Dela Fuente

2728 Words

Dumating ako sa hotel na punong-puno ng tanong ang isip. Sa dami ng nangyayari sa akin ngaun ay hindi ko alam kung ano ang una kong haharapin. Isinantabi ko muna ang pag-aalala kay Luther dahil may bagay pa ako na dapat harapin at tapusin. Bumungad sa akin ang engrandeng lounge ng hotel. Madaming tao ang may kanya kanyang ginawa. Pakiramdam ko ay bigla akong naligaw sa hindi ko malaman na dahilan. "Sasha," napabaling ako kay Draco na nakahalukipkip sa labas ng pavillion where the party will be held. Hindi pa ito nagsisimula kaya watak watak pa ang mga kamag-anak ko na literal na nandito sa lugar. May ilan din akong media na nakita kaya nanliit ang mga mata ko. "Bakit may media?" Halos mag-hesterical ako. Draco shrugged. "hindi ko alam.." Hindi ko alam kung bakit ayaw kong pumasok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD