Caine Seeing her like this, makes me adore her so much. Hindi niya kailanman tinago sa akin ang kahinaan niya. I know how much she loves her family. Hindi ko man nakilala ang tinuturing niyang Tatang, atleast, alam ko naman na naging mabuting ama ito sa kanila. Napatingin ako dito ng magsalita ulit ito. "Alam mo ba na hindi sana kami mapapadpad ng Manila?" tanong nito habang nakatunghay pa din sa maliwanag na buwan sa langit. "Ate Katherina choose to sacrifice for us. Hindi man lang siya nakatungtong ng high school ng dahil sa aming tatlo? Mas pinili niya ang magtrabaho para makatulong kay Inang at sa amin. When she decided to work as maid in Manila. Hindi kami pumayag pero mas nanaig ang kagustuhan niyang mapag aral kami." na-amaze ako sa mga sinasabi niya. Nakilala ko na ang ate niya p

