KABANATA 3

2878 Words
I'm sorry at late ito omg, nagrelax pa kasi ako napagod ako buong July. Thank you for waiting! KABANATA 3 KINABUKASAN, nagising ako dahil sa pag-ikot ng tiyan ko, pakiramdam ko masusuka ako. At pagmulat ko pa lang ng mga mata ay halos mapasinghap na ako nang matauhang hindi pamilyar sa ‘kin ang kwarto at kamang nakatulugan ko. Sandali... pati ang hubo’t hubad na katawan ko sa ilalim ng kumot at ang pinaka malala... may katabi akong natutulog na lalaki! The memories of what happened last night started filling my mind. Hindi ko naiwasang pamulahan ng pisngi... biglang naging malinaw sa ‘kin ang lahat! Nagmamadaling hinanap ko ang mga damit sa paligid at sinuot ang mga ‘yon. Halos masabunutan ko ang sarili, hindi ko naman pinagsisisihan ang nangyari, una naman sa lahat ay pumayag ako sa mangyayaring ‘yon kagabi dahil sa pera, kahit pa ibigay ko ang pinaka iniingat-ingatan kong puri at dangal bilang babae. Kailangan na kailangan ko ng malaking halaga para sa binabayaran kong milyon na utang na iniwan ng nanay ko sa ‘min at dumagdag na radio therapy session ng kapatid ko. Pero naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong mali ‘to, maling-mali... una sa lahat, may boyfriend ako! Bago pa ako tuluyang maka-react patungkol doon ay naramdaman ko na naman pag-ikot ng tiyan ko, marahil dulot pa ng hang over sa dami ng alak na nainom namin kagabi! Hindi na ako nakatakbo sa CR at nasuka na sa mismong sahig sa tabi ng kama. Hindi ko rin naman alam kung sa’n ang CR! Nagpalinga-linga ako sa paligid, nag-iisip kung paano liligpitin ang kinalat ko sa sahig, o kung liligpitin ko pa ba ‘to o h’wag na? Ayoko namang magisnan pa ako ng lalaking ‘to... hindi na kaya ng hiya ko sa sarili. Sa huli, napagpasyahan kong umalis na lang agad sa lugar. Umuwi lang ako sa apartment para maligo at mag-ayos ng sarili, masakit na masakit pa rin ang ulo ko pero ininda ko na lang dahil kailangan ko pang pumasok ng trabaho sa La Satina Hotel. Kung hindi lang mahalaga ang pera sa ‘kin ay iisipin kong humiga magdamag at sermonan ang sarili. “SO, MAY nangyari sa inyo?!” kinurot ko ang tagiliran ni Meira dahil sa napalakas nitong boses. “Diyos ko, Meira ilakas mo pa ang boses mo,” pilit ang ngiting sermon ko sa kaniya saka binilisan na ang pagsara ng pinto ng opisina ko rito sa hotel para wala ng makarinig pa sa maingay niya talagang boses. Araw-araw ang trabaho ko rito bilang Hotel Event Coordinator at may sariling opisina, medyo may kataasan ang sahod pero hindi talaga sumasapat sa mga gastusin ko. Una, ‘yong utang ni mama na isang milyon ay nag-anak nang nag-anak ng interest, pangalawa ang pang-matrikula ng dalawa kong kapatid na nag-aaral pa, at pang-huli ay ang radio therapy session ng kapatid kong si Nicole na may brain tumor. Mababaliw ako, kaunti pa, sa dami ng patong-patong na problema sa buhay ko. Mabuti na nga lang at wala pa namang kliyente ang nagpupunta para magpa-schedule ng kahit anong event o party dahil sa tingin ko wala pa ako sa sarili ko hanggang ngayon, baka maitaboy ko lang ang client palipat sa ibang hotel at mag-iwan pa ng mababang rating. Tinawagan ko rin si Meira, siya ang public relations manager at nag-iisang naging kaibigan ko rito sa hotel, dahil pakiramdam ko sasabog talaga ako kung wala akong ibang pagsasabihan. “Pasensya na! Hindi ko lang talaga maiwasang kiligin for you, girl, hindi mo ba ‘yon kilala?! Bakit parang dismayado ka pa, lugi ka pa ba ro’n?” hindi makapaniwalang naupo siya sa harap mesa habang may pahampas pa ro’n sa bawat diin ng sinasabi. Kinuwento ko sa kaniya mula umpisa hanggang sa eksena kaninang umaga. Hindi niya na agad mapigilang lakasan ang boses, pero wala naman akong choice kasi siya lang ang kaibigan kong trustworthy. “Kilala ko naman. Kael, ‘di ba? Kael Valencia.” Sambit ko. “’Oh yun naman pala! Mayaman ‘yon, ‘no at balita ko may-ari ‘yon ng malaking liquor company na pinagkukuhanan ng bawat bar dito sa city natin. Hindi mo alam?” Napahinga ako nang malalim, halata namang hindi basta-basta ‘yon, sa hitsura pa lang niya. Pati ‘yung condo unit kung sa’n niya ‘ko dinala, hindi ‘yon basta-basta afford ng kahit sino maliban na lang kung elite na tao ka, naalala ko rin na sumakay kami ng magarang kotse papunta sa lugar na ‘yon. Lahat naalala ko pa! Bawat mainit na paghagod ng palad niya sa balat ko, halik na mapupusok, he was worshipping my body the whole night and it was very intense! Kahit kay Charles, na matagal ko nang boyfriend, ay hindi ko pa ‘yon nagagawa. Ang laki ng konsensya ko para sa kaniya. “Hindi ko alam, wala naman akong pakialam kung mayaman siya.” Naiiling na naglakad ako nang pabalik-balik sa harapan niya. “Hindi lang talaga dapat malaman ng boyfriend ko, natatakot akong baka malaman ni Charles! Ang laki ng utang na loob ko sa kaniya,” “Za, please lang! Nabanggit mo na naman ‘yang boyfriend mong parang hindi naman nagpapaka-boyfriend sa ‘yo, mas mahal pa yata ang career at mamanahing yaman kaysa sa ‘yo.” Napanguso ako. Alam ni Meira ‘yon, nagpapagal talaga si Charles na mag-training at pataasin ang progress sa kumpanya nila dahil pinapatunayan niya sa mga magulang niyang deserving siya maging next Chief Executive Officer no’n. Wala naman sa ‘kin kahit minsan lang kami magkausap, o kahit hindi pa kami madalas magkita. Pabor pa nga dahil... hindi ko kailangang personal na sumagot sa kaniya sa tuwing sasabihing mahal niya ‘ko. Hindi ko kailangang makonsensya sa pagsisinungaling na mahal ko rin siya kahit hindi naman talaga ‘yon ang totoong nararamdaman ko. “Kaya mo lang naman hindi pa hinihiwalayan ‘yan ay dahil malaki ang utang na loob mo do’n. O, ano? Sabihin mong mali ako?” hamon ni Meira sa ‘kin. “Wala akong balak na saktan si Charles dahil sa nangyari bakit ba nasa hiwalayan na agad ang usapan, ang mahalaga lang sa ‘kin ngayon ay ‘yung pera mula kay Kael-“ namilog ang mga mata ko nang may maalala kaya naman nagtaka agad si Meira kung bakit. “50k, right? Gaya ng kwento mo kanina pa! Malaking bagay na ‘yon sa radio therapy session ni Nicole. But take note, hindi lang isang session ang kailangan do’n, you’ll need more money, Za.” E, ang kaso naalala kong hindi ko pa ‘yon nakukuha mula sa Kael na ‘yon! Nagmamadali akong umalis kanina sa lugar niya without knowing na hindi ko pa natatanggap ang pinangako niya sa ‘kin kagabi. Diyos ko, hindi naman ako pumayag na ibigay sa kaniya ang virginity ko para sa wala! Kailangan naming magkita ulit! BAGO PA PUMATAK ang alas singko ng hapon ay saktong nasa bar na ‘ko, nakasuot na ng uniform bilang waitress at kanina pa nakaayos ang buhok pati na ang makeup. Hindi dahil masipag akong empleyado kaya ako maaga ngayon pero dahil gusto kong makita si Kael Valencia. Kailangan ko ang pera na ‘yon. Lumipas ang mga oras at dumami nang dumami ang mga customer, panay ang sulyap ko sa mga nag-oorder ng alak pati na rin sa mga bagong dating na pumapasok sa entrance. “Zarina, gusto mo bang palitan na si manong guard? Daig mo pa bouncer dito sa kakabantay mo,” bungad sa ‘kin ni Earl habang naghahalo ng mga alak sa bartending counter. Inirapan ko ito at naupo sa stool para bumusangot. “Sabihan mo ‘ko kung makikita mo si Kael Valencia,” Napasinghap siya at OA pang iniharang ang kamay sa bibig. “Oo nga pala, may happening sa inyo kagabi, ano! Sarap?” Nahiya ako sa tinanong ni Earl, hindi sanay sa gano’ng usapan kaya naman iniwan ko na lang ito roon. Bitbit ang tray at ang mga alak, nag-serve ako sa mga table ng customer na may maiingay na magkakaibigan. Isa-isa kong inilapag ang mga alak sa lamesa, hindi na binati o nginitian pa ang mga customer dahil sa malalim na pag-iisip sa Kael na ‘yon. Sinadya niya kayang huwag talagang ibigay? O kasalanan ko talaga dahil umalis kaagad ako? Pabalik