Gamble

2140 Words
Bigla nalang akong nagising sa ingay. Medyo makirot pa ang ulo ko dala ng hang over. Ang lakas naman kasi uminom ni Leticia kaya napasabay ako. At naiinis ako dahil nag lalandian sila ni Luther sa harap ko. "Where's Sasha?" Rinig kong sigaw mula sa labas ng room ko dito kila Luther. Dumilat ako ng dahan dahan kasabay ng pagpikit ng mata dahil sa tirik na tirik na araw. Wala na si Maggie sa tabi ko. Asan siya? "Sasha!" I heard growling voice outside. Napakunot ang noo ko. Boses kasi ni Darton iyon, e.. Ano naman ang ginagawa non dito? Inayos ko nalang basta ang buhok ko at dumiretso sa banyo para maghilamos at sepilyo. Ngumiwi pa ako ng may dumaan na kirot sa ulo ko. Nang maayos na ako ay halos mapalundag ako ng basta nalang pumasok si Darton kasama si Draco. Nanliit pa ang mga mata ko ng may kasama silang dalawang babae na hindi ko kilala. Nasaan na si Joyce? "Ngaun ka lang nagising?" Bungad ni Draco sabay akbay sa kasama niyang babae. Umirap muna ako sa kanya at umupo sa sopa sa gilid. " Obvious ba?" Sagot ko. Nilibot ko pa ang mga mata ko ng biglang nahagip si Luther na topless habang prenteng nakatayo sa pinto ng kwarto habang nakataas ang kilay. Napaiwas ako agad ng tingin at napalunok. Kailangan bang ibalandra ang maganda niyang katawan? Given naman talaga na maganda ang katawan niya, e. Bakit kailangan pa niyang ipagsigawan? Ugh! Nagutom tuloy ako bigla. "Lunch na," salita ni Luther. Hindi pa din ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko pa ay nag iinit ang pisngi ko. Sanay naman ako sa hubad na lalaki, e. Pero bakit nailang ako sa kanya? "We drove two hours just to get here, Sasha! gutom na gutom na kami.." maktol ni Darton. Napatingin ako sa kanya ng masama. "Bakit sakin ka nagrereklamo? Nasa akin ba plato?" Iritableng sagot ko. Narinig ko ang pagtawa ng kasama nilang babae kaya napairap si Darton. "Eh, kasi, ayaw kaming pakainin ni Luther hanggat di kapa gising.." patuloy na maktol ni Darton. Agad akong napatingin kay Luther. Okay, baliwala muna ang naghuhumiyaw na 'hotness' niya. "Anong meron? Bat di mo pinkain ang mga hampaslupa na 'to?" Salita ko sa kanya. Natawa naman bigla si Luther kaya sabay na nagpakawala ng mura si Darton at Draco. "Hampaslupa agad?" Draco murmured. "Nagluto ako para seyo, Sasha.. hindi para sa kanila." Natatawang sagot ni Luther. Teka-- nagluto siya? Marunong siya magluto? At para sa akin? Ayan na naman ang puso ko na kumakawala na yata sa dibdib ko. Kakagising ko lang landian na agad? "Mean.." salita ni Draco. "Tangina mo po, Luther!" Salita naman ni Darton. Hindi iyon ininda ni Luther. Lumakad siya palapit sa akin. " C'mon. I'm starving." Walang sabi ay hinila niya ako patayo. Panay pa ang salita ni Darton dahil sa hindi pagpapakain ni Luther sa kanila. Nang nasa dining kami ay lalong kumalam ang tyan ko. Nagasuot na ng puting tshirt si Luther sabay upo sa kabilang dulo. Teka lang-- bakit nagdamit na siya? Akala ko pa naman pwede ko siyang iulam. Hay nako, Sasha! Maligo ka muna bago maglandi, huh? Naiiling akong umupo sa tabi ni Luther habang ang dalawang pinsan ko ay magkaharap katabi ang mga babaeng hindi ko alam kung saan nila nakuha. "Didn't know you know how to cook." Salita ko ng hindi tinitignan si Luther. Ang kasama naman namin sa lamesa ay nawala na yata sa sarili dahil sa sunod sunod na pagsubo. Umirap ako, now tell me na hindi sila patay gutom? "You didn't know anything about me, Sasha.." sagot ni Luther kaya napatingin ako sa kanya. Umiinom siya ng tubig habang ang mga mata niya ay tutok na tutok sa akin. Saglit akong natigilan at nag iwas ng tingin. What was that? "The caldareta's good, dude.." pagbasag ng kathimikan ni Draco. Natawa ng bahagya si Luther kaya lahat ng mata ay nakatingin sa kanya. "What?" Kunot noong tanong ni Draco sa kanya. "It's beef stew, dude.." natatawang sagot ni Luther. "Gosh! I knew it! Ang kulit mo kasi sa caldareta mo.." sagot ng babaeng katabi ni Draco kaya lalo kaming natawa. "Whatever! Laman tyan pa din yan.." umirap si Draco kaya natawa kami lalo. Naging tahimik ulit sa table. I don't know why but I felt little bit awkward. O dahil sa hindi kasi maayos ang itsura ko habang silang lahat ay humahalimuyak sa bango. "Did, Simon--" napatingin ako kay Darton ng bigla itong magsalita. How stupid of me to forgot about Maggie and Simon. "He's in Hongkong, now.." Sagot ni Luther kaya nalalaglag ang panga ko. Kagabi lang nandito siya tapos nasa Hongkong na ngaun? How about Maggie? "Connecting flight?" Tanong ulit ni Darton na ikinairap ng mata ni Luther. "Obviously.." sagot niya. "I'm gonna miss him, thou." Sumubo ulit si Darton. Si Luther naman ay nagkibit balikat lang. Teka nga! What the heck on earth were they talking about? Ilang araw ba ako nakatulog at nawala si Simon. Bakit siya umalis? Is this about Maggie? Uggh! I can't handle the curiousity anymore! Nakakaloka sila! "Saan nagpunta si, Simon? Where's Maggie? Ano ba ang nangyari?" Sunod sunod na tanong ko. Hindi ako pinansin ng mga pinsan ko habang natigilan si Luther at napatingin sa akin ng nakataas ang kilay. "Ano?" Iritableng tanong ko. "Iniisip ko kasi kung ano ang unang sasagutin ko sa dami ng tanong mo." Ngumuso si Luther kaya napairap ako. Pwede naman niya sagutin ng isa isa diba? Kailangan pa talagang mag isip? "Kailangan talaga mag isip pa?" Umirap ako kaya natawa siya ng bahagya. "Simon's left the country to continued his study abroad.." sagot ni Luther sabay igting ng panga. "Maggie left the house to go back to the city.." sagot ulit niya. "And about what happened? I don't know either." Umirap si Luther sa akin. "Happy now?" Masungit na sagot niya. Natawa ako ng bahagya sabay slow clap kaya napakunot ang noo niya. "Very well said," natatawang sabi ko. Nakaktawa kasi ang iritableng mukha ni Luther. Kung ano man ang dahilan ni Simon at Maggie kung bakit nawala sila. Wala na akong magagawa, besides, kaya nga ako pumunta dito to release my stress. Hindi para madagdagan ang stress para sa mga bagay na hindi ko na naman dapat panghimasukan. Minsan, may mga bagay na hindi mo na dapat pinapakialamanan.. I like and care for Simon. Pero wala ako sa posisyon para manghimasok sa feelings niya or sa gusto niyang gawin. Besides, he's a strong guy, Maggie's too. Kung ano man ang nangyayari ngaun, alam kong maayos yan. Lahat naman kasi ng storya may pinagdaanan. Lahat ng happy ever after meron laging hindrance. Pero kung totoo yung feelings mo, whatever hindrance it is, you'll pass through. "Why don't we play, poker?" Basag ni Draco sa katahimikan. Pagkatapos kasi namin kumain ay tumambay kami sa living room nila Luther. Sawa na din kasi kami manuod ng movies. At tinatamad din akong gumala dahil may hangover pa yata ako. Napapalakpak ang dalawang babae nila na tila ba nabuhayan sa sinabi ni Draco. "Geez, that's cool! I'm in." Salita ng katabing babae ni Darton habang nanggigil pa. "Me too." Sagot naman ng babaeng kasama ni Draco. Natahimik silang lahat sabay tingin sa akin. Napataas ang kilay ko. Hindi ko alam kung bakit hinanap ng panignin ko si Luther na nagkibit balikat lang sa akin. "What, cous?" Salita ni Draco. "Anong what?" Sagot ko. "Duh!you in?" Tanong ulit ni Draco. "Nah, I'm going to watch you guys.." pumikit ako at sinandal ang ulo sa backrest ng sopa. They murmured something pero hindi ko na binigyan pansin. Masakit ang ulo ko at wala ako sa mood para magsugal. Besides, hindi ako magaling sa sugal. "We're in." Nagulat ako ng hinila ni Luther ang kamay ko dahilan para mapatayo ako. Tumili ulit ang dalawang babaemg kasama nila habang natatawa ang dalawang unggoy na pinsan ko. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Luther. Nagkibit balikat siya. Inupo niya ako sa poker table sa gilid tsaka niya kinuha ang isang kahon sa ilalim nito na may laman baraha at chips. "We're going to gamble.." kumindat siya sabay latag ng chips. "Gamble?" Ulit ko. Lumapit na sila at nagpapalit ng chips. Draco and his girl bought 200 thousand chips. Same as Darton and his girl. "What about you, Sahsha?" Bulong ni Luther sa tainga ko kaya tila ba kinilabutan ako. "Bakit ako?" Nagtatakng sagot ko. "Ikaw ang mag finance, ako ang maglalaro." "Are you crazy?" Halos mapatayo ako sa upuan. 