KABANATA 38 NASAPO ko ang ulo ko nang hindi na nagpapigil si Aaron sa paglapit sa table nila Klaudia. Nagulat na lang ako nang bumalik ito sa tabi ko habang kasunod na si Klaudia, si Sir Ariel at si Kael! Naka black executive suit pa si Sir Ariel habang si Kael ay naka black polo longsleeves naman na nakatupi hanggang sa kaniyang mga siko, Klaudia’s in her formal burgundy red dress, hindi na nag aalis ng titig kay Aaron. Gusto ko sanang tumawa kaso hindi ko na magawa dahil sa malakas na presensya ng lalaking nasa harapan ko. Kailan pa ba ‘ko naging ganito? Natatandaan kong uneasy na ‘ko noon pa man kapag dumarating si Kael sa paligid ko pero mas malala yata ngayon. Kung dahil sa huli naming pag uusap, well ang awkward nga no’n... he was almost expressing and admitting his feelings for

