KABANATA 47 Satuday morning, nagtipon ang mga empleyado ko sa Finesse sa malaking conference room na para sa amin. Ang bawat huling Sabado ng buwan talaga ay inilalaan ko para sa meeting at evaluation ng performances ng Finesse. “Overall, congratulations! Ang lahat ay naging smooth ang takbo, magmula sa unang kliyente hanggang sa pag-execute sa iba’t ibang lugar. Please prepare the minutes of the meeting and send it to my email,” nakangiting utos ko sa sekretarya ko. “We will need more event coordinators, dumarami pa ang clients so we must increase our personnels, but let’s deal about this matter in detailed, next month. Sa ngayon magpahinga muna kayo, see you again on Monday. Meeting adjourned.” Masayang nagbatian ang mga empleyado at mga head sa isa’t isa, lumapit din sila sa ‘kin at

