Isabela Napabangon ako sa kinahihigaan ko ng magising ako sa isang kuwarto na hindi pamilyar. This isn't an hospital too. Kinapa-kapa ko ang aking katawan kung may mga sugat ba ako o kung ano. Pero laking pagtataka ko ng wala kahit isang galos man lang sa aking katawan. Maliban na lang siguro sa sumasakit na gilid ng aking labi. "Where am I?" unang tanong na namutawi sa aking bibig. Napapikit ako at pilit na inalala ang nangyari. Pero napamulat din ako agad ng maalala ko na hindi pa pala ako ligtas. Unang pumasok sa isip ko ay ang makatakas. Mabilis akong bumaba ng kama at nagda-dahan-dahan akong dumiretso sa pinto at sinubukang buksan. Napalaki naman ang mga mata ko ng magclick ang seradura nito. Hindi ko alam kung coincidence lang ba o sadyang bukas talaga. "Thank you, thank you Lord

