May mga kumikilos na upang alamin at imbestigahan ang totoong nangyari sa aksidente bukod sa mga.pulis na napakabagal ng usad ng imbestigasyon ngunit wala pang tamang detalye at witness. Ayon sa private investigator ni Aldrin, malabo ang mga kuha sa public surveillance camera at hindi matukoy ang driver ng nasabing sasakyan. Puyat na puyat sina Aling Selina at Aldrin kahit na halinhinan na nagbabantay kay Vionne. Halos ayaw nilang ma-miss ang minuto o oras na posibleng magising ang asawa. Mas madalas mamalagi si Aling Selina sa chapel ng ospital at si Aldrin naman ay nakakatulog sa sofa kung minsan. Mabuti na lang at nailipat agad sa private room si Vionne dahil hindi naman nanganganib ang buhay nito. Walang oras na hindi tumutulo ang ang luha ni Aling Selina lalo pa't iniisip ang kala

