“A-Ale, bakit ho malaki ang tiyan ko?" tanong ni Vionne sa ina. Napalis ang ngiti nina Aldrin at Aling Selina hindi dahil sa nakakapagsalita na ito kundi nang tinawag niyang Ale ang sariling ina. “A-Ale? V-Vionne, a-ako ang nanay mo. Ina mo ako at…at…kaya malaki ang tiyan mo d-dahil b-buntis ka…” halos mangatog ang tuhod ni Aling Selina. Mabuti na lang at naaalalayan ito ni Aldrin. “B-Buntis? Anong buntis? Aldrin, bakit ganito ang tiyan ko?” baling naman ni Vionne kay Aldrin na naumid din ang dila. Titig na titig si Vionne kay Aldrin, awang ang bibig at tila hinihintay ang sagot ng mga kaharap. Hindi naman alam ni Vionne kung bakit lumuluha ang ale na kaharap niya. Ang lalaki naman ay parang gusto na ring maiyak. Hindi na lang niya kinukit ang mga ito. Hindi makapaniwala si Aldrin na

