Isabela Huling araw namin dito sa probinsiya. Kinabukasan ay uuwi na kami ng Manila. I invited Rhed and Desiree to come over para makapagkwentuhan kami bago man lang umalis. We decided to go picnic sa tabing ilog na sinang-ayunan ng lahat. "Mamimiss ko na naman ito kapag nakauwi na ako ng Italy." bulalas ni Desiree habang nakatunghay sa ilog. "Akala ko ba hindi ka na babalik doon?" kunot-noong tanong ko. "Something came up at kailangan kong bumalik doon." malungkot na sagot nito sa akin bago umupo sa may batuhan at tinampisaw ang paa sa tubig. Ginaya ko siya, "hanggang kailan ka doon?" "I dont know how long. I can't say." kibit balikat nitong saad at iginalaw-galaw nito ang paa sa ilalaim ng tubig. "Akala ko ba makikipagdate ka pa sa kaibigan ng asawa ko?" tukso ko dito. "I can't

