Tatlong buwan ng buntis si Vionne. Nagsisimula ng mapansin ang umbok ng kanyang puson. Sa tuwing bibisita siya sa office ni Aldrin, ang iba ay tumataas ang kilay lalo pa't kahit buntis na ay seksi pa rin siyang tingnan kahit na medyo usli na ang kanyang puson sa suot na stretchable leggings. Komportable siyang magsuot ng mga cotton pants at leggings na madalas ternuhan ng spaghetti strap o kaya at fitted shirt. Madalas niya itong parisan ng sneakers na puti. Ngunit ngayong araw, isang maluwag at mahabang skirt ang suot niya. Balak niyang mag shopping window mamaya. Napangiti si Vionne sa kanyang binabalak. Ang ibang empleyado ay hindi siya kilala. Ang iba naman ay sanay na sa kanyang presensya. Hindi na rin gaanong maselan ang pagbubuntis ni Vionne kaya medyo nakakakilos na siya ng ma

