LESSON 18 “Ashes” NAKATULALA lang si Angela sa maliit na banga kung saan nakalagay ang abo ni Charlotte. Sa sobrang wasak ng ulo nito ay mas pinili ng nanay nito na ipa-cremate na lang ang anak. Nag-ambagan silang magkaklase para doon at nakalikom naman sila ng sapat na pera. Sa bahay nina Charlotte ito nakaburol ng baing iyon. Iilan lamang ang tao. Makikitang kakaunti lang ang nagmamahal sa kanyang half sister. Maya maya ay pumatak ng kusa ang luha sa kanyang mga mata. Napahikbi siya. Nanghihinayang siya dahil wala na si Charlotte. Kung kailan nagiging maganda na ang relasyon nila bilang magkapatid ay saka naman ito kinuha ng Diyos. Kung noon, sinasabi nito na nawawala dito ang lahat, ngayon tila birong sa kanya naman nangyayari iyon. Una ay ang kanyang nanay, ngayon naman ay si Charlo