na sana ako sa counter para kunin ulit ang mga liquor order nang may humigit sa beywang ko dahilan para mapaupo ako sa sofa na naroon sa harap ng lamesa. “You’re sexy, are you aware of that?” bungad sa ‘kin ng lalaking may edad na, mukhang foreigner ito na Japanese ganoon din ang mga kasama niyang malalawak ang ngisi na nakatingin sa ‘kin at sa legs ko. Pilit akong lumayo nang bahagya mula sa pagkakahawak nito sa beywang ko. “T-Thank you, sir.” “Thank you? How about... you give me a blow and I’ll give you $400 for that?” nakangising sambit niya, amoy na amoy ang alak mula sa kaniyang hininga at hindi ko maiwasang mandiri sa isipang gagawin ko ang bagay na sinabi niya. Sa bagay, ano pa nga bang mawawala sa ‘kin? “How much is $400 in Peso, buddy?” manyak ang uri ng ngisi nito habang binabalingan ng tingin ang mga kaibigang nag-iinom sa gilid, habang ang kamay niya ay nag-umpisang humaplos sa hita ko. Agad na kinilabutan ako para sa sarili. “20,000 pesos?” Napalunok ako. Matagal ko na nga palang nakumbinsi ang sarili ko na magmula ngayon ay tatanggap na ‘ko ng... ganitong mga offer. Para sa pera. Kailangan ko ng pera ngayon. Ilang segundo akong hindi nakasagot, ilang beses din akong lumunok bago tinapangan ang sarili na pumayag sa gusto ng matanda. Pwede... pwede ko namang kalimutan na ginawa ko ‘to sa isang matandang lalaki, hindi ba? Kailangan ko ng pera. Sasagot na sana ako para umoo sa kanila nang may humila sa braso ko palayo roon. Hinila ako nito patungo sa exit, halos makabunggo pa namin ang ilang mga customer na nasa paligid dahil sa dami ng tao ngayon sa buong bar, pero wala lang pakialam ang lalaking may hawak ng braso ko. Sino ba 'to? “Sandali, bakit ba!” kunot-noong sita ko sa lalaking hindi humaharap sa ‘kin at basta na lang nanghihila. Higit na mas matangkad ito sa 'kin at matipuno ang katawan, pamilyar din ang amoy ng pabango pero hindi ko lang gustong mag-assume.  “Hi, Kael!” bati ng mga babaeng nakasalubong namin. Napaawang ang bibig ko. Kael? Si Kael Valencia ba ang humihila sa ‘kin ngayon?! Nag-umpisang maghurumentado ang aking dibdib. Matatamis ang mga ngiti ng mga babae pero kahit isa sa kanila ay walang pinansin ng binati, dire-diretso lang ang lakad nito hanggang sa marating namin ang Parking Lot ng bar kung saan hindi na masyadong maingay at wala na masyadong tao sa paligid. Marahas nitong binitiwan ang braso ko at sumalubong sa ‘kin ang madilim at galit niyang mukha. Hindi ko napigilang matulala sa kaniya, lalo na’t nakikita ko na ang hitsura niya ngayong may ilaw na sa paligid at hindi na ako lasing na lasing katulad kagabi. He’s very manly, mula sa mga malalalim na mga mata. Lalo pang nadepina ang pagkalalake dahil sa katawan nito. “Pagkatapos no’ng nangyari kagabi, iiwanan mo lang ako ng suka sa condo ko?” sarkastikong ani niya. “You know I was so surprised!” bumalot sa paligid ko ang amoy ng kaniyang pabango at nagsimulang mabalik sa isipan ko ang lahat ng namagitan sa ‘ming dalawa. Ipinilig ko ang ulo ko, pinipigilang h’wag maakit sa amoy niya, sa kaniyang labi... sa kaniya mismo! “I’m... I’m sorry, lilinisin ko naman dapat kaso-“ “It’s fine, Zarina. What bothers me most is you leaving me in my condo without a word,” may bahid ng panunuya ang boses. “Tapos makikita kita rito na papatulan ang mga matatanda, you have a thing with older men, huh?” Hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang ‘yon kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. “Pasensya ka na pero wala ka naman sigurong dapat pakialam sa mga gusto kong gawin. Nandito ako para magtrabaho at... hindi nga kita kilala,” salubong na ang mga kilay na sabi ko sa kaniya. “Hindi mo ‘ko kilala?” “Y-Yung pera...” pag-iiba ko ng usapan. Siyempre kilala ko siya, sa komento pa lang ng mga katrabaho kong waitress at bartender, hindi na siya mapagkakatiwalaan. Hawak ang cheque, ipinakita niya kaagad ‘yon sa ‘kin na parang inaasahan nang ‘yon ang hahanapin ko. Marahas na kinuha niya ang kamay ko para ilagay ro’n ang papel. “You should be now asking for commitment from me after that night, I can give you money, you badly need money... I can give you a good fuck.” Umangat ang sulok ng labi ni Kael at lalong inilapit ang sarili sa ‘kin. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng likod ko sa pader saka niya ako ikinulong doon sa pagitan ng dalawang braso niya. “I can give you the financial help you need, Zarina, while we satisfy our fantasies with each other,” wika nito sa kaniyang baritonong boses, mahina ‘yon at hindi ko alam kung nang-aakit o ako lang itong naaakit. “Accept my offer for you, Zarina. Ako na lang kaysa ang iba’t ibang lalaki riyan.” He said and his lips landed on mine. He kissed me hungrily, kahit walang alak sa sistema ko ay pakiramdam ko nalalasing ako sa mga halik niya. Hindi ko na ma-deny, I’m physically attracted to this man. ‘Yon lang, siguro... siguro sa mga halik niya, ‘yun lang. Ang mga kamay niya’y akyat baba sa magkabilang beywang ko. Sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman ko na naman ang panghihina ng mga tuhod ko, ang elektrisidad sa bawat haplos niya sa ‘king balat na ngayon ko lang naranasan, kay Kael lang. Humiwalay ito sa paghalik ngunit pinanatili ang pagiging malapit sa ‘kin, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa ‘king mukha. Wala akong magawa kundi salubungin ang mga mata niyang puno ng pagnanasa. “I want you this bad,” humahaplos nang paulit-ulit ang kaniyang mga kamay sa balat ko. Natauhan lang ako nang marinig ang cellphone kong nag-ring mula sa secret pocket ng blouse ko. Naitulak ko si Kael palayo sa ‘kin dahil do’n at agad na kinuha ang cellphone. Halos manlamig ako nang makitang si Charles pa ang tumatawag, ang boyfriend ko ang tumatawag! Konsensya, ‘yon lang ang bumalot sa buong pagkatao ko sa mga oras na ‘to. Bakit siya tumatawag? Alam niya na ba ang nangyari sa ‘min ni Kael? Hindi niya pwedeng malaman! Hindi ko siya gano’n kamahal pero hindi ko pa rin siya kayang saktan. And I hate that I’m attracted to this man in front of me. Nakita kong lalapit na naman sana si Kael pero hinarang ko na ang kamay ko sa pagitan namin. “Hindi pwede, I’m sorry. ‘Yung nangyari sa ‘tin kagabi... huli na ‘yon, Kael.” Tumalikod na ‘ko para sana magmartsa na paalis pero hinila nito ang braso ko pabalik. “Tell me your reason, what’s holding you back?” nanunuya nitong sabi habang sarkastiko ang ngisi. “Gusto mo ba ng mas mayaman, mas malaking pera-“ “May boyfriend ako!” putol ko sa pang-iinsulto niya at iritableng itinaas ko ang cellphone kung saan wallpaper pa ang picture namin ni Charles. Nakita kong natigilan ito habang tinititigan ang litrato. “What?” “Alam kong nadala ako sa laki ng halaga na inoffer mo sa ‘kin pero gusto kong linawin sa ‘yo na huling beses ko nang gagawin ‘yon, Kael. Magtatrabaho na lang ako nang matino, gagawan ko ng paraan kaya h’wag ka nang mangulit pa!” Hindi ako basta-basta makakapulot ng libo-libong pera sa daan pero pwede ko namang gawan ng paraan, ang gulo ni Kael para sa P50k na tinanggap ko! Pagkatapos ng ilang segundo ay natawa ito. Umiiling na parang hindi makapaniwala sa nalaman. "So you two are in a relationship and yet you gave your virginity to me,"  Itinikom ko nang mahigpit ang mga labi ko, malaking saksak sa 'kin ang sinabi niyang 'yon. Sa tuwing naiisip ko na ginawa ko 'yon kay Charles parang gusto ko na lang lumubog sa lupa. “This is more interesting now. Mas lalong gusto kitang makuha ngayon at hindi mo 'ko pwedeng pigilan,” determinadong sabi niya saka nagawa pang haplusin ang pisngi ko bago umalis sa harapan ko. Mariin na naipikit ko ang aking mga mata dulot ng frustration. TO BE CONTINUE...          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD