Magenta Busy ako ngayon dahil sa conference na pinuntahan ko dito sa America. Until now, hindi pa din ako nakakauwi. Pero mas gusto ko munang dumito para maalis kahit papaano ang stress na nararamdaman ko. Nakatingin ako sa mga building na nasa harapan ko at napabuntong hininga na lamang. "When will they get tired of fixing a marriage for me? Nakakapagod na sila. Madali ko namang lusutan 'yong iba pero bakit this one. I can't." nafrufrustrate na sambit ko at napahawak sa railings ng terrace. Napapikit na lang ako at lumanghap ng hangin. Nasa ganoon akong posisyon ng magring ang phone ko. Napangiti agad ako dahil alam ko kung sino ang tumatawag sa akin. Kahit nakapikit ay kinuha ko sa aking bulsa ang phone at sinagot ito. "Hey, Baby..." nakangiting bungad ko. "How are you my Baby?" I

