KABANATA 48 LUMIPAS ang oras hanggang sa mag gabi, namasyal sila papa, Nicole at Popoy sa labas pero hindi ako nakasama. Nakaramdam ako ng kabigatan ng katawan kaya naman buong oras akong nagpahinga sa kwarto. Hindi ako makatulog kahit na mabigat na ang mga talukap ko. Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Kael. Sabi niya tatawag siya? Minsan gusto ko na lang umiyak, pakiramdam ko ang emosyonal ko kanina pang hapon. Hindi ko rin naman talaga gustong maging ganito ka-clingy kay Kael pero gusto ko lang talaga sana siyang makausap at makasama palagi. Hindi ko na maintindihan. Ngayon naman ay gusto ko rin siyang makausap patungkol kay Yukira pero natatakot akong hindi ko magustuhan ang marinig kong sagot. Sakto pang busy si Aaron at Meira, wala tuloy akong mapagsabihan ng nararamdaman ko

