Huminga ako ng malalim habang nag bebeat ng egg. Naiinis kasi ako sa hindi pagpansin ni Luther sa akin maghapon kahapon. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit kami natalo kahapon. Pero enough reason ba yon para hindi niya ako pansinin? I said my sorry, thou. Besides, pera ko naman ang natalo diba? So what's the big deal?
"Over beat, the egg will be mushy.." napasinghap ako at natauhan ng biglang lumabas si Draco sa likod ko. Medyo napaatras pa nga ako dahil nakabalandra ang katawan niya sa likod ko. Bakit ba legal sa lalaki ang ibalandra ang katawan nila? Bakit hindi iyon pwede sa babae? Ang daya lang diba?
"Mushy?"sagot ko tsaka itinabi ang bowl. Kumuha ako ng sibuyas at sinimulan hiwain. Maaga kasi akong nagising or should I say na hindi naman talaga ako nakatulog. Luther, ignoring me bothers me a lot. Hindi ako sanay ng ganon. I'm used of him na palaging papansin. Na palaging makulit.
"Hindi mo alam?" Umupo si Draco sa stool sa center top sabay hikab.
"No, san mo naman napulot yan?" Patuloy pa din ang paghiwa ko ng sibuyas.
"Baka nakakalimutan mong kapatid ako ni Dominic.." sarkatikong sagot niya. Umirap ako kahit di niya nakikita. I should have known. Bakit ba kasi lutang ka, Sasha?
"Bakit ang aga mong nagising?" Tamad na salita ni Draco. Bumaling muna ako sa kanya. Medyo napapasinghot pa ako at nagpunas ng mata dahil maluhaluha na ito dala ng sibuyas! Uggh! I so hate the onion.
"Kasi maaga akong nagising?" Bumalik ako sa paghihiwa ng sibuyas.
"When will I talk to you like-- seriously, Sasha?" Iritableng sagot niya. Natawa ako ng bahagya kahit medyo nagluluha na ang mga mata ko. "Are you bothered?"
"Bothered of what?" Takang tanong ko. Unti unti nang tumulo ang luha ko kaya panay ang pahid ko. Kainis tong sibuyas na'to.
"Hey, dude.." natigilan ako ng biglang lumabas si Luther sa likod ni Draco. Napalunok pa ako dahil umagang umaga ay naka lip bite si Luther. Magulo ang kanyang buhok habang naka short siya at hapit na puting t-shirt ang suot.
"What's with you people? Bakit ang aga niyong nagising?" Salita ni Draco kaya nag iwas ako ng tingin kay Luther na nakataas ang kilay sa akin.
"Coming from a man who woke up first?" Umupo si Luther sa stool katabi ni Draco kaya magkakaharap na kami. I'm still slicing the onion ang f**k the onion for making my eye more teary. "Next question, please." Natatawang salita ni Luther. Dinig ko pa ang tunog ng kagat niya sa mansanas na dinampot niya. I can't look at them. My eyes are wet at hindi ko alam ang sasabihin ko.
"What are you doing, Sasha?"halos magtayuan ang balahibo ko ng kausapin ako ni Luther. Gusto ko pang sampalin ang sarili ko or alugin ang ulo ko kung tama ba ang pagkakarinig ko. And seriously? After I begged last night na pansinin niya ako pero di niya ginawa ay kakausapin niya ako ngaun like nothing happened? f**k you, Vera Cruz!
Suminghot pa ako ng isang beses bago hinarap si Luther. Kumunot ang noo niya at sumilay ang nakakalokong ngiti. "Ohh-- am I talking to you or the onion?" Humagalpak siya ng tawa. Pati si Draco ay natawa sabay suntok ng mahina sa braso ni Luther.
"Pwede ba! I'm trying my best here.." umikot ang mata ko. If I only know na kakausapin na niya ako ngaun ay natulog nalang ako! My goodness! Kitchen is not my thing. I mean-- I love to eat but I don't love to cook. "And besides walang nakakatawa! Why don't you try to slice that motherfucker onion!"
"Woah-- stop there sweetheart.. Ang pikon mo yata ngaun?" Tumaas ang kilay ni Luther. Umikot ang mata ko sa kanya na ikinangisi niya. God! The next time Luther will have drama hinding hindi na ako mag eeffort na pansinin niya.
