KABANATA 4
HINDI ko alam kung paano pa ako nakapagtrabaho buong gabi sa bar lalo na’t may mga matang nahuhuli kong nakatingin sa ‘kin. Nakita ko kung saang specific table nakapwesto si Kael at hindi sa VIP room ‘yon kundi sa ground floor lang, marami pa siyang kasama na lalaki roon at lahat sila ay umiinom at maingay na nagkukuwentuhan. Siguro mga kaibigan niya ang mga kasama niya.
“Hi, Zarina, how’s your new baby?” malambing na bungad ni Marie nang maabutan niya ako sa bar counter kasama ang kaibigan naming bartender na si Earl. Pabiro pa nitong tinusok ang tagiliran ko kaya napapalatak ako sa kaniya.
“’Yan nga rin tinatanong ko diyan kanina. Biruin mo, may pera ka na tapos may hot guy ka pa na kagaya ng Kael na ‘yon,” pinalobo ni Earl ang mga pisngi saka kumagat labi nang pasikreto sa ‘min ni Marie. Showing his ‘not-so-manly side’ dahil closeted bisexual ito at attracted talaga sa mga lalaki, lalo na sa mga pogi raw ayon sa kaniya.
Lumabi ako, hindi talaga ako titigilan ng mga ‘to sa kakaasar. Sa bagay ay hindi naman nila alam na may boyfriend na ‘ko kaya hindi ako interesado, at kung may makaalam man... for sure I’d be so dirty in their eyes.
May boyfriend pero may naka-one night stand kagabi.
“Hindi ko siya baby, walang something kaya tigilan niyo na ‘ko ano ba.” Irap ko sa kanila saka saglit na naupo sa stool nang maramdaman ang ngalay sa mga binti dulot ng kakalakad sa stilletos na gamit.
“True ba? Kinakalat kaya ni madam manager na bet na bet ka raw nitong Kael dahil noon pa man nagtatanong-tanong na patungkol sa ‘yo,” nanlalaki pa ang mga matang tsismis ni Marie, isa sa mga katrabaho kong waitress.
“Hm, may something fishy talaga sa lalaking ‘yan. Hindi mo siya kilala pero parang palagi ka niyang binabantayan dito,” pagsingit ni Earl habang abala sa paghahalo ng alak. Lumalapit-lapit lang para bumulong. “Sigurado ka bang hindi mo ‘yan ex-boyfriend, wala ba kayong past?” pasulyap-sulyap kay Kael na tanong niya.
Iniwasan kong h’wag malingunan ang table nila Kael kahit siya na ang pinag-uusapan, hindi gaano kalayo ‘yon mula rito at isang maling baling lang sa corner na ‘yon ay natatagpuan ko kaagad ang mga mata niya. Kahit pa maingay, magulo at bahagyang madilim ang bar ay kitang-kita ko pa rin ang mapaglarong ngisi nito sa ‘kin.
Hindi ko makalimutan ang huling mga sinabi niya kanina sa ‘kin. Sa totoo lang ay nainis ako, pero mas matimbang na natakot ako. Lubayan niya lang ako at walang malalaman si Charles sa nangyari, ‘yon lang ang kailangan ko.
“Ngayon ko lang siya nakilala, una at huling beses na rin ‘yong kagabi. Hindi na ulit ako tatanggap ng mga offer mula sa customer,” iling ko. “Maghahanap na lang ako ibang trabaho na... na hindi kailangan ng s*x,”
“Hoy! Sayang!” lumapit pa lalo si Marie sa kinauupuan ko para sikuhin ang braso ko. “Saan ka pa makakahanap ng ganiyan ka-pogi na lalaki tapos willing magbayad sa gabi ninyo ng singkwenta mil!”
“Kailangan ko ng pera pero hindi pa naman ako baldado, Marie. Kaya ko pang dumoble-kayod sa pagtatrabaho,” sambit ko sa kaniya saka ngumiti at tinapik ang balikat nito.
Lahat silang mga katrabaho ko bilang waitress ay malaki ang naiuuwing mga pera gabi-gabi, hindi lang kasi basta-basta ang bar na ‘to, puno ‘to palagi ng mga bigating customer na halos tignan lang ang libo bilang barya sa kanila. Kapalit siyempre ng makamundong pagnanasa kasama ang mga babaeng nandito.
Hindi ko ‘yon kaya... at hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa offer na ‘yon ni Kael. Marahil dala ng matinding pag-iisip patungkol sa kalagayan ng kapatid ko kahapon lang pero natauhan na ‘ko.
Tumayo ako para mag-serve ng mga tequila sa mga customer. Saglit lang nang hindi sinasadyang mapadpad ang mga mata ko sa dancefloor kung saan agad na nahanap ko ang lalaking tinititigan at pinagbubulungan ng halos lahat ng mga babae sa paligid habang panay ang ngisi at kilig na kilig.
There I found Kael dancing sensually with another girl. Tuwang-tuwa ang mga babae habang papalit-palit ang kasayawan niya nang ganoon.
Napatigil ako sandali at ipinilig ang ulo habang tinititigan siya. So he’s used to this, mga one night stand, hook ups, maybe booty calls at no commitment involved f*****g. Ito ang inooffer niya sa ‘kin kagabi pa kung tama ako.
Hindi ko maiwasang mainis habang nakikita siya at ang mga babaeng ‘yon ngayon, ‘yung mga hawak niya sa katawan ng babae ngayon, ‘yung ngisi niya at panakaw na mga halik sa kasayaw kahit na maraming nakatingin sa kanila... ginawa niya rin ‘yon sa ‘kin!
Hindi ako makapaniwala na pinagkatiwala ko ang sarili ko at maging isa sa mga babaeng matatawag niyang nai-kama niya na.
Parang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniyang pares ng mga mata mula sa kinaroroonan ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Naging seryoso ang ekspresyon nito at madilim ang mukha na parang tinutunaw ako sa titig lang.
Ang sunod na ginawa nito ang siyang kinagulat ko. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ng babaeng nagsasayaw sa harapan niya kanina pa at diretsong hinalikan, ginawa niya ‘yon habang nasa ‘kin pa rin ang mga mata niya!
Hindi ko napigilang mapakurap-kurap, hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa nakikita ko at mukhang nahahalata niya ‘yon ngayon.
“Huy!” nilingon ko ang humampas sa braso ko. It was Marie holding a tray with empty shot glasses. “Sa tingin mo kay Kael at do’n sa babae, parang manunugod ka anytime?”
Hindi makapaniwalang tinignan ko ito saka tumalikod na roon para harapin na lang si Marie. “Pinagsasabi mo? Ba’t ko naman gagawin ‘yon?”
“Siguro na-realize mo na kung ano ang opportunity na pinakawalan mo, naku ang 50k naging bato pa.” ngisi niya.
Inirapan ko na lang ito saka dumiretso na sa bar counter. Hindi naman ‘yon ang kinaiinis ko kanina pa.
NANG PUMATAK ang alas tres ng madaling araw ay saktong lumabas na rin ako mula sa bar. Tapos na ang trabaho at kailangan nang umuwi dahil may trabaho pa ‘ko sa La Satina Hotel mamayang 7 naman ng umaga.
Bitbit ang stilletos at ang sling bag, nilakad ko ang madilim nang daan papuntang convenience store, naisipan kong bumili ng cup noodles pantawid gutom dahil wala pa ‘kong dinner.
Mabuting hindi na ako nilapitan pa ni Kael kanina, abala rin ako sa dami ng customer ng bar kaya kung manggugulo ulit siya sa ‘kin ay paniguradong ipukpok ko na lang ang tray sa kaniya.
Naupo ako sa bakanteng upuan na may maliit na mesa sa labas ng convenience store bitbit ang cup noodles na mainit pa. Doon ko lang din naisipang i-check ang cellphone ko kung may messages lalo na galing sa mga kapatid ko.
Magtitipa pa lang sana ako ro’n nang may lalaking naupo sa harapan ko. Bitbit ang cup noodles din, maang-maangan na nag-ayos ng pagkain sa lamesa.
“What? Ngayon ka lang nakakita ng kakain ng noodles?” sarkastikong ani niya habang hinihipan-hipan ang pagkain.
