“Vionne, okay ka lang?” siko ni Jearaine sa kanya. “A-Ayos lang ako.” tila nahihirapan na sagot ni Vionne. Hindi pa rin siya nahihimasmasan dahil sa atake na ginawa ni Driane. Kung matagal ng walang relasyon sina Aldrin at Driane, bakit pa siya ginugulo ng babae? Hindi niya rin natanong kay Aldrin kung pang ilang katipan ba nito si Driane. Kung ito ang huli bago naging sila ni Aldrin, posibleng hindi talaga nito matanggap na hiwalayan siya ni Aldrin kung siya man ang rason. Pero ayon naman kay Aldrin ay nahuli niya itong nangangaliwa. Kung totoong nahuli ni Aldrin ma Driane is cheating, bakit parang hindi alam ng babae at naghahabol pa rin ito sa kanya? Inabot naman agad ni Kerleen ang tubig na hiningi niya sa counter. “Here, palagay ko may pakay talaga sayo ang babaeng iyon. Hindi m

