Maraming booth ang bumungad sa akin pagpasok ko ng university. Anniversary kasi ng university kaya one week ang events at activities. Malapit na din ang graduation kaya abala kami sa pag-aayos ng mga requirements. Ang sabi pa nga ni Luther ay uuwi si Simon next week kaya kailangan namin sunduin. Namin. Until now nagugulo pa din ako kung nagpapanggap pa din si Luther o totoo na. He's been good lately. Palagi kaming magkatext o di kaya ay magkasama. Para ngang hindi ko na kayang mabuhay na wala siya. "Nasan si Luther?" Kalabit ko kay Darton na apura ang pagtira sa shooting birds na booth. Panay pa ang mura niya dahil palaging sablay ang tira niya. "Don't know.." kibit balikat niya at humawak ulit ng baril barilan at umarte na parang propesyonal. Umirap ako at kinapa ang cellphone sa

