KABANATA 49 HINILA ako ni Manang Connie patungo sa mismong loob ng silid ko saka nagsara ng pinto, hindi matapos-tapos ang pagtaas-baba ng aking dibdib sa kakaibang kaba na naramdaman. Hindi ko maunawaan kung bakit pero pakiramdam ko may mali sa mga nakita ko kanina. Seriously... bakit ganoon karaming bata ang mayroon sa mga sasakyan ni papa? Saan galing ang mga ‘yon? “Manang...” “Madam, matulog na ho kayo. Anong oras na rin po.” Mabilis niyang sabi sa akin, umiling ako sa sinabi niya saka itinuro ang pintuan. “Manang, may alam ka ba sa mga nangyayari sa ibaba? ‘Yung... ‘yung mga kasama ni papa, sino sila? Kilala mo ba sila? May ideya ka ba kung anong pinagkakaabalahan nila do’n-“ “Madam, pakiusap po, magpahinga na po kayo... wala pong nangyayari sa ibaba, madilim na po roon-“ pili

