungo! Binabalaan din kita, hindi kayo magkakatuluyan ng binatang iyon dahil ito ang mundo mo. Sa isang tulad ko."
Umalis na silang tatlo. Iniwan nila ako dito sa gilid.
Yumuko ako at napasapo ako sa aking bibig. Muli na naman kumawala ang aking mga luha. Marahas iyon pumatak sa lupa. Bakit kung kailan na nagiging maayos na ay saka pa dumating ang ganitong pagkakataon? Bakit kailangan pa niyang bumalik at pagbantaan ang buhay ko? Hindi lang ang buhay ko, pati ang buhay ng mga Hochengco?
Kahit sa pagbalik ko ay pilit kong kumilos ng normal sa harap nila. Sinisiguro ko na babalik ako na walang bakas na nagkita kami ng sarili kong ama. Dala ko na din ang mga inumin na binili ko sa isang mini mart. Naabutan ko silang kakatapos lang sa pagluluto. Mabuti nalang ay nakaabot pa ako. Nilapitan ako nina Alder at Spencer para tulungan ako sa pagbubuhat ng mga pinamili ko mula sa tricyle na nirentahan ko. Hanggang sa nailipat na namin ang mga inumin.
Mismong si Adler ang nagbigay ng bayad sa driver. Tahimik lang ako sa isang tabi. Pinagmamasdan ko lang kung papaano nag-uusap si Spencer at ang kapatid nito. Sa tuwing nasisilayan ko ang ngiti ng lalaking pinakamamahal ko, ramdam ko naman ang pagpiga ng aking puso. Masakit lang para sa akin dahil ako din ang magiging dahilan para mabura iyon sa oras na tagumpayan na patayin ng sarili kong ama ang kanilang ama.
"What's the matter, my baby doll?" bigla niyang tanong sa akin.
Tumingala ako sa kaniya. Lumuhod siya sa harap ko. Masuyo niyang hinawakan ang mga kamay ko. Dumapo ang tingin ko doon. "Wala—"
"Bakit namumula ang isang pisngi mo?" sunod niyang tanong.
Doon ako natigilan. Napasapo ako sa pisngi kung saan ako sinampal ni Belor. Isang pilit na ngiti ang inuukit ko para hindi niya mapansin ang dinadala ko ngayon. "Ano kasi, naramdaman ko nalang may lamok tapos pinatay ko. Ayon." palusot ko. Sa loob-loob ko, kinakailangan kong magsinungaling sa kaniya.
Ngumiti siya. Mukhang kumagat naman siya sa palusot kong iyon.
Marahang dumapo ang mga maiinit kong palad sa magkabila niyang pisngi. "Palagi mong tatandaan, mahal na mahal kita, Spencer." mahina kong sabi. Umukit ang pagtataka sa kaniyang mukha nang sambitin ko ang mga salita na iyon. "Gusto ko lang sabihin na, napakaswerte ko dahil nakilala kita."
"Baby doll..."
Mapait akong ngumiti. Niyakap ko siya. "Happy birthday, Spencer. Sayang dahil wala pa akong mairegalo sa iyo..."
Ramdam ko ang pagganti niya ng yakap sa akin. "You are the best gift that I've ever received, my baby doll." bahid sa boses niya ang kalagakan.
Kailangan kong mamili. Ang iligtas ang buhay ng ama ng pinakamamahal ko o ang buhay ng aking kapatid? Mahirap... Pero ayokong mamili ng ganoon. Hangga't maaari, kailangan ko silang iligtas pareho.
Nakaraos kami sa araw na ito. Naging tagumpay ang feeding program. Nagpaalam na din kami nina Spencer at Adler na uuwi na sa kanila. Doon ko din napag-alaman na naroon na din ang mga magulang nila pati ang isa pa nilang kapatid na nangangalang Laisa. Halo-halo na ang emosyon na umaapaw sa aking sistema. Kahit ganoon man ay pilit ko pa rin maging maayos sa harap nila. Kailangan ay normal pa rin ang kinikilos ko.
Pagdating namin sa bahay nila ay hindi ko inaasahan na nakaset na ang gaganaping birthday party para kay Spencer! Sa garden gaganapin ang naturang party. Naabutan pa namin ang kanilang ina na si Madame Nayana, isa daw siyang abogado na siya anng nagunguna para sa pag-aayos. Mabait si Madame Naya, mukhang nakilala din niya ako. I can feel her genuine smile and how she talks to me. Para bang welcome na welcome ako sa bahay nila. Hindi niya ako itinatrato na iba.
"Tutulong po ako sa pag-aayos," prisinta ko.
"Oh no, iha. Pumunta ka sa guest room at naroon na ang damit na susuotin mo. Alam kong ayaw ni Spencer na maging maid ka sa espesyal na araw na ito para sa kaniya." nakangiting sabi niya. "Ang mabuti pa ay mag-ayos ka na. Later on, mag-uumpisa na ang party. Padating na din ang mga bisita."
"S-sige po..." mukhang wala na akong magagawa pa. "Excuse me po, Madame Naya—"
"Hep! Don't call me like that. You should call me mama from now on."
"A-ah... S-sige po... Mad—I mean, M-mama..."
"Take your time, iha. See you around."
Ngumiti akong tumalikod sa kaniya. Humakbang ako papasok sana sa loob ng malaking bahay pero may makakasalubong akong may edad na lalaki. Mula sa tindig at mukha ay parang kilala ko na kung sino ito—ang daddy ni Spencer! Hindi ko maipagkaila na kamukha ni Spencer ang kaniyang ama. Kumbaga, si Spencer ay parnag younger version ng kaniyang ama.
"G-Good evening po, S-sir Keiran..." nahihiyang bati ko sa kaniya.
"You must be, MC? Spencer's girlfriend?" pormal niyang tanong na may ngiti. Hindi ako makasagot, yumuko lang ako. "Oh, don't be shy. You're gonna be the part of this family, soon."
"S-salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin... H-hindi ko alam na... Mabait po kayo."
"Tanggap namin kung sino ang minamahal ng myembro ng pamilya. That'll the number one rule of this family."
"Salamat po ulit, Sir..."
"You're always welcome. Be ready for yourself, paniguradong dudumog ang mga kamag-anakan namin at babahain kayo ng tanong."
Muli ako nagpasalamat sa kaniya. Nang lagpasan niya ako sa sinundan ko siya ng tingin. Nakita ko kung papaano nagmamahal ang mga magulang ni Spencer. Kita ko na hinalikan ni Sir Keiran si Madame Naya sa sentido bilang pagsalubong nito. Napangiti ako dahil maswerte si Spencer dahil kompleto ang kaniyang pamilya. Lahat sila ay mababait at hindi matapobre. Mas natuwa ako sa number one rule ng kanilang angkan.
-
Isang champagne cocktail dress ang sinuot ko. Dahil sa hindi ako sanay sa high heels ay sinabi ko agad kay Laisa tungkol dito. Mabuti nalang ay pinahiram niya ako ng isang doll shoes na aakma sa suot ko. Siya din ang tumulong sa akin sa pag-aayos. Mula sa mukha at buhok. Halos hindi ko makilala ang sarili ko nang matapos niya ang pag-aayos niya sa akin. Habang inaayusan nga niya ako ay sumugod dito sa kuwarto ang ibang pinsan nila. Lalo na ang mga kababaihan. Nagpakilala sila na sila ang tinutukoy ni Spencer na mga pinsan niya. Ang dami pala nila!
"Totoo nga ang sinsabi nila, you look like a doll!" bulalas na nagpakilalang si Sarette.
"Magaling talaga bumingwit itong si Spencer, oh." segunda pa ng nagpakilalang Chancellor pero tawagin ko nalang daw siyang Chance.
"Mabuti nga at hindi tumulad sa inyo si Spencer." taas-kilay na kumento ni Vesna.
"Oh siya, tama na muna iyan. Kailangan nating lumabas at mag-uumpisa na ang party," saway sa kanila ni Sarette.
Sabay na kaming lumabas. Hinahanap ko si Spencer, mukhang nag-aayos na din siya ng sarili dahil gabi niya ito. Masasabi kong engrande ang party na inihanda para sa kaniya. Ganito pala ang ginagawang party ng mga mayayaman na tulad nila. Daig mong nasa ibang bansa ka. Ngayong eighteen na siya, magagawa na niya kung anuman ang gugustuhin niya.
Ang iba sa mga pinsan ni Spencer ay nasa kolehiyo na. Mabuti nalang daw ay wala siyang assignment o naiwang gagawin na may kinalaman daw sa school. Nakilala ko din ang iba pa nilang pinsan na lalaki na nasa iisang mesa. May mga hawak itong alak at ineenjoy ag gabing ito. May mga waiter na gumagala sa paligid, may mga dala silang tray na may mga inumin.
Sa gitna ng kwentuhan ay naramdaman ko nalang na may pumulupot sa aking bewang. "Hi, my baby doll." boses palang ay kilala ko na kung sino 'yon. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Mas gumanda ka sa paningin ko."
"Anak ng teteng iyan, Spencer! Nakakasuya, lumayo muna kayo ng girlfriend mo at magbigay respeto ka sa mga single!" iritadong sabi ni Rowan.
"Palibhasa kasi, torpe ka. Ni hindi mo magawang lapitan ang kinababaliwan mong si Ciel." humahagikgik na panlalaglag sa kaniya ng kaniyang kakambal na si Sarette.
Hindi magawang sumagot pa si Rowan para ipagtanggol ang sarili. Sa halip ay umingos siya't ininom lang ang alak na hawak nito.