"Get lost!" Singhal ko na lalong kinatawa niya. Dinampot ko ang mga nahiwa ko at padarag na sinindihan ang stove. Kakainis! Why is he acting like-- the eff!
"Make it fast.. I'm really starving.." halos tumayo ang balahibo ko ng maramdaman ko ang init ng hininga niya sa batok ko.
"E," pumikit ako ng mariin at inayos amg sarili. Ano ba naman kasi ang ginagawa niya sa likod ko?
"E, what?" Tinaas pa niya ang dalawang kamay niya pagharap na pagharap ko.
"What? Lumayas ka nga dito! O gusto mong ikaw nalang ang magtuloy nito?" Ititableng sabi ko. Ngumuso si Luther pero hindi pa din matanggal ang ngisi niya na sumira sa umaga ko!
"Alright!" Pagsuko niya. "Ang sungit mo.." pahabol niya.
"Pakelam mo?" Sagot ko.
"Damn, don't you know that it makes you look more hot?" Sabay baba ng mata niya sa dibdib ko. Mabilis nanlaki ang mga mata ko kaya napatingin ako sa dibdib ko na nakalitaw na pala ang cleavage ngaun. Ramdam na ramdam ko na nag init ang pisngi ko at mabilis na tinakpan ito.
Tinignan ko ng masama si Luther na nakangisi pa din. Dumampot ako ng carrots sabay bato sa kanya. "p*****t asshole!" Sigaw ko. Natatawang umilag si Luther sabay atras palabas ng kitchen.
"He isn't p*****t cous," natatawang sagot ni Draco na pinapanuod pala laming dalawa.
"Anong hindi?" Gigil na sagot ko at masama siyang tinignan.
"Look, he's a guy. And you're wearing too sexy. What do you expect?" Sagot ni Draco habang naiiling.
Naconcious tuloy ako bigla sa suot kong spaghetti top at short shorts. Halos mahampas ko ang noo ko sa katangahan ko. I'm in Luther's house! Bakit nakalimutan ko?
"Eh bakit ikaw?" Pambara ko sa kanya na ikinaikot ng mata niya.
"Crazy! We're cousins.. why so noob, Sasha?" Seryosong sabi niya na ikinalaki ng mata ko..
"Get out of here!" Sigaw ko. Mabilis na lumabas si Draco dahil doon. Umagang umaga na hi-highblood ako!
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa kitchen. Naiirita pa ako sa dami ng talsik ng mantika sa braso ko! The next time, hinding hindi na ako magluluto!
Inayos ko ang naluto ko at sabay na sinerve sa garden. Doon kasi nila gusto kumain to breathe fresh air. Nakaayos na lahat ng kubyertos at plato ng dumating ako. Mayroon na din juice at kape. It's your choice kung ano ang gusto mo. Nandito na din ang dalawang babaeng kasama ng pinsan ko at si Darton na tahimik at apura ang pagtetext.
"Let's eat." Ngumiti ako pagbabang pagbaba ko ng naluto ko. Kumunot bigla ang noo ko ng laglag ang panga ni Draco at Luther. What's wrong?
"You were at the kitchen for three hours, scrambled egg at friedrice lang ang naluto mo?" Manghang salita ni Luther.
"Ang hirap kaya niyan!" Ngumuso ako at umupo sa gilid niya na tanging bakante.
"Jesus, Sasha! I can cook that in less than 10 minutes." Maktol ni Draco.
"Edi sana ikaw ang ngaluto.." sagot ko.
"Kumain na tayo.." natatawang naiiling na salita ni Luther. Nagsimulang kumain ang lahat. Nagtaka lang ako sa dalawang babae na kasama nila na hanggang ngaun ay di ko pa din alam ang pangalan. Why are they not eating?
"Why are you not eating?" Hindi ko mapigilan magtanong.
Nagkatinginan ang dalawa na para bang hindi nila alam ang isasagot nila. "Uhh-- we're on a diet. Can we jog instead?" Sagot ng babaeng kasama ni Darton. Umikot ang mata ko. Ang arte nila, obviously, they don't want the food. Edi sana gumising sila at sila ang nagluto. Duh!
Bigla akong napatingin kay Luther na biglang nabuga ang juice na iniinom niya habang natatawa. "Go," salita niya.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng dalawa at mabilis na lumabas ng bahay.
Tahimik lang akong nakatingin sa mga boys na tila ba mag may gustong sabihin pero di nila alam kung paano.
"It's f*****g salty!" Bulalas ni Draco sabay inom ng juice. Ngumuso ako habang poker face si Darton at nag iwas ng tingin si Luther.
Kumunot ang noo ko sabay tikim ng scrambled egg na halos maibuga ko! Darn! Ang alat!!
Hindi ako nakakibo. Si Luther naman ay kumuha pa ulit ng itlog sabay subo.
"Wag," pigil ko na medyo nahihiya pa.
"Is your tounge numb, dude?" Pambubuyo ni Draco. Nagkibit balikat si Luther sabay subo ng dalawang malaking kutsra ng sinangag. "Maalat ang egg, walang lasa ang friedrice. It's a perfect match tho." Seryosong sabi ni Luther. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinsulto sa kanila.
Natawa si Draco habang si Darton ay walang pakialam dahil sa pag tetext. Ako naman ay gustong lumubog dito sa kinauupuan ko. Napatingin pa ako kay Luther na patuloy ang pagkain. Umirap pa ako ng akmang susubuan niya ako sabay kindat.
"Kumain ka nalang nga! Suma-sideline kapa." Sagot kaya natawa siya.
"Damn, Joyce.." sabay sabay kaming napatingin kay Darton ng magpakawala ng sunod sunod na mura. Ano problema?
"Joyce? The minion?" Hindi ko alam kung seryoso ba si Luther pero walang bakas ng biro sa mukha niya. Nagkatinginan kami ni Draco sabay humagalpak ng tawa.
"Dude.." sagot ni Darton na may halong iritasyon at pagbabanta.
Naiiling si Luther at halatang nagpipigil ng tawa. Bahagya naman kaming huminto sa pagtawa ni Draco.
Umayos ng upo si Luther at inilagay at pinagkrus ang dalawang braso niya sa dibdib niya. "That's why you are grumpy the whole morning? What's wrong?" Tanong ni Luther. Tahimik lang kami ni Draco at pinagmamasadan ang dalawa.
"He's dating someone while I'm gone." Iritableng sabi ni Darton.
"And you're with someone." Umirap ako. Duh! Naiinis siya pero siya may kasama? What the f**k lang diba?
"Lalake ako," masama akong tinignan ni Darton. Like-- hello? Anong klaseng rason yon?
"Maybe you should find a girl who has strict parents." Biglang salita ni Luther.
"Right, she isn't able to see other guys?" Ngumisi si Darton.
"Definitely, she isn't able to see you either.." natatawang sagot ni Luther kaya nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na natawa. Lalo kasing nalukot ang mukha ni Darton.
"Iba ka talaga, dude.." halos di makahinga kakatawa si Draco ako naman ay tawa din ng tawa. Basta si Luther ang nagsalita, wala kang mapapala!
"What the hell, dude?" Tumayo si Darton ng padarag at dumiretso palabas ng gate.
"Gonna get my girl.." natatawang salita ni Draco sabay tayo at labas din ng gate. Ako naman ay maluha luha na kakatawa dito.
"Masayang masaya ka naman.." natigil ako sa pagtawa ng biglang nagsalita si Luther. Bahagyang nawala ang tawa ko pero di maalis ang ngiti ko. Ang epic kasi ng itsura ni Darton.
"Your joke made me laugh.." salita ko sabay inom ng juice. Kumunot pa nga ang noo ko ng pumangulambaba si Luther sa lamesa habang titig na titig sa akin.
"Really, Sasha?"tumaas ang kilay niya. Pakiramdam ko naman ay bumara sa lalamunan ko sa tingin na binibigay ni Luther. "Careful, sometimes, joke is the reason why we fall inlove.." nakangiting sabi niya sabay kindat.
Nalaglag ang panga ko at natigilan. Biglang tumayo si Luther na humahagalpak ang tawa. Damn, jokes! Errr--