Our thing

2025 Words
"You in?" Napatingin ako sa kanya habang hawak ang labi gamit ang daliri niya. Dinala kami ni Luther sa Malolos kung saan may isang lugar na dikit dikit ang mga clubs at bars. "Asan ba tayo?" Nauna na kasi si Simon at Maggie sa isang bar pero nakaupo lang sila sa labas. May sinasabi si Simon sa kanya pero si Maggie ay hawak hawak lang ang cellphone niya. Kakainis! Ako itong nagkakandarapa na pansinin ni Simon pero siya binabalewala lang niya. "Anong lugar 'to?" Tanong ko habang nililibot ang mga mata. Natuwa pa nga ako sa mga nagtitilian sa dulo kung saan may bubble party. "We're in Cavanas.." salita ni Luther. Ngumingisi pa nga si Luther sa mga babaeng napapatingin sa kanya. Grabe! Talagang dress to kill ang peg dito? Naka short shorts lang kasi ako at tank top na pinatungan ko ng blazer. Tumango ako. Maganda ang Cavanas.. para siyang isang party district na buhay na buhay sa gabi. "You in?" Bigla akong inakbayan ni Luther. Kumunot ang noo ko at hinarap siya dahil nagtataka ako sa sinasabi niya. "Anong in?" Tanong ko. Napabuga siya sa hangin na para bang nairita sa sinabi ko. "The flirt night. Ano? Game ka?" Tinaasan niya ako ng kilay. Tumaas din ang kilay ko. Seryoso pala talaga siya sa flirt night na 'yan! Akala ko kasi kanina ay binibiro niya lang ako. Tanungin ko ba naman kung ano ang mapapala ko sagutin ba naman ako ng siya. Ang adik lang diba? Ano naman ang gagawin ko sa kanya? "Kung ikaw lang ang mapapala ko, No! Thank you.." tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Alam mo bang maswerte ka kapag ako nakuha mo?" Ngumuso si Luther kaya napailing ako. "Alam mo bang mamalasin ka kapag nagkatuluyan tayo?" Sagot ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko ang nasabi ko. Did I just say magkatuluyan? "So, gusto mo pala na magkaroon ng tayo?" Naglaro ang maharot na ngiti sa labi ni Luther kaya umiwas ako ng tingin. "Pwede ba, wag mo akong landiin?" Nagmartsa ako at nagpatiuna na maglakad. Tumawa ng malakas si Luther na tila ba walang pakialam sa mga taong nakatigin sa kanya. Kumakalabog na naman kasi ang puso ko. Bwiset! Diba lahat naman ng rules may exemption? Hindi ba ako kasali 'don? Hindi ako dapat maniwala kay Luther. Wake up, Sasha! Kapag nahulog ka kay Luther ay mawawasak ka lang.. hindi si Luther ang tamang lalaki para mahulog ako. At naiinis ako dahil kahit alam kong normal lang siya eh naghuhurumentado ako. Pumasok kami sa isang bar. Bumungad ang hiyawan dahil sa ingay ng kanta ng banda sa gitna. Yumugyog bahagya si Luther sabay abot ng alak sa dumaan na waiter.. "Game?" Gumilid ako sa bar at kumuha ng Margarita. Lumagok muna ako bago tumango sa kanya. Eto na ito eh.. kailangan kong malibang ang sarili ko at ibalik sa dati. Kailangan kong patulan si Luther para hindi ako masyadong mahulog. Ngumisi si Luther.. "Nice.." sabay kaming napatingin sa grupo ng mga kababaihan sa gilid na nagtilian. Namataan ko ang isang mahinhin na babae sa grupo. Yung tipo ng babae na iyon ang hindi madaling ma-landi. She looks like a modern Maria Clara, thou. "See that girl?" Nginuso ko kay Luther ang babaeng tahimik lang sa grupo na nagtilian."ahuh, what about her?" Lumagok ulit ng alak si Luther. "Take her to the dance floor and kiss her.." salita ko. Alam na alam ko ang tipo ng ganoong babae.. Luther might lose the first round because of her. Tumawa siya ng bahagya.."No sweat.." mayabang na sabi niya. Bahagya akong kinabahan. Hindi ko pa din hawak ang utak ng babae na iyon. First impression ko lang naman na hindi niya papatulan si Luther. Pero, Luther is professional doing things unprofessionally. Alam na alam niya kung paano kumuha ng babae ng walang hirap. Sabagay, sino ba naman ang hindi makukuha ni Luther! Greek God is flirting you, aarte ka pa ba? Magmamaganda ka? Lumakad si Luther sa gawi ng mga babae. Gumilid pa siya para masigurado na makikita