KABANATA 51 NAGISING na lang ako dulot ng init ng sikat ng araw na tumatama sa ‘king mga binti galing sa bintanang nakahawi na ang mga kurtina. Hindi ko na naabutan si Kael sa tabi ko kaya naman sinipat ko ang orasan, pasado alas onse na ng tanghali. Nag-uunat na dumiretso ako sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili kahit papaano. Nitong mga nagdaang mga linggo ay halos mas mapansin ko ang pagbigat ng katawan ko sa pagkilos, naiintindihan kong baka hormonal changes gaya ng sinabi ng OB doctor ko kaya hinahayaan ko na lang na dumaan ang araw na hindi ako nakakapag-ayos ng buhok, nakakapaglagay ng kaunting makeup gaya ng nakasanayan ko. Dumadagdag din nang paunti ang weight ko araw-araw kaya hindi ko maiwasang ireklamo ‘yon kay Kael, then he’ll never fail in complimenting me in my nat