Si Kael ‘yon. Napadiretso ako ng upo at nag-umpisang hindi maging komportable, kahit kailan yata ay hindi ako magiging komportable kapag nasa paligid ang lalaking ‘to.
Knowing na nakita niya na ang buong katawan ko nang hubo’t hubad kagabi... sinong magiging komportable sa gano’n?
“Sinusundan mo ba ‘ko?” bungad ko sa kaniya.
“Bakit kita susundan?”
Nilibot ko ang tingin sa paligid at natagpuan ang magarang kotse niya na nakaparada, nagsusumigaw sa ganda na Buggati Veyron ‘yon kaya naman hindi ako naniniwalang magpupunta ang isang Kael sa convenience store na ‘to para kumain ng pipitsugin na cup noodles.
“Mayaman ka, pwede ka namang kumain sa ibang lugar...” mahinang sagot ko saka hinalo na ang noodles at nag-iwas na sa kaniya ng tingin.
“Bawal na ba ‘ko kumain sa mga ganito?” nanunuya ang boses na ani nya.
Hindi ko na lang siya inimik at nagpatuloy sa pagkain, naiilang pa nga ‘ko noong una, basta presensya lang ni Kael sa paligid ko ay agad na nagwawala ang sistema ko, pero hinayaan ko na lang dahil wala pa ‘kong dinner mula pa kanina.
“Charles Ferrer is your boyfriend, right?”
Dahil do’n ay nabulunan ako. Nagmamadaling ininom ko ang bottled water na binili ko kanina pa saka sinamaan ng tingin si Kael, nananatili ang ngisi sa mga labi niya habang tinitignan ang hitsura ko.
“I’d bet you’ll ask how did I know his name?” umangat ang sulok ng kaniyang labi.
Pinakita ko nga pala sa kanya ang litrato namin kanina sa Parking Lot, pero kung sa’n niya man nalaman ang pangalan nito ay hindi na ako gano’n dapat magulat. Afterall, may kaingayan sa industriya ang Real Estate company ng pamilya ni Charles, besides that ay ‘yon na lang ang impormasyong alam ko patungkol sa kaniya.
Gano’n siya ka-busy.
“Layuan mo ‘ko, layuan mo na ‘ko please.” Mahinang pakiusap ko sa kanya. “Tapos na ‘yung nangyari kagabi, may boyfriend ako... that was foul, what we did was foul, hindi na dapat maulit kaya please lang,”
Pinadaan nito ang dila sa kaniyang labi habang parang manghang-mangha sa narinig mula sa ‘kin. Hindi ko napigilang balingan ng tingin ang labi nya, naghurumentado ang sistema ko nang maalala kung gaano ito kahusay sa paghalik. Nag-iwas ako ng tingin, bakit ba ‘yon pa ang naiisip ko sa mga oras na ‘to.
“Mayaman ang lalaking ‘yon, bakit di ka niya tulungan sa pera?”
Natigilan ako sa tanong ni Kael. Nakangisi pa rin ito na parang tuwang-tuwa sa takot na nakikita sa mga mata ko.
Malaki na ang naitulong ni Charles noon pa, doon pa lang sa pagbabayad ng utang ng nanay ko ay may parte na siya ro’n pero hindi ko pinabayad nang buo at hindi na ako tumanggap pa ng tulong mula sa kaniya.
Hindi niya na rin naman gustong tumulong kahit ‘di niya direktang sinabi sa ‘kin.
“Okay, hindi mo ‘yon sasagutin. It’s fine, ito na lang,” umpisa niya na naman habang itinutukod ang siko sa table para mas ilapit ang mukha sa harap ko. Hindi maalis-alis ang ngisi sa labi nya at hindi ko alam kung tuwang-tuwa ba siya sa hitsura ko o sa buhay ko mismo.
“Hindi ko gustong makipag-one on one question and answer sa ‘yo. Kung kakain ka pwedeng kumain ka na lang din?” pagsusungit ko.
Isusubo ko na sana ang noodles sa fork na hawak ko nang marahan niyang pigilan ang palapulsuhan ko.