ko ang ginagawa niya. Ngumuso ako ng biglang nagtilian ang iba. Ngumiti si Luther at hinaplos ang buhok. Damn! Galawan fuckboy mode on. Tumingin siya sa akin at nagkibit balikat. Umirap muna ako at nginuso ang babae na target niya. Medyo lumakas pa nga ang loob ko ng hindi pa din nagbago ang expresyon ng mukha ng babae. Dinala ko ang Margarita na hawak ko para mapalapit sa kanila. Umupo ako sa katabing couch para madinig ko ang pinag gagawa ni Luther. "Hi,umh-- can I join you guys?" ngiting ngiti si Luther na tila ba pinapakita ang pang close up commercial na ngipin niya. Ang pabebe pala maglandi ni Luther. 'Can I join you guys his face' kanina pa kaya siya jumoin tapos ngaun lamg nagtanong? "Of course," isang babae na maputi at halos lumuwa na ang dibdib sa dress niya na hapit na hapit. "Panong pag join ang gusto mo?" Pahabol ng babae. Gusto kong matawa ng malakas ng lumunok si Luther. Hindi ko kasi maipinta ang mukha niya. Hindi ko din maipaliwanag kung gusto niya bang sunggaban ang dibdib ng babae o gusto niyang masuka sa sobrang laki nito. Luther chuckled sexily. Nakakairita! Ang galing galing niya talaga sa ganitong forte. "Easy there pumpkin," salita niya kaya napabuga ako ng iniinom kong Margarita dahil natawa ako ng malakas. Narinig ko pa ang mahinang mura ni Luther sa likod ko. Magkatalikod kasi kaming dalawa kaya rinig na rinig ko iyon. "Pumpkin huh?" Tawa pa din ako ng tawa. Gosh! This is fun I'm longing for.. At ano na ang nangyari sa 'babe' ng bayan? Nagtawanan din ang mga kasamang babae nila.. "drop it, Elena.." salita nila. Hindi nagpaawat yung babae at talagang tumabi pa kay Luther.. Umayos ako ng upo sa gilid para maharap na ako sa kanila. Kita ko ang bored na expresyon ng babae na target niya. She isn't even looking at Luther. Mukhang malaki ang pag asa ko manalo. "So, what is your name, cutie?" Patuloy na salita ni Elena. Nag iilingan pa nga ang mga babae na kasama niya sa guts ni Elena kahit pinaramdam na ni Luther na wala siyang interest sa kanya. "What's her name?" Salita ni Luther habang nakatingin sa target. Natahimik ang buong grupo nila ng ilang mimuto at sabay sabay na natawa. "Jeez, are you blind? She's manang.." ngumuso si Elena at umirap nagtawan pa din ang grupo. She's a typical spoiled brat slut. Sorry girl, hindi ka tatalab kay Luther for now, you should've listen to your grupie. Nagtaas na ng tingin ang target kay Luther kaya napatutok ako ng usto sa kanila. "Hi," bati ni Luther sa kanya. Blangko lang ang emosyon ng babae. Still, her face slightly blush. "Are you seriously into her?" Halos maghesterical si Elena. Bumuntong hininga si Luther. "Yeah, so what?" Iritadong sagot niya kay Elena kaya nalaglag ang panga nito. How rude.. "Elena, drop it! Hindi ikaw ang gusto.." sigaw ng isang babae sa kanya. "I don't care! He's choosing Dalan over me? This is absurd." Padabog na tumayo si Elena na sinundan ng mga kasama niya. Naiwan na si Luther sa target na ngaun ay nakatingin sa kanya. "Sorry.." malambing na salita ni Luther kay Dalan. "Okay lang," malamig na sagot nito. Oh no! She's starting conversation now, huh? Don't fail me girl.. "Bakit kapa nandito?" Sagot ni Dalan sabay lagok ng tubig. "Coz' I like you.." walang abog na sabi ni Luther. Napaiwas ako ng tingin, ng may kung ano kasi na kumirot sa dibdib ko ng binanggit niya ang 'I like you' is this what? Ugh! Why are you feeling this towards him, Sasha? Napaayos ng upo si Dalan. " y-you w-what?" Halos magkandautal utal siya at pumula ang mukha na parang kamatis. I want to pull Luther now dahil sigurado akong mananalo siya. "Don't doubt me, babe.. I like you.. hindi kaba naniniwala?" Binasa ni Luther ang labi niya which made him looks hotter. Hindi na makasalita ang babae. Ugh! Akala ko hindi agad siya bibigay pero eto ngaun at mukhang luluhod pa siya sa harap ni Luther. "Why me?" Salita ni Dalan sa kanya. Dalan is pretty. Hindi lang siya masyadong upadated sa fashion at medyo tahimik. Nevertheless, may ibubuga naman ang mukha niya. "Why not you? You're the prettiest among your group." Seryoso si Luther na tila ba totoong totoo ang sinasabi niya. Is this how he get girls? Bakit may bumabaliktad sa sikmura ko ngaun? Bakit nakakaramdam ako na nagseselos ako? "You lying.." umirap si Dalan. Woah, attitude huh? Humalakhak ng bahagya si Luther. Hindi siya nabothered kay Dalan. Para bang alam na alam niya ang gagawin sa ganitong situation. "I'm not, Elena almost throw herself to me but I push her..you saw it, because it's you I really want. " matigas na ingles ni Luther. Nawala na ang ngiti ko. I can't handle myself seeing Luther this way.. na para bang seryosong seryoso siya. Gusto ko nga siyang lapitan at sabihan na, 'Hey fuckboy! This just a game. Why so serious?' pero di ko magawa. "To prove it to you that I'm telling the truth, lets dance so everyone will see that I really like you.." inilahad ni Luther ang kamay niya kay Dalan na nakakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong tamang emosyon ang dapat kong ibigay sa kanila. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko bigla. Lumawak ang ngiti ni Luther ng tinanggap ni Dalan ang kamay niya. That's the cue that I lost this round! Fuckboy talaga siya. Edi siya na panalo! Kakainis! Pumunta sila sa gitna dahil malumanay na ang tugtog. Kinawit ni Luther ang kamay niya sa beywang ni Dalan na bahagya pang napasinghap. Umiwas ako ng tingin sa kanila habang marahan na nagsasayaw. Hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko na nagseselos ako! Nagseselos ako sa ginagawa ni Luther ngaun. Umingay ang paligid ng nagtilian ang mga kasama ni Dalan. The last thing I saw is Luther's lips on Dalan's. Bumalik ako sa counter para itext si Simon. Nagreply naman siya na susunod na sila ni Maggie kaya napanatag ako. Bumalik ang music sa maingay kaya nagkagulo na naman. Kasabay non ang paglapit sa akin ni Luther na nakataas ang kilay. "Got the girl," ngiting ngiti siya kaya umirap ako. "Nakita ko, hindi ako bulag.." oh-- just great Sasha! Suck your sarcasm. Kumunot ang noo niya sa akin kaya napaayos ako ng upo. Medyo nanliit pa nga ang mga mata niya. " Why so grumpy, then? "Umiwas ako ng tingin dahil tila ba sinusuri niya ang expresyon ko. I'm so sorry Luther. Hinding hindi ko ipapakita seyo ang nararamdaman ko. "Your turn, sweetheart.." napasinghap ako ng bigla akong akbayan ni Luther. Nakatingin siya sa isang lalaki na nakaupo mag isa sa couch. Pakiramdam ko ay namawis ako bigla. What the hell is this f*****g feeling? I shouldn't feel this. "Why can't you call me, babe instead?" Sagot ko sabay lagok ng alak. Tutal, lahat ng babae ay babe ang tawag niya. He shrugged.. " I calls everyone babe, then it wouldn't be our thing." Nakangiting sagot siya. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. At gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nakakaramdam na naman ako mg kakaiba! "Our thing?" Sagot ko. Bakit kailangan namin ng 'our thing?' May ano? Luther won't settle for anyone. Bakit ginagawa niya sa akin ito? Nakit pinaparamdam niya sa akin ito? "Yes, our thing , Sasha.." sagot niya sabay lagok ng alak. "You're flirting me right?" Nanginig ako ng bahagya. May parte kasi sa sarili ko na gusto kong maniwala. Sumeryoso si Luther sabay hawak sa baba ko para magkaharap kaming dalawa. Ang brown na mga mata niya at matangos na ilong, kasama ng mamasa masang labi niya ay nagbigay dahilan para hindi ako mapaiwas ng tingin sa kanya. "You're my favourite person to flirt with, Sasha.." kumindat siya tsaka humalakhak ng mahina. Ang puso ko ay parang bumaligtad sa sobrang bilis ng pagtibok. Nagpunta siya sa gitna para makihalubilo sa iba. He left me dumbfounded. Jerk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD