Napahawak ako sa ulo ko ng makadama ako ng matinding kirot. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakaalis sa hotel at kung nasaan ako ngaun. Nanaginip ba ako kagabi? Tama! It was all dream. Tumayo ako para sana mag-ayos ng sarili ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. "Umh.. gutom ka?" Bungad ni Draco. Nakatunganga ako sa harap ni Draco. Malamlam ang mga mata niya habang puno ng habag na nakatingin sa akin. Umiling ako. "Nasan si Luther?" Tanong ko sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkahilo at pagbaligtad ng sikmura kaya mabilis akong tumakbo papasok ng cr. Halos lumabas lahat ng bituka ko sa sobrang pagususuka na ginawa ko. Naalala ko na hindi pa pala ako kumakain ng kahit ano mula kagabi. Naghilamos ako at lumabas ulit ng silid. "Ayos ka lang ba?" Puno ng pag-aalala si Draco. Pagod ak