200k? Ako ang maglalabas? Adik ba siya? Natawa ng bahagya si Luther. Hindi ko alam kung naririnig nila kami o talagang wala silang pakialam. "I don't have cash here, trust me." Pumungay ang mata ni Luther kaya bigla akong nanlambot. Sa itsura niya ngaun ay para bang ibibigay ko kung ano man ang hihilingin niya ngaun. Dang! "Okay.. but we will play." Sagot ko sabay kuha ng bag ko. Mabuti nalang at nagwidraw ako bago umalis sa city. Alam ko naman kasi na hindi ako ililibre ni Luther! Nuknukan kaya ng kutipot 'to. "As you wish.." sagot niya na malaki ang ngisi. Tengene, Sasha! Ano bang kabaliwan ang ginagaw mo? Nevertheless, sumugal pa din ako. May tinawagan si Luther na mabilis lang din nakarating. To be fair with the game siya daw ang magiging dealer. Ten/twenty thousand ang stakes. Sa edad namin? Hindi ako makapaniwala na nagsusugal kami ng ganito. Nagpamigay na ng baraha ang dealer. Magkahiwalay naglaro si Darton at babaeng kasama niya habang magkasama naman si Draco at babaeng kasama niya. And ofcourse, kami ni Luther. Binuklat ni Luther ang cards. Halos mapamura ako ng 2-4 ang baraha na napunta sa amin. Sa poker, you'll possibly win kung high cards ang hawak mo. It's very rare na isugal ang 2-4. First bet was Draco and his girl. "Raise-- 40 thousand." Sagot ni Draco. Napalunok ako bigla. "Call," sagot ni Darton at sumunod ang babaeng kasama niya. Lalo akong naghina at kinabahan. Darn! This is why I hate gamble! Binibigyan ka niya ng kakaibang pakiramdam na kahit ikaw mismo ay hindi mapaliwanag. Panlaban ba sa 40 thousand ang 2-4? Luther should fold. "Call," sagot ni Luther sabay tulak ng chips sa harap. Nalaglag ang panga ko. "Bakit nag call ka?" Bulong ko sa kanya. "We have sets.." sagot ni Luther. Tutok na tutok siya na tila ba pinapakiramdaman ang mga kalaro niya. I watched Luther played. Sumusugal talaga siya. Pero, pera ko ito! And it'll suck bigtime kapag natalo ako. "Anong set? Ang baba niyan." Bulong ko ulit. Nag igting ang panga ni Luther at tila ba nairita sa akin. "Trust me, Sasha.." sagot ulit niya na hindi ako tinitignan. First three cards were, King, five, Ace.. Ang taas ng cards na lumabas. I told Luther na wag na ilaban! "Raise, 50 thousand." Sagot ni Darton. Nag fold si Draco pero nagcall ang babaeng kasama ni Darton. "Fold it." Sagot ko. Tumikhim si Luther at hindi ako pinansin. Nalaglag ulit ang panga ko ng nag call siya. What the? "Call," sabay tulak ng chips sa harap. Kalmadong kalamado lang si Luther habang parang aatakihin na ako. Ang laki na ng pot sa gitna. Nagpakawala ng mahinang mura si Darton. Binuklat na ng dealer ang turn, ang pang apat na baraha. It was nine. "Raise, 60 thousand." Sagot ulit ni Darton. Nagfold na ang babaeng kasama niya. So it's Luther's turn. "Fold it, too." Bulong ko. "No." Matigas na salita niya. Hindi ko alam kung bakit ako nairita. Pera ko ang sinusugal niya kaya siya ganyan? Walang pakialam? Bigla kong inagaw ang baraha sa kamay niya na ikinagulat niya. "Fold." Sagot ko. Natawa ng malakas si Darton habang seryoso si Luther na tila ba kakainin ako ng buhay. Binuklat ng dealer ang river, ang pang limang bahara which made me shock. It was 3. Panalo sana kami.. panalo sana kami kung di ko finold. We were straight. Binaba ni Darton ang cards niya kaya lalo akong natulala. He has nothing! Queen at Jack ang baraha niya! Bluffer! "Sorry, guys.." natatawang sabi ni Darton. Nag igting ang panga ni Luther sabay tayo sa mesa. Now I understand kung anong set ang sinasabi niya. f**k! "You should take the risk, cous." Naiiling na salita ni Draco sa akin. Lumakad si Luther na walang kibo palabas ng living room. I felt, ugghh! Okay, I'm so guilty sa pangengealam sa kanya. "Luther," tawag ko sa kanya. Huminto siya ng bahagya sabay baling sa akin. Sobrang gulat na gulat ako sa emosyon niya ngaun. Dissapointed, iritably, etc.. "Why it is so hard for you to gamble with me, Sasha?" Seryosong tanong niya. I can't utter any words. Ughh! What does he mean? Huminga ng malalim si Luther sabayan ng pag iling. "Nevermind.." tumalikod ulit siya at tuluyan ng naglakad palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD