Maaga kaming nagbyahe dahil hahabol sa enrolment si Draco at Darton. Good thing I can rely on Kristele. Tinawagan kasi nila si Dom pero hindi ito pumayag na i-enrol sila. Buti nga sa kanila! Between the three kasi, si Dominic ang pinaka-responsable. I just can't accept that he's suffering for-- Ugh! I don't want to remember. I'm just happy that he's fighting and living his life normally.
"What do you think about, Athena?" Bulong ni Darton kay Draco. Hmmm- Athena, I've heard na siya ang babaeng matyagang humahabol kay Dom. Why the hell on Earth Dom declined her repeatedly? Bakit hindi niya enjoyin ang mga bagay? Hanggang pwede pa..
"She's pretty damn hot.." sagot Draco habang nakasandal sa headrest sa likod at nakapikit ang mga mata.
Napatingin kami kay Luther ng bigla itong tumawa pero nasa daan pa din ang mga mata. "Who's the pretty damn hot? f**k you, dude! Lagyan nga ng palda ang poste tumatayo na yan spada mo!"
Natawa ng bahagya si Darton. Mabuti nalang at natutulog ang dalawang kasama nila. Umayos ng upo si Draco at tumingin ng parang hindi makapaniwala kay Luther.
"Really, dude? Talagang seyo pa yan nanggaling?" Natatawang sabi ni Draco. Umirap si Luther kaya natawa din ako.
"Bakit ka tumatawa?" Iritable siyang bumaling sa akin. Tumatawa din kasi si Darton at Draco. Natameme nalang kasi bigla si Luther. Ayan kasi..
"Bakit nagagalit ka?" Sagot ko ng natatawa. Kinurot ko pa nga ang pisngi niya ng bigla siyang umilag habang magkasalubong ang kilay niya.
"Ayan kase, minsan preno preno din, e. Nag backfire tuloy seyo mga sinasabi mo--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagpreno si Luther. Halos maumpog ako sa dash board sa full stop na ginawa niya. Kumalabog sa likod kasunod ng sunod sunod na pagmumura.
"Tangina! Ang sakit.." hawak ni Draco ang noo niya habang nakangiwi ang dalawang kasama nila na nawindang yata. Me? I was shocked.
Napatingin ako kay Luther na tulala lang. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapansin kong may batang babae na nakatigil sa gitna habang nakapikit.
"Is she alive?" Nawala ng bahagya ang kulay ng labi ni Luther. Is there something wrong? Kahapon ko pa kasi napapansin na may bumabagabag kay Luther. And the fact that he almost hit that kid? It's pretty obvious na meron siyang dinadala.
Kinalma ko ang sarili ko. Panay pa din ang reklamo sa likod na tila di napapansin ang nangyari. Hinawakan ko ang braso ni Luther para bahagya siyang kumalma. "She is.. are you okay?" Kalmadong salita ko. Nakatitig pa din si Luther sa bata hanggang tuluyan na itong maglakad palayo.
Bumaling muna siya sa akin ng blangko ang ekspresyon. "Yeah," nagsimula ulit siyang magdrive. I was looking at him the whole time hanggang makarating na kami sa city. The guys continued their nap, kaya kami lang ni Luther ang nanatiling gising.
Nauna naming hinatid ang dalawang babae na bumaba lang sa Mega Mall. Sumunod sila Draco dahil mas malapit ang village nila sa amin. Nasira kasi ang sasakyan dala nila kaya naiwan muna ito sa Bulacan.
Nadaanan pa nga namin ang bahay ni Maggie. We saw her sitting on the garden. Maybe, nagmumuni.
"Thanks, dude. You, two, take care." Sabay na salita ng dalawa sabay baling din sa akin kaya tumango lang ako, while Luther also nodded. God! He's unbelievably quiet.
Nang makarating na sa village namin ay pansin ko pa din ang pagka-aligaga ni Luther. He's so quiet na hindi kapanipaniwala. "Thanks for everything.." salita ko sabay baba ng sasakyan. Ngumiti ng tipid si Luther. His eyes are exhausted.
Isasara ko na sana ang pinto ng bigla akong napatingin sa kanya. Nakatulala na naman siya! "Sigurado kang, okay ka?" Hindi ko mapigilan makaramdam ng pag aalala sa kanya. Hindi kasi ako sanay na ganyan si Luther. I want to ask him pero ala naman akong karapatan. Isa pa, baka sabihin niya na masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya.
"I'm good.." tumango siya at ngumiti ulit ng tipid. Pagkasara ko ng pinto ay mabilis ng humarurot ang sasakyan niya. Anyare don'? He's so weird...
Pagpasok ko sa gate ay napakunot ang noo ko. Narinig ko kasi ang malakas na sigawan sa loob. Nagmadali akong isara ang gate at halos magkapatid-patid ako sa pagtakbo sa papasok.
"You are not leaving us again, are you?" Naabutan ko si Mommy na humahagulgol ng iyak. Si Daddy naman ay nasa tabi niya at tila ba inaalo-alo siya. Saglit akong natigilan at ngumiti ng mapait. This is not happening again? Isn't?
"No, I just want to see my son.." sagot ni Daddy kaya lalo akong natulala. So, lalake ang anak ni Daddy?
Eto na naman ba kami sa bangungot? Tapos na kami sa bagay na yon' e. Nalagpasan na namin nila Mommy pero bakit paulit ulit pa din bumabalik? Maybe, hindi talaga kami mabubuo. Dad-- he still wants to his goddamn bastard child! I hate him!
"Then go, Dad.." nagsimula akong maglalakad habang hila ang luggage ko. Natigilan si Mommy sa pag iyak at tila ba nahimasmasan sa presensya ko. Si Daddy naman ay walang emosyon na nakatingin sa akin.
"Sasha, what are you talking? Hindi na aalis ang Daddy mo.." mahinahon na salita ni Mommy na puno ng diin. I'm so tired dahil sa byahe. And f*****g more tired of family drama!
"Mom, gusto niyang umalis! Bakit di mo payagan? Besides," tumingin ako kay Daddy na puno ng galit at pait. Every memory of my youth flashed inside my head. How we suffered! Nakabangon kami nila Mommy! Kung nagawa namin yon' noon, magagawa ulit namin yon ngaun without dad. "Iniwan niya na tayo noon, he has the capability to do it again and again.. wake up Mommy! let him go!" Bahagyang napataas ang boses ko kaya naman napasinghap si Mommy. Si Daddy ay bahagyang yumuko pero hindi na kumibo.
"Stop your nonsense, Sasha!! Leave us alone!!" Nalaglag ang panga ko ng sigawan ako ni Mommy. All my life hindi niya ako pinagtaasan ng boses. I was there for her, and still I am. Bakit ako ang masama?
"Hon," pagpigil ni Daddy kay Mommy na gusto pa yatang tumayo para ipagtabuyan ako. Isa isang bumagsak ang luha ko kaya mabilis akong tumalikod at patakbong umakyat sa kwarto ko.
I was so happy in Bulacan, ni hindi ko nga naisip na ganito ang uuwian ko. If I only knew. Hindi muna ako uuwi dito. Nababaliw na naman si Mommy. We knew the fact that Dad has a child pero hindi ko inakala na gusto niya pa itong makita. Bumalik siya dito and Mom accepted him wholeheartedly! Abuso siya! If he wants to be with his other child. Sana di niya nalang kami binalikan. I don't know if Mom can handle another pain. At hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tulungan bumangon.
Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama. Tahimik akong umiyak ng umiyak. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noon iniwan kami ni Dad. Yung sakit, yung galit.. halo-halong emosyon..
"Ate??!" Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Si Kristele, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. She was young back then and still young right now. How will she handle this?
"Why?" Kinalama ko ang sarili ko.
"Can I come in?" Sagot niya pabalik.. kumunot pa ang noo ko dahil sa pagkabasag ng boses niya. Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib at inayos ang sarili. "Yes, baby.." malambing na sagot ko.
Nang makapasok si Kristele ay pulang pula ang mga mata niya kaya kumuyom ang kamao ko. She maybe my little b***h sister pero mahal ko siya. I don't want her hurt.
"Alam mo bang laging nag aaway sila Mommy at Daddy?" Pasimula niya. Umupo siya sa tabi ko kaya bahagya kong hinimas ang buhok niya.
"Pinapahanap kasi ni Daddy yung anak niya ate," umiyak ulit ng umiyak si Kristele. I don't know what to say. Kasi, kahit ako mismo ay hindi ko alam ang sasabihin ko sa sarili ko. Pero ako ang lakas ng kapatid ko. Kailangan kong maging malakas para sa kanila.
"Hush--" panimula ko. Patuloy pa din ang paghimas ko sa buhok niya. "Be strong, ala na tayong magagawa kung iyon ang gusto ni Daddy. Lets just be strong for Mom, for oursleves, for our family. Dapat handa tayo sa pwedeng mangyari. We made it once.. we can make it again, baby.."
Nang makaalis si Kristele ay alam kong masama pa din ang loob niya. Ako din naman. Masama ang loob ko dahil nauulit na naman ang lahat.
Nagkulong ako sa kwarto. Alas onse na ng gabi pero dilat na dilat pa din ang mga mata ko. Tumigil na din ang pagtatalo nila Mommy at hindi ko alam kung saan ito natapos. Ni hindi na nga din ako nakakain dahil sa pagod at ayokong makita sila Mommy at Daddy. I hope Kristele is fine now, thou.
Pipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang nagring ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko ng makita kong si Luther ang tumatawag.
"Sasha," halos magtindigan ang balahibo ko sa lamig ng boses niya. Hindi ko alam kung bakit lalong bumigat ang pakiramdam ko. Feeling ko kasi may problema si Luther na hindi ko alam kung ano.
"Why are you still up?" Sagot ko. Nagtalukbong pa nga ako ng comforter dahil sa lamig sa kwarto ko.
"Can you come outside?" Binalewala niya ang tanong ko. Nanlaki ang mata ko at biglang napatayo mula sa pagkakahiga. Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya habang naninigarilyo. Hindi na ako nag abalang mag ayos ng sarili. Mabuti nalang at panjama ang isinuot ko ngaun.
Nakiramdam muna ako ng buksan ko ang room ko. Tahimik na marahil at tulog na silang lahat. Niyakap ko ang cardigian na suot ko dahil bahagyang guminaw. Kakaulan lang din kasi kanina at halos madaling araw na.
"Why are you here?" Bungad ko ng makalabas ako ng gate. Humitit muna si Luther sa sigarilyong hawak niya tsaka ito mabilis na tinapon.
Hindi siya nagsalita. Tumingala lang siya at pinagmasdan ang madilim na langit. Tumabi ako sa kanya at ganon din ang ginawa ko. Minsan, mas masarap pa pala yung ganito. I mean-- alam mong may dinadala kayo pero nagkakaintindihan kayo kahit hindi kayo nagsasalita. I feel at peace when I am with him.. para bang si Luther ang comfort zone ko sa panahon ngaun.
"Are you okay?" Sabay namin salita kaya nagkatinginan kaming dalawa. I was catching my breath nang maaninag ko ang mapungay niya na mga mata.
"I'm not." Sabay na salita ulit namin. Napakunot ang noo niya kaya hindi ko mapigilan mapangiti.
"What do you want?" Medyo natatawa pa ako kasi nakatingin lang siya sa akin ng nakakunot ang noo. Behind my smile? I still feel broken.
Huminga ng malalim si Luther. Nagulat pa ako ng humakbang siya palapit sa akin. "Open your arms," utos niya. Nawala ang ngiti ko. Tumingin muna ako sa kanya pero walang halong biro ang mga mata niya.
Parang may sariling utak ang mga braso ko na kusang bumukas para sa kanya.
"Luther..." nagulat ako ng lumapit siya sa akin at mabilis akong niyakap. Natigilan ako ng bumalot ang init ni Luther sa katawan ko.
"I need your hug right now.." malambing na salita niya kaya parang may kung anong tumusok sa puso ko. Wala sa sariling yumakap din ako ng mahigpit sa kanya. I feel home.. maswerte pa din ako. Luther's with me.. instantly nilipad lahat ng hangin lahat ng problema ko kanina lang..