Chapter 5

1939 Words
Isabela "My God! I can't believe, I accepted this case! He makes me super annoyed!" bulalas ko sa sarili ko at nahahapong napaupo sa swivel chair ko. Sa ilang araw naming pagsasama, panay lamang ang titig nito sa akin at pagsasabi nito nang nararamdaman niya towards sa akin. Kahit wala itong appointmemt sa akin ay lagi itong nasa opisina ko. Just like now. "What do you want, Mr Valdez. We don't have any appointments for today." walang emosyong tanong ko dito na nginitian niya lamang. "I came here to treat you for lunch." aya nito na ikinabuntong hininga ko. Ano ba ang gusto nito at bakit pabalik-balik na lang ito sa opisina ko. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa case nito dahil nakapag-imbestiga na pala ang kaibigan niya. At malaki ang naitulong nang nakuha nitong impormasyon para sa kaibigan niya. Kaya petics-petics na lang ako dahil sigurado na akong maipapanalo ko ang kaso even when I close my eyes. Sa video pa lang nila ay tagilid na. Napabalik nalang ako sa huwisyo ko ng magsalita ulit ito. "Is it a yes?" nakangiting tanong nito. "No need. I can buy my own. Saka may lakad ako." hindi tumitinging sabi ko. Hindi ko nakita ang paglungkot ng mukha niya. "Okay, maybe tomorrow?" nakangiti pa ding  tanong nito na agad ko na namang inilingan. "Nope, I have meetings." "The day after tomorrow." hindi nawawalan ng pag-asang sabi nito. "We have appointment that day. So, okay." sagot ko at tinuloy na ang pinipirmahan kong papeles. Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin. Pagtingin ko dito ay nakatayo pa din ito sa harap ng mesa ko. "Uso ang umupo, Mr Valdez." baling ko dito at ibinalik muli ang paningin sa aking ginagawa. "Bakit npakahirap mong kaibiganin?" tanong nito na ikinatingin ko at ibinaba sa mesa ang ballpen na hawak ko. "It seems na hindi lang pakikipag-kaibigan ang balak mo. You want to go further. Sorry to say this, but I dont have time for that matter. So, cut that crap." seryosong saad ko sa kanya. "Is it hard for you to like me?" malungkot na tanong nito. "No. it's just that, it's not my thing. At wala pa sa plano ko ang sinasabi mo. Guwapo ka, Mr Valdez but..." tinignan ko ito mula ulo hanggang paa bago ulit ako nagsalita. "...I dont like you." diretsahang amin ko dito. "Ang sakit naman. You didnt even give me a  little chance." nagkibit balikat ako sa kanya at pinulot na ang ballpen sa mesa. "I can prove to you that I'm worth the chance." "Stop. Just stop!" mariing sigaw ko. Mararamdmaan mo sa boses ko ang pagkairita. "I d0nt want to be rude dahil kliyente ka namin. But, you're starting to irritate me. Sa totoo lang." pag amin ko dito dahil hindi ko na makayanan ang stress na binibigay niya sa akin. "Sorry," nakayuko ito habang humihingi ng sorry sa akin. Bigla naman tuloy akong naguilty kahit wala naman akong ginagawang masama. "Don't be sorry. Just act professional. Please," pakiusap ko. "I'll try." "Dont try, Mr Valdez. Do it." seryoso kong saad. "I want to be honest with you. Ngayon lang ako nainis sa mga nakasama ko sa trabaho. At ikaw yung taong kinaiinisan ko right now. Just saying. Ayoko kasing maging plastic."  nakita ko ang pagbaba nito nang tingin sa sahig bago nagsalita. "Ahmm-- I need to go. Again, I'm sorry." bigla na lang itong tumayo at halos hindi na makatingin sa akin. I felt really guilty right now. Magsasalita pa sana ako, kaso bigla na lang itong tumalikod at nakayukong lumabas ng pinto. Hindi ko naman aasahang ganyan ang magiging reaksiyon niya sa mga sinabi ko. I'm just being honest here. Ayoko kasing umasa ito. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari. Ayoko kasing makipagplastikan din dito. It's better for him to know na naiinis ako sa kanya para alam na nito ang gagawin. Nasanay akong lahat ng kliyente ko ay puro trabaho lang ang nag-uugnay sa amin. But now, he always tell me that he likes me. Na kesyo tinamaan daw siya sa akin ng matindi. Na mahal niya daw ako. "Mayroon bang ganoon? Dalawang linggo pa lang kaming magkasama pero mahal na daw niya ako? Kalokohan!" umiiling na sambit ko at pinagpatuloy na lang ang pagpipirma ko sa mga papeles. Papatapos na ako sa ginagawa ko ng bigla na lang may kumatok sa pinto at pumasok ang bestfriend ko. She's really gorgeous habang naglalakad ito palapit sa sofa. "Hi, Bebz. Hindi mo na ako binibisita sa bahay at hindi na din tayo nagkikita. Kaya napag-isipan kong dalawin ka na lang dito at yayain kang kumain sa labas." she's my bestfriend since college. Masayahin, matalino, palakaibigan at higit sa lahat ay maganda katulad ko. She owned a publishing company world wide. Sa kanya ako laging kumukuha ng books na kilangan ko. She's rich but you can't see it in her posture. Mas pinipili nitong magsuot ng mga simpleng damit kaysa sa mga binibili ng mga magulang niya para sa kanya. I'm confuse right now kaya pinakatitigan ko ito. "Hmmm... I don't seem convince." seryosong sabi ko at tinaasan siya ng kilay. I know her. Hindi ito bigla na lang susulpot dito kung wala itong problema. Bago kasi ako niyan puntahan ay tumatawag muna ito. This time ay wala akong natanggap na tawag or even a single text saying na pupunta siya dito. And i'm worried. "Fine." pasalampak itong naupo sa sofa at nakasimangot na nakatingin sa akin. Itinaas pa nito ang dalawa nitong paa sa sofa. I'm uaed to it kaya hinahayaan ko lang. "I'm waiting, Magenta." sambit ko at tinapos muna ang dalawang pahina ng documents na pinipirmahan ko bago ko inayos lahat ng papeles at ipasok ulit ito sa envelope. Nang makita ko pa ang ilang envelopes at folders ay napabuntong hininga na lang ako. "It's about Daddy again." simula nito. Hindi na ako nagtaka dahil ito naman lagi ang sinusumbong niya sa akin. "What is it this time?" tanong ko at tuluyan nang lumapit dito at umupo sa kaharap nitong upuan dahil sinakop na nitong lahat ang mahabang sofa. Nang makaupo na ako ay  umayos ito ng pagkakaupo bago siya tumingin sa akin at magsalita. "She wants me to meet my soon to be husband."  bagsak ang balikat na sabi nito sa akin na ikinagulat ko. "Soon to be husband? Are they fixing a marriage for you?" kunot-noong tanong ko dito at lumipat sa tabi niya. "Yes, they want me to marry that arrogant guy!" galit na sabi nito. "And they want the wedding two months from now. f*****g life!" bulalas nito at hindi nito mapigilang hindi mapaiyak. "That soon? Baka naman may reason sila? Have you talked to your parents about this?" tanong ko habang hinahagod ko ang likod nito. "They dont listen to me. There decission is final. Wala na daw akong magagawa pa." humahagulgol na ito habang ang dalawang kamay nito ang pinantakip nito sa kanyang luhaang mukha. "What can I do, Magenta? Do you want me to talk to them in your behalf?" tanong ko habang inaalo pa din ito sa kanyang pag-iyak. Ito ang unang beses na umiyak siyan nang ganito katindi. Gusto ko man siyang tulungan, hindi ko naman alam kung paano. Umiling ito. "Wala din silang pakikinggan dahil buo na ang desisyon nila." mas lalo itong napaiyak sa sinabi niya. "What do you want to do then?" pagpapalubag loob na tanong ko dito. Nag-aalala ako sa maari nitong gawin sa sarili. Minsan lang ito magkaroon ng ganito kabigat na problema. And I want her to be okay. Kahit alam ko na mahirap itong gawin. "Stay with me, Bebz. Samahan mo akong maglasing." nagulat talaga ako sa hiningi nitong pabor. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Pero ang maglasing? Parang hindi ko ata kaya 'yon. Parehas kaming hindinkilala ang alak. Paano naman sumagi sa utak nito ang maglasing? Is she serious about it? Maloloka ata ako. "Maglalasing? Kaya ba natin 'yon? Eh hindi nga tayo nakakatikim ng tunay na alak dahil puro tayo chocolate latté, juice, softdrinks. Anong mangyayari sa atin pag naglasing tayo? Wala tayong mapapala."  