May halong pagod at kaba nang bumaba ako ng bus. Tumingala ako, puro mga nagtataasang mga building ang sumalubong sa akin. Narito ako ngayon sa Maynila. Dito ako dinala ng aking mga paa. Aminado man ako na wala akong kaalam-alam pagdating sa ganitong lugar pero pilit kong tatagan ang aking kalooban. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Maraming tao sa paligid na kani-kaniyang abala habang naglalakad. Humigpit ang pagkakapit ko sa strap ng aking back pack. Sinimulan ko nang maglakad. Maghahanap ako kung saan ako pupuwedeng tumira. May sapat naman akong pera na dala. Iyon nga lang, hindi iyon sapat para sa isang linggo kaya hangga't maaari, kailangan kong makahanap ng matinong trabaho. Mag-iipon ako ng husto bago ko man ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Bahala na kung saan ako makarating. Inabot na ako ng malalim na gabi pero siya naman na mas dumami ang sasakyan sa tulay. Lahat ng mga iyon ay patungo sa iisang lugar. Tumigil ako at tumingala para basahin ang nakasulat sa arko. Sa taas n'on ay may nakasulat na 'WELCOME TO MANILA CHINATOWN.' May mga chinese letters pa sa paligid. Umawang ang bibig ko sa aking nakita. Ngayon lang ako nakarating sa ganitong lugar kahit na kilala na talaga ang Binondo dahil maraming mga Tsinoy ang narito. Muli ako humakbang papasok sa naturang lugar. May mga naririnig akong malalakas na tugtugin habang naglalakad ako sa side walk. Kabi-kabilang restaurant ang nakikita ko. May mga malls din pero ang mas pumukaw ng aking atensyon ay ang mga streetfoods. Hindi ako nag-atubiling lapitan iyon. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi dahil bumabaha ng mga pagkain dito. Bumili ako dahil nakaramdam na din ako ng gutom pero kailangan ko pa rin magbudget.
Nabusog naman ako. Ipinagpatuloy ko pa ang aking paglalakad. Nagbabaka sakaling makahanap ako ng magiging trabaho dito ngunit bigo ako. Sa mga bawat na kainan o restaurant na napapasukan ko ay sinasabi nila sa akin na wala na daw silang bakante. Wala rin akong mahanap kung saan ako pupuwedeng tumuloy kahit pansamantala man lang.
Hanggang sa nadala ako ng mga paa ko sa likod ng isang malaking restaurant. Kumuha ako ng karton na malapit lang sa akin pagkatapos ay inilatag ko 'yon. Dahil backpack lang naman ang dala ko ay iyon ang ginawa ko itong unan. Pagkahiga ko ay inilagay ko ang mga kamay ko sa aking tyan. Tumitig ako sa madilim na kalangitan. Huminga ako ng malalim. Wala akong makitang bituin. Lihim ko kinagat ang aking pang-ibabang labi.
Ano na kaya ang balita sa kaniya? Ligtas na kaya ang kaniyang daddy? Natanggap na kaya niya ang sulat na iniwan ko?
"Patawad, Spencer..." mahina at punung-puno ng hinanakit nang sambitin ko 'yon.
Dahil na din sa pagod ay hindi ko na namamalayan na tuluyan na akong hinila ng antok.
**
"Iha? Iha?"
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil may gumigising sa akin. Sa una ay malabo hanggang sa naaninag ko ay isang may edad na babae. Sa hitsura palang niya ay mukha siyang chinese.
"Gising, gising." she added.
Tila bumalik ang aking ulirat. Nagmamadali akong bumangon. "P-pasensya na po kung nakatulog po ako dito. H-hayaan ninyo, aalis na po ako." natataranta kong sabi. Susuotin ko na sana ang bag ko nang may bigla siyang sinabi.
"Layas ka inyo?" sunod niyang tanong.
Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. Ibinuka ko ng bahagya ang aking bibig. Hindi ko na naman mapigilang maging malungkot sa harap niya. "P-parang ganoon na nga po..." mahina kong tugon.
Tumango siya. "Lika, pasok ka. Usap tayo. Di pa ako bukas ngayon. Maya pa." nakangiting aya niya sa akin.
