KABANATA 43NANG mga sumunod na mga araw, unexpectedly, naging mas magaan ang puso ko. Everything’s going so smooth. Parang ayaw ko maniwala na ang ayos-ayos ng lahat sa paligid at buhay ko. Nalalapit na ang starting at opening ng transactions ng Finesse Events at marami na kaagad ang nagpapakita ng interes sa serbisyong ibibigay namin sa kanila, masasabi kong nakatulong talaga ang naging parte ko sa La Satina Hotel dahil kahit papaano ay natandaan nila ang pangalan ko pati na rin ang projects na nagawa ko. Halos mataranta ako nang makarinig ng video call tone sa aking laptop, nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay naiiling na napangiti na lang ako, sinagot ko ang tawag ni Kael at inangatan ito ng kilay nang magkita kami sa camera. “Ano na naman ba, kakatawag mo lang kaninang umaga.”