nakita ko sa mukha nito na nakumbinsi ko siya. I'm feasting inside. "Eh di..." tila nag-isip pa ito bago ulit nagsalita. "Samahan mo na lang akong pumunta ng bar. Ako lang ang maglalasing, total ako lang naman ang may mabigat na problema. Babantayan mo lang ako. Pagkatapos ay uuwi na tayo sa bahay niyo." napamura ako sa isip ko sa sinabi niya. Akala ko naman ay maiaalis ko na sa isip nito ang paglalasing pero hindi pa pala. Hay naku! Anong gagawin ko sa babaeng 'to. Matigas pa mandin ang ulo nito. I heaved a deep sigh bago ako tumingin dito ng sumusuko. "Okay, pero masyado pang maaga para uminom, Magenta Bebz." palusot ko. Napalayo naman ito ng konti sa akin at napasimangot. "Ayaw mo lang ata akong samahan, eh. Sige ako na lang mag-isa." I rolled my eyes because of what she said. Diyos mio! Paano ko ba naging bestfriend ang isang 'to. Pumayag na nga ang tao, nangonsensiya pa. Matindi! "Makakapaghintay ka ba?" tanong ko na ikinanguso nito. "See this?" tumayo ako at kinuha ang mga files saka ko ipinakita sa kanya. "I just need to finish all of this. Give me two hours. Tapos alis na tayo. Take it or leave it?" pinagpili ko siya dahil alam ko namang wala itong pasensiya sa paghihintay. Gusto ko  lang maalis sa utak niya ang ideyang paglalasing. Baka mapaano siya sa gusto nitong gawin. But when I look down in her eyes. Desidido ito sa gusto nitong gawin. f**k! "I can wait, Bebz. Ayokong umuwi ng bahay ngayon dahil darating mamayang gabi ang mga gago." nakasimagot nitong sabi sa akin . She's really serious. "Okay, diyan ka lang muna. Mapapatay tayo ng Daddy mo kapag nalaman niyang kinokonsinte kita. Kung hindi lang ako naawa sa'yo." umiiling sa sabi ko na mas nakapagpanguso dito. "Stop that, Magenta Bebz. Disgusting!" bulalas ko na ikinatawa niya. "Much better." sambit ko habang nakatingin ako dito. Tumatawa na ito ngayon habang sumisinghot-singhot pa. I love her and I would do everything just to make her happy. "I love you, Bebz."  "I love you more, Bebz." lumapit ako dito para yumakap. Alam ko na minsan ay hindi ko na siya nasasamahan dahil sa klase ng trabaho ko. Pero kahit kailan ay hindi ko siya nakakalimutan. Para ko na siyang kapatid. Kilala siya nina Ate kasi lagi itong natutulog sa bahay lalo na kapag nag-aaway sila ng Daddy niya. Mommy Elena is always here kapag alam nitong may sama ng loob si Magenta sa kanila. Wala naman kasing ibang pupuntahan si Magenta kung hindi sa akin. At ayokong magbago 'yon. "Stop the drama, Magenta Bebz. Pahinga ka muna diyan dahil mamaya..." tumingin ako dito at kinindatan ito. "magpapakalasing tayo!" desididong sabi ko dito na nakapagpasaya sa kanya. "Talaga!? Sasamahan mo akong maglasing?" masayang tanong nito sa akin na ikinatango ko. "Of course. Hinding-hindi kita iiwan sa ere, Bebz. You know how much I love you. Ayaw kitang mapahamak. Kaya kahit saan mo gusto o ano man ang gagawin mo ay sasamahan kita. That's what are bestfriens for." nakangiti kong sabi dito at hinaplos nag pisngi niya. "Set your worries aside, Bebz. I'll always here for you. Tandaan mo 'yan." Tumango ito bago niya ulit ako niyakap ng mahigpit. "Thank you so much, Bebz." Niyakap ko din ito pabalik. Pinaparamdam ko sa mga yakap ko na hindi ko siya iiwan. Nang maghiwalay kami ay napangiti na lang kami sa isat isa. "Just stay here. Tatapusin ko lang lahat ng ito. Saka tayo aalis. Kumain ka na ba?" tanong ko na ikinailing niya. Pagtingin ko sa orasan ay alas dose y media na pala. Bumalik ako sa mesa ko at inilabas ang phone ko sa drawer para tumawag sa baba at magpaakyat ng pagkain. Kailangan naning kumain kung iinom kami mamaya. Diyos ko! Sana maging maayos lang ang lahat mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD