"Ate, papasok kaba?" Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Unang araw ngaun ng pasok for this year. Nasa fourth year na ako at graduating by the end of the year. "Ofcourse, dapat ikaw din.." ngumiti ako kay Kristele na alam kong wala siyang gana pumasok. Hindi pa din natapos ang away ni Daddy at Mommy kaya apektado na masyado si Kristele. Ako din naman, kaso hindi naman pwede tumigil ang buhay namin porke nagkakagulo ang pamilya namen. I've been there. I sacrificed my youth dahil sa gulo ng pamilya. I don't want to happen it again. Ngumuso si Kristele at binagsak ang katawan sa kama ko. Umiling ako at tumayo para sundan siya at hilain sa kwarto niya para makapag-ayos. Hindi naman pwede na pabayaan niya ang pag-aaral niya dahil sa nonsense drama ng magulang namin

