Isabela
Hinintay ko siya at ilang beses na tinawagan pero hindi pa din siya sumasagot sa mga tawag ko. Nag-aalala na ako sa kanya dahil gabi na tapos wala pa ito. Gusto ko man siyang hanapin ay hindi ko naman alam kung saan ako mag-uumpisang maghanap.
"Bahala na." sambit ko nalang at nagmadaling nagbihis ng pang-alis at lumabas ng silid.
Pagkasakay ko ng aking kotse ay agad ko itong pinaandar at umalis na. Kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta ay nagbaka sakali pa din ako. Hindi ako familiar sa mga bar dito pero susubukan ko pa din. Para sa kanya, gagawin ko ang lahat para mahanap ito.
Nakakailang bar na akong napuntahan pero hindi ko pa din siya mahanap. It was almost twelve midnight pero wala pa rin. Nahahapo akong napasandal sa kotse ko pagkalabas ko sa isang cozy bar. Bagsak pa din ang balikat kong lumabas.
"Asan ka na ba kasi? Sobrang nag-aalala na ako sa'yo." sambit ko at napahinga nalang nang malalim para kumalma.
Pinagpatuloy ko pa din ang paghahanap sa kanya sa mga kalapit na bar pero wala pa din talaga. I choose to go home at two. Pagod na ako kakaikot sa mga bar pero wala pa rin talaga. Inisip ko na lang na uuwi din naman siya kapag lumamig na ang ulo nito.
Pagdating ko sa bahay ay napahinga ako nang maluwag ng makita ko ang sasakyan nito sa garahe. Mabilis kong itinabi ang sasakyan ko dito at nagmadaling pumasok sa loob. Naabutan ko siyang nakahiga sa may sofa. Agad ko siyang nilapitan at ginising.
"Hey, lipat na tayo sa kuwarto." aya ko dito. Gumalaw naman ito pero hindi naman nagising. "Caine..." mas nilakasan ko ang boses ko at pagtapik sa pisngi niya.
Nang magmulat ito at mapatingin sa akin ay nginitian ko siya.
"Kumain ka na ba? Ipaghahain kita." alok ko dito kaso pinikitan niya lang ako ng mata. "Sa kuwarto ka na matulog para naman hindi sumakit katawan mo dito." wala pa ding reacksiyon ang natanggap ko mula sa kanya.
Malungkot akong tumayo sa tabi nito at nagtagal pa ng ilang segundo. Nagbabakasakaling pipigilan niya ako. Kaso hindi nangyari ang inaasahan ko. Bagsak ang mga balikat kong naglakad paakyat ng hagdan. Pagdating ko sa tuktok ay nilingon ko pa ito pero tulog na ata.
Hindi ko na napigilang hindi maiyak. Alam ko namang kasalanan ko dahil pumayag akong sumama kay Mr. Larezza. Hindi ko naman na mababawi pa ang nagawa ko na. Umiiyak na lang akong naglakad papunta sa kuwarto namin at doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Umiyak lang ako nang uniyak. Hindi ko naman magawang matulog dahil umaasa akong lilipat pa din ito sa kbila ng galit niya sa akin.
Kinabukasan, hindi ko na siya nadatnan pa. Walang buhay akong nag ayos ng sarili ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kuwarto at pumasok na sa opisina.
Maraming bumabati sa akin pero tipid ko lang silang nginingitian. Wala ako sa sarili ko ngayon at dahil 'yon sa nangyayari sa amin ni Caine. Pagpasok ko sa opisina ko ay mukha ni Lewis ang nadatnan ko.
"Morning, Isabela. Nag effort pa akong pumunta dito kahapon tapos malalaman ko na hindi ka na pala babalik. Napasarap ata ang kuwentuhan niyo ni Mr Larezza?" tukso nito at sumunod sa akin papunta sa mesa ko. Naupo ito sa katapat kong upuan. Nakatalikod pa din ako sa kanya at inaayos ang bag ko sa table ko na maliit. "Siyanga pala? Dumating na pala si Caine. Kumusta ang gabi niyo?" dagdag tukso nito sa akin.