May lumapit na waiter sa direksyon namin. Inabutan ako ng isang juice. "Mukhang nag-eenjoy ka, MC." rinig kohg bulong nito na dahilan para matigilan ako. Agad kong tiningnan ang waiter na nasa aking tabi. Umaawang ang aking bibig, hindi makapaniwala na makikita ko siya sa lugar na ito... Papaano siyang nakapasok dito?!
Binigyan niya ako ng isang mala-demonyong ngisi. Lumayo siya sa akin, nanatili ang tingin ko sa kaniya. Parang naging slowmo ang paligid. Tumigil siya at may inilabas siya mula sa kaniyang vest. Isang baril! Dahan-dahan nanlalaki ang mga mata ko. Kusang gumalaw ang katawan ko para pigilan siya. Itinutok niya iyon sa isang direksyon—kung nasaan si Sir Keiran Ho! Walang sabi na kinalabit niya ang gatilo ng dalawang beses pero bakit apat na putok ang naririnig ko?!
Wait, hindi kaya...
Lumingon ako. Napasinghap ako dahil may dalawa pang waiter na may hawak ng baril at binaril si Sir Keiran! Mga kasamahan ni Belor kanina!
"Keiran!" sigaw ni Madame Naya nang natumba si Sir Keiran sa damuhan.
Nagkagulo ang mga tao sa paligid. Nanatili akong nakatayo. Maski ang mga kamag-anakan nila ay nagmamadaling daluhan. Parang kakapusin ako ng hininga. Dumako ang tingin ko kung nasaan sina Spencer.
"Dad? Dad!" naiiyak na tawag nila sa kanilang ama. Kinagat ko ang aking labi. Lumipat ang tingin ko sa direksyon ni Belor. Ngunit, wala na ito. Nakatakas sila! Ibinalik ko ang tingin ko kina Spencer.
"Tumawag kayo ng ambulasya! Bilisan ninyo!" aligagang utos ni Madame Naya na dahilan para pigain ang puso ko. Parang hindi ako makahinga ng maayos. "Call the police! Faster!"
Kusang akong humakbang paatras. Kinuyom ko ang aking kamao. Tumakbo ako palabas ng bahay. Kailangan kong maabutan si Belor at makumpirma ko kung nasaan si Calla! Kung saan niya eksaktong dinala ang kapatid ko dahil sa oras na malaman ko kung nasaan ito, gagawa ako ng paraan para mabawi ito.
Ngunit, bigo ako. Wala ni anino niya. Tuluyan na silang nakaalis. Dahil sa takot na umaapaw sa akin ay nagmamadali akong pumunta sa guest room kung nasaan ang mga gamit ko. Ang mga importanteng gamit ko ang ipinasok ko sa aking back pack. Nagmamadali akong nagbihis. Bago man ako tuluyang nakalabas ng bahay, napatingin ako sa aking palasingsingan. Kumawala ang luha sa aking mga mata. Naglabas ako ng papel at ballpen.
Spencer,
I know this will be unreasonable for you. To leave you like this. I realized that how can life so cruel? Yes, I am inlove with you and you love a wrong person. My father who was trying to kill your dad. I pray for your dad's safety. I'm telling you this because I love you. I don't deserved a guy like you. You're too kind and I admire you for that. Ang isang tulad ko ay walang karapatan na mahalin ka, lalo na't anak ako ng taong balak pumatay sa dad mo. Sana mapatawad mo kami. Siguro ay hindi talaga tayo para sa isa't isa.
Paalam.
Nagmamahal,
MC
Hinubad ko ang singsing at iniwan ko iyon sa dresser ng silid na ito. Inilakip ko ang sulat sa singsing. Tahimik akong lumabas ng bahay sa kabila na nagkakagulo ang mga tao sa malaking bahay na iyon.
Sa kakahuyan ako dumaan para hindi ako mahanap. Habang ako'y lumalayo ay siya naman ang pagpiga ng puso ko. Maigi na ang ganito. Alam ko sa oras na mabasa niya ang sulat na ito, kamumuhian na niya ako. Kaakibat na sinisisi ko ang sarili ko, dahil wala akaong nailigtas ni isa man sa kanila.
Tumigil ako saglit. Tinanaw ko ang malaking bahay sa huling pagkakataon.
Pero ang hinding hindi ko pagsisisihan, ay nakilala hanggang sa minahal kita, Spencer. I will keep you love in my heart forver and us it as weapon and strength in my journey without you. I am sorry if I have hurt you, I didn't mean it, I just have no choice and leaving you is the best thing.
Binawi ko ang aking tingin. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Every steps I take, it feels like Im dying inside. I couldn't keep my hurts and hold back my tears. Kahit na ganoon ay pilit ko pa rin makalayo sa lugar na iyon kahit walang kasiguraduhan kung saan ako dadalhin ng mga paa ko...