LESSON 22 “Attack Of The Bitches” ISANG araw matapos ang pagkakabangga at pag-iwan nina Morgan kay Angela sa kalsada ay wala naman silang nabalitaang bangkay ng babae na natagpuan sa lugar na pinag-iwanan nila dito. Kahit papaano ay nakahinga sila ng maluwag. Mukhang mabubulok na lang si Angela doon at hindi na makikita pa. Magandang bagay iyon para kay Morgan dahil walang imbestigasyon na mangyayari. Ngunit simula din ng pangyayaring iyon ay napansin ni Morgan na tila iniiwasan na siya nina Sasha, Paris at Kelly. Katulad na lang ng makita niya si Paris na mag-isang kumakain sa canteen. Nang lapitan niya ito ay bigla na lang itong umalis. Gayundin nang makasalubong niya si Sasha sa may hallway. Nagmadali ito paglalakad palayo sa kanya. Si Kelly naman ay natagpuan niya sa library at na