"Nothing happens." malungkot kong saad at naupo sa swivel chair ko at sumandal.
"What the f**k happened to you? Puyat ka ba? Pinagod ka ba masyado ni Caine at ganyan ang hitsura mo?" nakangiwing tukso ni Lewis sa akin.
"How I wish, Lewis. How I wish..." napapikit nalang ako at hinayaang mahulog ang kanina pang nagbabadya na luha sa aking mga mata. It hurts like hell. Paano niya ako natitiis nang ganito? Hindi man lang niya ako kausapin. I explained pero bakit ang hirap sa kanyang paniwalaan ako?
"What happened?" naramdaman ko na lang ang panyong dumampi sa mukha ko at pinupunasan nito ang aking luha. "s**t! Don't tell me na nag-away kayo nang sunduin ka niya sa restaurant?" tumango ako sa sinabi nito. "f**k! Kasalanan ko ito! Sana pala sinamahan kita doon. I didn't thought that this would happen. I'll talk to him."
"Huwag na, Lewis. I already explained everything. Nasa sa kanya na lang kung papaniwalaan niya ako. In our situation now? Naisip kong wala pala siyang tiwala sa akin. Masakit lang isipin na kung gaano kataas ang tiwala ko sa kanya, ganoon naman kababa ang tiwala niya sa akin. Let him be, Lewis. He choose not to believe me." malungkot kong sabi at umiling dito.
"Ano ba kasi ang nangyari? Hindi naman siguro magkakaganoon 'yon kung wala siyang nadatnang kakaiba?" lumapit si Lewis sa akin at niyakap niya ako habang hinahagod hagod ang aking likuran.
"Naabutan niyang hawak ni Mr. Larezza ang kamay ko and he's confessing his undying feelings for me. Ayon lang naman ang naabutan niya. And the worst part ay ang alam ni Caine ay ito pa ang kinakampihan ko." sumbong ko dito at napaiyak muli.
"Hayaan mo muna siyang magpalamig, Isabela. Babalik din 'yon. Hindi ka nun matitiis." umiling iling ako sa sinabi nito at napayakap na lang dito.
"I think, I need a drink." sumisinghot singhot ko pang sabi.
"Hindi pwede. It's too early to drink. Mas lalo lang lalala ang away niyo kung idadaan niyo sa ganyan." payo nito.
"What can I do? I hate this f*****g pain! I need to get rid of it!" sigaw ko dito.
"Chill, Isabela. Hindi masosolusyunan ng alak ang problema niyo." napataas ang kilay ko sa sinabi nito.
"Talaga lang, ha? Bakit parang hindi mo ata nai-apply sa sarili mo 'yang payo mo?" sarkastiko kong sambit sa kanya. Natawa lang ito at hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko. Naglakad lang ito pabalik sa sofa at naupo. Sinundan ko siya at naupo sa katapat niyang upuan. "Eh bakit ikaw? Dinadaan mo sa alak ang lahat? Duwag ka din gaya ko, Lewis."
Napatingin ito sa akin ng masama. "Simple lang ang problema mo kumpara sa problema ko, Isabela. Sa inyo, madaling ayusin. Pero sa akin mahirap na. Kahit gaano ko pa siya kamahal. Don't you f*****g dare tell me that I'm a coward! Hindi mo alam ang sinasabi mo. I think, I need to get out. Kausapin mo na lang ako kapag maayos na 'yang utak mo." tumayo na ito at walang lingong likod na lumabas ng opisina ko.
"What did I just say and do?" nasampal ko na lang ang sarili ko dahil sa kagagahang nagawa ko. Mas lalo lang akong nanlumo sa sarili ko. Agad akong tumayo at kinuha na lang ang mga gamit ko. Uuwi muna ako sa amin. Pagkalabas ko ay dumaan muna ako sa opisina ng pinakaboss namin at nagpaalam. Agad niya naman akong pinayagang magleave ng limang araw. Pinakita ko naman kasi ang planner ko na wala akong mga appointment sa susunod pang mga araw kaya hindi ako nahirapang magpaalam.
Pagkalabas ko ng opisina nito ay agad akong nagtungo sa labas at sumakay na sa kotse ko. Wala ako sa sarili ko habang nagmamaneho. Nabalik na lang ako sa aking huwisyo ng may tumapat sa akin na mobile car at pinapagilid ako. Napamura na lang ako sa aking isipan habang itinatabi ko ang aking sasakyan sa gilid ng daan. Pagkatabi ko ay agad namang kumatok ang officer sa bintana ng kotse ko. Agad ko naman itong binuksan at humingi ng pasensiya.
"Pasensiya na po. Ano pong atraso ko?" humihingi nang despensang tanong ko sa kanila.
"Pasensiya na po, Attorney. Trabaho lang po. Nag beat po kasi kayo ng traffic light. Pasalamat na lang po kami at walang dumaan na sasakyan, kung hindi ay baka nadisgrasya na po kayo ng wala sa oras." paliwanag nito. Ganoon na ba ako kalutang na hindi ko napansin pati ang traffic lights? Jusko naman, Isabela! Mamamatay kang virgin kapag nagkataon!
"Pasensiya na po tlaaga. Wala po ako sa sarili ko. Hindi na po mauulit mga sir." saad ko at inilabas mula sa aking pitaka ang lisensiya ko at ibinigay sa kanila.
"Sa susunod po, Attorney. Huwag na lang po kayo magdrive kapag may malalim kayong iniisip o kaya problema. Mapapahamak po kayo kapag nagkataon." payo nito habang may inililista sa ticket ko at iniabot na ito sa akin. "Mag-iingat po kayo, Attorney. Makakaalis na po kayo. Daanan niyo na lang po sa opisina ang lisensiya niyo."
Napatango na lang ako. "Sige po, daanan ko na lang po bukas ng maaga. Maraming salamat po at pasensiya na po sa abala." yumukod pa ako sa kanila bago ko isinara ang bintana ng sasakyan ko at umalis na.
Pagdating ko sa bahay nina Ate Katherina ay naabutan ko siyang nagpapahinga sa sala. Nakahiga ito at nakapikit habang hinahaplos ang kanyang maumbok na tiyan. Gusto ko man itong sugurin ng yakap at umiyak sa mga balikat nito, pero hindi maari. Ayokong pati ito ay mamomblema din sa maliit naming hindi pagkakaintindihan ni Caine.
"Buti naman at nakabisita ka?" hindi ko namalayang nakamulat na pala si Ate at nakangiti na pala itong nakatingin sa akin.
"Pwede bang dito muna ako, Ate? Namimiss ko na kasi kayo." pagsisinungaling ko at naglakad na papalapit sa kanya.
"Siyempre naman, Isabela. Bahay niyo rin ito, kaya kahit anong oras niyo gustong manatili dito ay ayos lang. Saka namimiss ko na din kayo. Lagi na lang kasi busy lahat ng tao dito!" hindi ko alam kung bakit medyo lumakas ang boses ni Ate nang sabihin niya 'yan.
Napangiti na lang ako ng biglang lumabas si Kuya Marco sa kusina. May hawak itong bowl na may lamang nabalatang iba't ibang fruits. Kaya naman pala lumakas ang boses nito kasi nagpaparinig talaga.
"I'm sorry, Mahal ko. Kaya nga hindi ako pumasok today kasi babawi ako sa'yo. We can go to places you want. Isama mo na rin si Isabela." paglalambing ni Kuya Marco dito bago inilapag ang bowl sa mesa at lumapit kay Ate. Hinalikan niya ito sa noo bago sa kanyang labi. Napaiwas naman ako ng tingin dahil parang may tumutusok na kutsilyo sa dibdib ko.
Hindi ko man sabihin ay alam ko sa sarili ko na naiinggit ako sa pagmamahalan nila. Marami din naman silang pinagdaanan noon pero nagawa nilang pagtagumpayan ang pagmamahalan nila.
"Sana ganyan din kami ni Caine." bulong ko habang nakatingin sa naglalambingang mag-asawa sa harapan ko. Napailing agad ako sa sinabi ko. Ngayon pa nga lang ay hindi na nito kayang harapin at pagkatiwalaan ako. Paano pa kaya sa susunod na mga araw?
