Caine It's been a week after the burial and I felt like I'm with her on the ground. Gusto ko na ring mawala. Gusto ko na siyang sundan dahil hindi ko kayang wala siya. Sa isang linggo na 'yan, wala akong pinalagpas sa pag inom. Araw-gabi akong laman ng mga bar. Uuwi lang ako para magpahinga sandali at maligo tapos babalik din ako agad sa bar. Gusto kong lunurin ang pangungulila ko sa alak. Many girls come and join me pero nakakailang minuto pa lang sila sa tabi ko ay hindi na bumabalik. O kaya naman ay tatabi sila sa mga kasama ko. Napapailing na lang ako basta nangyayari ang mga 'yan. Just like tonight. May isang seksing babae ang lumapit sa akin. Hinayaan ko lang siya and tell her to get the drinks she wanted. Napangiti ito at hinalikan ako sa pisngi na agad kong ikinaiwas. "Don't

