HELLO, SURPRISE! hehe KABANATA 39 “DAPAT hindi ka na pumunta! Ako na sana ang pinaka maganda rito, mare kung wala ka!” Masama ang tingin na biro ni Meira saka ngumisi at niyakap ako nang mahigpit. “Joke! Super miss kita! Gusto kong maiyak araw araw sa hotel dahil wala ka na sa office mo palagi, I feel so alone!” “Hindi ako naniniwalang you feel so alone, Mei. Alam kong close naman kayo ni Sir Ariel.” May multo ng ngisi sa labi na sagot ko sa kaniya. Nanahimik siya nang ilang segundo saka ito tumawa, bahagyang kinurot ang tagiliran ko. “Super close, mas close pa sa inaakala mo. Charot!” Inilingan ko na lang ito sa biglang pagkislap ng mga mata niya sa kinukuwento. Bago pa ‘ko makapagsalita ulit ay hinila niya na ako sa table kung saan nakaupo ang iba pang head at manager ng bawat de

