Isabela Napangiti ako, "namiss din kita." humarap ako sa kanya at napangiti. Hindi ko muna pinansin ang masamang titig ni Caine kay Rhed. Wala naman na siyang dapat ikaselos kasi asawa na niya ako. "How's life?" nakangiti ding tanong nito sa akin bago hinila ang katabi kong upuan at umupo doon. "Can we join you and your date?" Napatingin ako sa kanya bago kay Caine. Nang tumango si Caine ay tumango na din ako sa kanya. "Of course naman. Yong kilala ko nga diyan, eh, kanina pa fineeling maki-join. Hindi man lang nagpapaalam." tumingin ako kay Dess. Napawi ang ngiti ko ng makita kong titig na titig ito sa asawa ko habang nakangiti. Aba! "Ehemm!" tikhim ko na nakapagpalingon kay Dess sa akin. "Enebe..." pabebe nitong sabi sa akin na ikinasipa ko sa legs niya. Pero mahina lang. "Erey neme

