Isabela Back to work na naman ako. Its been a week since nakauwi kami ni Caine. Ako ang sobrang busy sa aming dalawa. Siya kasi, kahit anong layo ng shooting place nila ay mas gugustuhin nito ang umuwi sa bahay. Lagi ko nga siyang pinagsasabihan pero hindi ito nakikinig. "Heto na pala 'yong mga pina-gather mong information about sa father ng kaibigan mo. Aanhin mo ba ang mga ito?" tanong ni Lewis habang naglalakad ito palapit sa aking mesa. "I just want to know something, Lewis." sagot ko dito at inabot na ang envelope na inilapag nito sa mesa. "Don't involve yourself, Isabela. You're digging into a hole that you can't never escape. Malaking tao ang kinukuhanan mo ng impormasyon. He's a powerful man all around Asia. You're invading he's privacy, Isabela" he seated across my table whil