"Ano, Isabela?" napatingin ako kay Ate nang magsalita ito. Nakatulala lang ako dahil hindi ko naman narinig ang sinabi niya. Buti na lang ay hindi ito nakahalata at inulit nito ang sinasabi niya. "Sabi ko, ano sasama ka ba? Mamamasyal kami ng Kuya mo?"
Umiling ako, "hindi na Ate. I came here to rest. Medyo naistress ako sa work ko. Saka ayoko namang maka-istorbo sa inyong dalawa, noh. Ano ako? Third wheeler? No way. I'll take a rest na lang."
"You sure? Hindi ka naman makakasagabal sa amin ng Ate mo. Ikaw pa ba? You're family, Isabela." natouch naman ako sa sinabi ni Kuya Marco pero sadyang ayaw ko talagang lumabas ngayon. All I want is to sleep all day.
"I'm sure, Kuya. I'll take a rest all day para naman may lakas ako. Medyo naging busy this days kaya nagvacation muna ako. And, napili ko na mag-stay muna dito para maalagaan ko si Ate kahit paminsan minsan lang." nakangiti kong sabi at tinignan si Ate Katherina na naiiyak. "Don't you dare cry, Ate." babala ko dito.
"Ikaw kasi." sumisinghot na ito.
"Oh my God, Ate! Aakyat na ako sa taas. Ayokong mahawa sa pagiging iyakin mo. Sakit sa eyes teh!" biro ko at tumayo na.
"Thank you, Isabela. Naappreciate ko na mas ginusto mo magbakasyon dito para maalagaan ako. Natouch ako ng sobra, Isabela. Sana ganyan din 'yong dalawa, kaso mga busy sila. Hindi man lang nila ako maalala." may himig pagtatampo ang boses nito. Imbis na umakyat na ako ay mas minabuti kong lumapit dito at niyakap siya.
"Alam mo naman Ate na kapag pag-aaral na ang pinag-uusapan natin ay seryoso kaming lahat. Let Kasandra study hard." sabi ko dito at medyo inilayo ang katawan ko sa kanya.
"Naiintindihan ko naman si Kasandra, eh. Pero si Pamela? Hindi naman siya nag aaral pero laging inuumaga ng uwi. Tapos pagka umaga naman, nagmamadali namang umaalis." nakanguso na ito habang nagsasalita.
"Nature niya 'yon, Ate. Wala tayong magagawa kasi nurse ang isang 'yon. Hectic talaga ang schedule niya. Babawi 'yon kapag walang pasok. Sure ako diyan." kinindatan ko ito. "Aakyat na ako Ate and enjoy your date with Kuya. I love you two." hinalikan ko ito sa kanyang pisngi at tumayo na.
"I love you too, Isabela. Sige magpahinga ka na. Yang hitsura mo kasi parang ginahasa ka ng sampung baboy." napatalim ang tinhin ko kay Ate sa sinabi niya. Grabeng makapanlait itong buntis na ito. Kung hindi lang ito buntis ay baka kiniliti ko na ito ng bonggang bongga.
"Ay grabe ang Ate kong makapanlait, noh?" kinausap ko ang sarili ko pero nakairap ako kay Ate. Nakita ko namang napabungisngis ito kaya napangiti na lang ako sa kanya. "Makapagpahinga na nga lang at nang bumalik ang kagandahan ko. Sige Kuya, ikaw na bahala diyan sa kapatid kong 'yan." bilin ko kay Kuya Marco. Nang ngumiti ito sa'kin ay tumalikod na ako at diretso nang pumanhik sa hagdan patungo sa aking kuwarto.
Loving a person Unconditionally is not a sin. Nagmahal ka lang ng lubos. Ang masaklap lang ay hindi niya kayang pagkatiwalaan ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Sa pagmamahal, maging handa ka dapat sa kalalabasan. It's either magiging masaya ka or magiging miserable ka. It's a choice not destiny. Kaya mong baguhin ang kapalaran mo sa pag ibig. When you feel that he doesn't deserve your love. Let go of the person. Don't stay with him and be miserable. Live your life and move on. Everybody deserve to be love not be hurt.