“Why don’t you want to give in to this setup when we can keep this as a secret from your boyfriend?” pilit niya.
Inis na binawi ko ang palapulsuhan ko mula sa hawak niya, pakiramdam ko rin ay hindi ko matatagalan kung hahawakan niya pa ulit ang balat ko. Pakiramdam ko palaging may elektrisidad mula ro’n.
Kung ano man ang pakiramdam na ‘yon... I should ignore that, right? I must ignore that!
“Dahil may boyfriend ako at may s*x na involved ang gusto mo, hindi mo ba ‘yon nage-gets?” singhal ko. “Kung sa bagay paano mo ‘yon maiintindihan kung wala ka naman sa isang seryosong relasyon, I know that you’re the f**k every girl I see type of guy, Kael. Pero h’wag mo na ‘kong idamay kung pwede.”
Saglit siyang nagtiim-bagang pagkarinig niyon at humalakhak maya-maya. “Don’t you really get it, Zarina? Maraming pwedeng babae pero ikaw ang gusto ko! Ano pa bang iingatan mo, ako na ang nakauna sa ‘yo,” may pagnanasa sa mga matang sambit niya.
“Dapat ba ‘kong magpasalamat?” hindi makapaniwalang singhal ko sa kaniya. What a jerk.
“I could still remember how you moan in pleasure last night, nagtataka ako kung bakit ayaw mo nang maulit.” Ani nya na ikinalaki ng mga mata ko. Mabuti na lang at wala ng tao sa paligid na pwedeng makarinig sa kanya! “Sigurado rin naman akong hindi mo pa ‘yon nararanasan sa boyfriend mo, walang silbi.” Natatawang dugtong niya.
Hindi ko na natagalan ang pakikipag-usap sa kaniya at bago pa kami tuluyang mag-away ay umalis na ‘ko ro’n, nagsimula akong maglakad sa madilim at walang katao-taong kalsada, lalakarin ko ang daan papunta sa terminal ng bus pero malayo-layo pa ‘yon.
Okay lang kaysa magtagal doon kasama si Kael. Puri nang puri sa kaniya ang lahat sa bar samantalang ganito pala ang ugali ng aroganteng lalaking ‘yon.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang tumapat sa ‘kin ang Bugatti Veyron ni Kael, mabagal ang patakbo niya habang nakabukas ang bintana ng kotse.
“Lubayan mo ‘ko, Kael Valencia, kung ayaw mong ireport kita sa mga police.” Pananakot ko sa kaniya.
I heard him chuckled. “Ibibigay ko lang naman ‘tong cellphone mo, naiwan mo. Someone’s also calling.”
Napatigil ako sa paglalakad at gano’n din sa pag-andar ang kotse niya. Mabilis na inabot ko ang cellphone na hawak-hawak nito pero hindi niya naman kaagad binigay at iniwas-iwas pa ang kamay!
“Boyfriend mo ba ‘to? Popoy?” nang-iinis nitong tanong.
Agad na kinabahan ako, hindi naman tumatawag sa ‘kin ang bunsong kapatid ko nang ganitong oras.
“Kael, akin na ‘yan!” bulyaw ko sa kaniya pero hindi niya pa rin hinayaang maabot ko, sa halip ay niloudspeaker niya lang ang tawag pagka-answer nya ng call.
“Ate! Si Ate Nicole hinimatay... nangingisay si Ate Nicole!” bungad ng boses ni Popoy mula sa kabilang linya. May brain tumor si Nicole at balak ko pa lang na dalhin siya sa ospital mamayang umaga para sa radiotherapy session nito.
Ngayon ko pa lang nakuha ang pera at kahit papa’no ay matatawid na nito ang unang session niya pero ito na ang kinakatakot ko.
Awtomatikong nawala ang ngisi sa mga labi ni Kael habang parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig. Panay hikbi lang ni Popoy sa kabilang linya samantalang daig ko pa ang naputulan ng dila sa pagpanic.
“Hop in, Zarina.” Si Kael.
Hindi na ‘ko umangal pa, nagtutubig ang mga mata at nagmamadaling pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Kael.
TO BE CONTINUE...