KABANATA 45 MAS LALO akong naging abala nang dumating ang week ng starting ng Finesse. Busy ang bawat sulok ng kumpanya pero nakakatuwang umingay ang pangalan nito nationwide, mayroon kasing satisfied high-end client na nag-post sa social media, siniguro ko rin na enggrande at sakto sa bayad niya ang disenyo ng event. “Ma’am, congrats na po kaagad, ito po yata ang pinagka-busyhan ko na masaya ako!” Bati sa ‘kin ng lumapit na dalawang empleyado, mukhang mas matanda sila nang kaunti sa ‘kin. “Maraming salamat po, congrats din po sa inyong lahat hardwork niyo ang sikreto natin dito.” Nakangiting balik ko sa kanilang dalawa nang huminto sa reception desk sa lobby. Dito ko na lang sasalubungin si Aaron, paniguradong kapag hindi ko ‘to ginawa ay aabutin na naman ‘yon ng siyam-siyam sa kakahi