Hindi ko alam pero sumunod ako sa kaniya. Pinapanood ko lang siya. Kinapa niya ang pader para hawakan ang switch ang ilaw. Nang nagliwanag ang buong paligid ay hindi ko mapigilang mamangha dahil malawak ang kusina! Tila mag-isa lang siya dito. Nilapitan niya ang mesa. Hinila niya ang isang upuan doon sabay baling sa akin.
"Lika, dito ka upo. Gusto mo kape? Gatas?"
Ngumiti ako. "Kahit tubig nalang po," maagap kong sagot. Lumapit ako sa upuan kung saan niya ako pinapaupo.
"Oh sige, kuha ako tubig. D'yan ka lang." hindi mawala ang ngiti niya. Nilapitan niya ang ref saka kumuha ng tubig. Wala pang talong minuto ay bumalik na siya. Marahan niyang nilapag ang isang baso ng tubig sa mesa. "Ito, inom ka muna." alok niya. Tinanggap ko ang inumin at uminom, habang siya ay hinila niya ang isang upuan at umupo na din sa tapat ko. "Bakit ka layas?"
Pagkalapag ko ng baso ay mapait akong ngumiti. "N-nagkaroon po ng problema. K-kahit hindi po ako may gawa n'on, pakiramdam ko, may kasalanan pa rin po ako." malungkot kong sagot.
"Ano ibig mo sabihin?"
Hindi ko mapigilang ikwento sa kaniya ang nangyari. May takot man sa loob ko na sabihin sa kaniya na totoo—na anak ako ng isang kriminal. Pero nagulat ako dahil kalmado siyang nakikinig sa akin. Hindi niya ako agad nahusgahan. Pati ang pagiging katulong ko sa bahay ng mga Hochengco at sa paghahanap ko sa aking kapatid ay nasabi ko na sa kaniya. Talagang nagulantang pa ako dahil hindi man lang siya nagdalawang-isip na panatilihin ako dito sa kaniyang teritoryo.
"Bait kang bata, alam ko 'yon." iyan ang tangi niyang kumento sa akin. Nang marinig ko sa kaniya ang mga salita na 'yon ay hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko alam pero, hindi ko akalain na may ganito pa palang tao sa mundo. Na hindi ka agad-agad mahusgahan kung ano ang pinanggalingan mo, kung ano ang totoo kong pagkatao...
Mas hindi ako makapaniwala na inalukan niya ang trabaho dito sa kaniyang restaurant. Bilang sous chef dahil meron na siyang head cook. Nasabi ko rin sa kaniya na nag-aaral ako ng home economics, at gusto kong maging nutritionist. Mas mabuti daw at dito ako napadpad dahil marami daw ako matutunan dito. Nakikita daw niya na may potensyal daw ako kaya tutulungan daw niya ako. Papaaralin daw niya ako, suswelduhan at bibigyan niya ako matutuluyan habang nagtatrabaho ako sa kaniya. Sobra-sobra ang biyayang ibinigay niya sa akin. Hindi sapat ang salitang salamat para doon. Gagawin ko ang lahat para hindi mabali ang tiwala niya sa akin.
Sa buong pananatili ko sa restaurant at sa bahay ni Nanay Ching, marami akong natutunan. Pinag-aralan ko ang iba't ibang klase ng pagluluto, halos asian food ang nagiging forte ko. Kahit sa bahay ni Nanay Ching, doon niya ako tinuturuan ng iba't ibang cutting edge. Nalaman ko din na wala nang pamilya si Nanay. Nag-iisa nalang siya sa buhay. Halos daw lahat ng kamag-anakan niya ay namatay noong world war two. Ang asawa at mga anak naman niya ay namatay dahil sa plane crush. Naging masaklap ang buhay ni Nanay. Ang tanging pagkakamali lang niya ay ilang taon daw siyang nagmukmok sa kaniyang bahay. 'Yung tipong walang lalapit sa kaniya, naging mainitin ang ulo niya noon pero napagtanto daw niya na hindi pala pwede na palaging ganoon. May dahilan daw kung bakit daw siya nabubuhay. Kung bakit binigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon. Ay iyon ay para maging mas malakas pa siya. Na kaya niyang maging matatag at nanatiling nakatayo sa paglipas ng haba ng panahon kahit na nag-iisa na siya.
Mas naging masaya daw siya nang dumating daw ako sa buhay niya. Pinatira, pinaaral, binihisan at itinuring daw niya akong tunay na anak. Sa kaniya ko rin naranasan kung papaano ulit nagkaroon ng ina kahit na hindi kami magkadugo. Kahit ganoon ay hindi pa rin niya inalis ang apelyido ko. Dahi daw iyon ang pangalan nang nakilala niya ako at wala nang siyang iba pang rason.
Kung ang pinapangarap ko ay maging nutritionist, mas naging malayo ang narating ko. Mismo si Nanay Ching ang nagsuhesyon sa akin na mag-aral ako ng Dietetics sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pumayag na din ako dahil nalaman ko ang pinagkaiba nila. Kapag naging registered dietitian ako ay may linsensya akong makukuha. Nairaos ko ang kurso na iyon hanggang sa nakapagtapos ako. Lahat ng mga ito ay iaaalay ko kay Nanay Ching. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko maaabot ito. Kung hindi dahil sa kaniya, mawawalan ako ng pag-asa na maabot ko ang pangarap ko.
**
Seven years later.
"MC! Crispy noodles with assorted seafood for table number fifteen!" rinig kong sabi ng isa sa mga katrabaho ko na si Ariel, isa naman siyang waiter ng restaurant na ito. Mas matanda siya sa akin ng isang taon pero, isa din siya sa mga scholar ni Nanay Ching.
"Coming right up!" malakas kong pagkasabi habang nagpeplating ako ng order. Pagkatapos ay inabot ko na 'yon sa isa pang waiter. Sunod kong ginagawa ay ang crispy noodles. Hindi lang ako ang gumagalaw dito. Sa totoo lang ay mas dumami ang empleyado ng restaurant na ito. Mas dumami din ang costumer.
Si Nanay Ching naman ay nasa kanilang bahay. Kasama niya doon si Alma, ang bago niyang school girl. Nakakatuwa lang isipin, talagang pumupunta si Nanay Ching sa isang bahay-ampunan at doon siya kukuha ng bagong anak daw niya. Masuri niyang pinag-aralan ang ugali ng mga batang aampunin niya. Nakakatuwa lang din dahil imbis itago ni Nanay ang yaman na meron siya, mas pinili niya na tumulong nalang sa iba. Sinasabi kasi niya na hindi naman daw niya madadala ang kayamanan niya sa hukay. Kaya mas lalo ako naging proud dahil napunta ako sa kaniya. Masasabi ko na hulog siya ng langit sa akin.
Kaya naman ako narito sa Resto dahil hinihintay ko ang resulta ng exam para maging ganap na akong dietitian. Unang stepping stone na iyon para makapaghanap na din ako ng trabaho. Isa sa mga prospect ko ay ang mga malalaking Ospital dito sa Maynila.
Nag-unat-unat ako. Naghilamos ng mukha saka pinatuyo iyon sa pamamagitan ng bimpo. Tinititigan ko ang aking sarili sa salamin na nasa aking harap. Nilabas ko ang suklay sa aking bag. Sinuklayan ko ang boy cut kong buhok. Polbo at lip tint lang ang kolorete ko sa mukha. I slowly released a sighs before I leave. Ako na din ang nagsara ng naturang resto. Naghihintay sa aking sa back door si Ariel dahil tulad ko ay umuuwi siya sa mismong bahay ni Nanay Ching. Kung kaya madalas kaming nakakasabay sa pag-uwi. Mag-aaral ito mamaya pagdating ng bahay. Kumukuha naman ito ng Engineering.
"Tara na?" magiliw niyang aya sa akin.
Malapad akong ngumiti at tumango. "Tara," sagot ko.
Maglalakad na sana kami nang biglang may dalawang lalaking humarang sa akin. Hindi ko mapigilang kumunot ang aking noo. Lahat sila ay hindi ko maaninag ang mukha. Agad hinarang ni Ariel ang kaniyang sarili. Pareho kaming paatras na lumalapit sa amin ang mga iyon. Pero natigilan din kami dahil maski sa bandang likuran namin ay may papalapit din na dalawang lalaki. Umaawang ang bibig ko.
Titili pa man din ako ay huli na. Biglang tinakpan ng isang lalaki ang bibig at ilong ko ng isang panyo. Pilit kong magpumiglas pero bigo ako. Bigla namang binugbog si Ariel sa harap ko! Hindi magawang manlaban ang kaibigan ko dahil tatlo ang kalaban niya samantalang nag-iisa lang siya! Naniningkit nag mga mata ko dahil unti-unti nanlalabo ang mga mata ko. Parang hinihila ako ng antok! Kasabay na nanghihina din ang aking katawan. Ang huli kong nasilayan ay nakahandusay na si Ariel sa sementadong daan.
_
Nagkaroon ako ng malay dahil sa malalakas at nakakindak na tugtog na aking narinig. Dahan-dahan akong bumangon. Nasaan ako? Bakit parang dim ang mga ilaw? I smell rose scent in this whole room. Dumapo ang tingin ko sa aking katawan. Agad gumuhit ang gulat dahil iba na ang suot ko! Daring at kita na ang kaluluwa ko. I am wearing belly dancing costume! May suot din akong heels! Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Baka may mahagip man lang akong salamin. Hindi ako nabigo. Agad ko dinaluhan iyon. Pinag-aralan ko ang aking sarili ko sa harap ng salamin. Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko ang aking sarili. I'm also wearing heavy make up! Napasinghap ako nang narinig ko na may nagbukas ng pinto ng silid na ito. Isang babae na kasing edad ko lang, humalukipkip siyang tumingin sa akin. Medium curl ang ayos ng kaniyang blonde na buhok, hindi lang 'yon, hapit na hapit ang kaniyang suot na dress na makikita talaga ang kurba niya na daig mo ay isang modelo o artista... Tulad ko ay may lahing banyaga siya.
"Mabuti at gising ka na," malamig niyang bati sa akin. "Malapit na ang show mo."
"H-ha? A-anong show? N-nasaan ako?" naguguluhan kong tanong.
Sumandal siya sa hamba ng pinto na nanatili pa rin siyang nakahalukipkip. Tinaasan niya ako ng kilay. "Nasa Angeles, Pampanga ka ngayon. You're gonna be one of us. You're gonna be a hooker." she answered.
Bahagyang kumunot ang noo ko. "H-hooker? N-nasa Pampanga ako? Teka, papaano nangyari iyon?" idinapo ako ang aking palad sa aking dibdib. "Baka nagkakamali ka, miss..."
Bakas sa mukha niya ang iritasyon. Marahas niya akong itinulak hanggang sa napasandal ako sa pader. Matalim siyang nakatingin sa akin. "At papaano magkakamali ang tatay mo, aber?" matigas niyang turan.
Tatay ko? K-kilala niya si Belor?
"May utang lang naman sa akin ang magaling mong ama. It's worth millions. At ikaw ang magiging kabayaran ng utang niya." mas matigas niyang sabi. "Huwag na huwag kang magkakamali na sa akin, dahil ako ang amo mo, MC."
Parang kakapusin ako ng hininga. Papaano ako natagpuan ng aking ama? Sa loob ng pitong taon ay naging tahimik ang buhay ko! Hindi ko alam na matatagpuan niya ako sa Binondo!
"Ngayong gabi na din mag-uumpisa ang trabaho mo." pahabol pa niyang sabi. Mariin niyang humawak sa aking braso. Marahas pa rin niya akong hinila palabas sa silid na ito. Kahit sa hall na dinadaanan namin ay dim ang ilaw, pinaghalong pulat at asul ang ilaw ang nasa paligid. Unti-unti ko an din naririnig ang hiyawan at sigawan habang papalapit kami. Tumigil kami sa paglalakad. Bumaling siya sa akin. "Don't try to escape or disappoint me, MC. I swear to you, I can kill you right here, right now." pagkatapos ay itinulak niya ako papasok sa isang stage.
Mas lalo lumakas ang hiyawan sa paligid. Kabado kong iginala ang aking paningin sa paligid. Taas-baba ang aking dibdib. Ramdam ko ang pamumuo ng aking mga luha sa aking mga mata. Yakap-yakap ko ang aking sarili. Sa mga oras na ito, pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. Lihim ko kinagat ang aking labi. Gusto kong umalis ngayon sa kinakatayuan ko ay hindi ko magawa. Lumipat ang tingin ko sa babae na malamig at matalim niya akong tinitingnan. Sa pamamagitan ng mga tingin na iyon ay tila inuutusan niya akong umpisahan ko na ang pasasayaw sa harap nila.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Humakbang ako ng tatlo. May halong takot, kaba, pagkailang at pandidiri nang dahan-dahan kong sinasabayan ang beat ng kanta. Mas lalo lumakas ang hiyawan ng tao. Nilapitan ko ang pole at humawak doon. Tumalikod ako sa kanila saka iginiling ko ang aking katawan. Parang napupunit ang puso ko, kasabay na pagtulo ng aking luha. Hindi ko alam kung saan iyon pumatak. Lahat ng pangarap ko, lahat ng pagod na naranasan ko, mga panahon na iginugol ko para maabot ang mga pangarap ko ay dito din hahantong...
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may yumakap sa aking mula sa aking likuran. Pinaharap niya ako sa audience, ang mas ikinagulat ko na bigla niyang dakmalin ang mga dibdib ko. I feel disgust more! Hindi lang iyon ang ginawa ng matandang lalaking foreigner, ipinasok niya sa loob ng bra ko ang isang kamay niya na may hawak na dolyares!
Gustong gusto kong lumayo at bitawan na niya ako ay natigilan ako nang may nahagip ang aking mga mata. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang lalaking nakatayo, hindi lang siya, may kasama siya pero hindi iyon isa sa mga pinsan niya.
"Spencer..." halos walang boses nang sambitin ko ang kaniyang pangalan.
Kitang kita ko kung papaano umigting ang kaniyang panga. Matalim siyang nakatingin sa akin. Nababasa ko ang galit at hinanakit na dahilan para pigain ang puso ko. Halos hindi ako makahinga sa pagkrus ulit ng mga landas namin.
**
Pagkatapos ng sayaw, ang buong akala ko ay tapos na ang bangungot na ito. Sinabi sa akin ni Ms. Enya na may nagrequest sa akin para ilabas ako. Ibinigay nila sa akin ang pangalan ng Hotel. Pinasuot nila ako ng isang backless dress at pares ng magagandang sapatos. Huwag na huwag daw akong magkakamali na tumakas. Para masiguro daw ay talagang inihatid ako ng isa sa mga driver ni Ms. Enya sa naturang hotel. Abot-langit ang kaba at takot ko.
Sa Prime Asia Hotel ako dinala ng driver. Sinabi na rin sa akin kung anong room number binigay din sa akin ang spre key ng kuwarto kung saan naghihintay ng nagrequest na costumer. Naalala ko pa na sinabi sa akin ni Ms. Enya na ako ang lucky charm niya dahil kabago-bago ko daw ay milyones ang bayad sa akin.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Kahit na kabado ako ay humakbang ako papasok. Tahimik, maganda at malawak ang silid na ito. Bakit ko nga ba makakalimutan ay Deluxe King Room ito? Dim din ang paligid. Dumapo ang tingin ko sa Living Room. A silhouette of a man, sitting on a single couch and drinking a glass of brandy divulge before in my eyes. I remain standing in my place. Waiting...
"It seems you enjoy what you're doing, Ms. Defamente..." isang baritono at pamilyar na boses ang narinig ko. Bakitang dating sa akin ay panunuya iyon?
Kita ko kung papano ito tumayo kahit na hawak pa rin niya ang baso ng brandy. Humarap siya sa akin at humakbang hanggang sa tuluyan ko nang makilala kung sino ang nasa harap ko. Napaatras ako dahil sa pinaghalong takot, kaba at gulat.
"I think you have an idea why I requesting that you will be my hooker—"
"Nagkakamali ka, Spencer!" apila ko. "Hindi... Hindi ko ginagawa ito... Maniwala ka—"
"I've already paid millions just for a one night with me. Huwag mong sabihin na mababalewala ang ibinayad ko?" matigas at maawtoridad niyang sambit.
Parang kakapusin ako ng hininga. Parang sinaksak ako ng ilang ulit. Ngayon ko lang nakita ang pagiging malamig niya sa akin. "M-Mr. Hochengco..."
"Huwag na huwag mong idaan sa ganyan, MC. Ano pa bang gagawin natin? Magtitigan lang? Put your dress down!" galit na galit niyang utos.
Halos matalon ako sa gulat dahil sa pagsigaw niya sa akin. Bumuhay ang takot sa aking sistema. Naiiyak man pero pilit kong sundin ang kaniyang utos. Marahil ay ito na ang kabayaran sa ginawang kasalanan ng aking ama sa kaniyang pamilya. Ang kabayaran na iniwan ko siya nang basta-basta...