KABANATA 37 “S-Sergio!” Hindi makapaniwalang bulalas ng mommy ni Charles. Mabilis ang mag-asawa na tumayo sa kinauupuan para lumapit sa amin, lalo na kay papa. “G-Gising ka na pala mula sa coma... hindi namin alam-“ “Mabuti nga’t hindi mo alam, mabuti hindi ninyo alam nang masurpresa ko naman kayo.” Sarkastikong sagot ni papa sa kanilang dalawa. “Nasurpresa ninyo ako sa pagpapalit ng pangalan at may-ari ng sarili kong kumpanya kahit na ipinagkatiwala ko lang naman ito sa inyo habang nagpapagaling ako. Dahil ba akala ninyo hindi na ‘ko magigising? O dahil ba gusto niyo na mapabilis ang pagkamatay ko, gano’n ba?” “No, sir, mayro’n po kaming eksplanasyon sa bagay na ‘yan! Kinailangan naming palitan dahil wala ka rito sa bansa, wala ang CEO at hinahanap ka ng mga investor, malubha na ang k

