LESSON 07
“Changes”
NAKASALUBONG ni Angela si Charlotte na tumatakbo sa hallway. Nabangga pa siya nito sa balikat dahil tila hindi ito tumitingin sa dinaraanan.
“Ano ba?! Kahit kailan talaga tatanga-tanga ka!” bulyaw nito sa kanya.
May napansin agad si Angela sa babae. Hindi nito suot ang brooch nito sa dibdib.
“Ah, eh… S-sorry…”
Tinulak siya nito at iniwanan ng matalim na tingin bago ito umalis.
Sa hitsura nito, mukhang hindi maganda ang timpla ni Charlotte. Sabagay, palagi naman itong parang galit sa mundo. Kung ngumiti man ito ay puno ng galit o hindi kaya ay panlalait.
Napailing na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa si Benjamin naman ang makasalubong niya. Binati siya nito at nag-offer na dalhin ang mga aklat na bitbit niya. Tumanggi siya at iginiit na layuan na siya nito dahil ayaw niya ng gulo. Alam naman niya na gusto pa rin ito ni Charlotte.
“Angela, wala na kami ng Charlotte kaya wala kang dapat ipag-worry. Hayaan mo na lang siya. Wala na siyang karapatan na diktahan ako sa kung sino ang magugustuhan ko,” ani Benjamin sa kanya. Pilit nitong kinuha ang aklat niya at nagtagumpay naman ito. Inihatid pa siya nito hanggang sa kanyang upuan.
Maya maya ay dumatin na si Chelsea at kasunod niyon ay sina Morgan, Paris, Kelly at Sasha naman. Nakakapagtaka lang na hindi kasama ng apat ang leader ng mga ito.
Pumunta ang apat sa unahan at nagsalita si Morgan. “Guys, makinig kayo! From now on, ako na ang Queen b***h ng Queens!” Bulungan ang lahat. Katulad niya ay mukhang nagulat din ang iba sa sinabing iyon ni Morgan. “See?” Ipinakita nito ang brooch na dating suot ni Charlotte na ngayon ay ito na ang may suot.
Isang kaklase nilang babae ang nagtaas ng kamay. Nang bigyan ito ni Morgan ng permiso para magtanong ay tumayo ito. “E, si Charlotte? Ano na siya?” tanong nito.
“Good question. Well, hindi na siya part ng Queens. Katulad niyo na lang siya. Just a normal TSL’s student! At dahil nabawasan kami ng isang member, we’re looking for a new Queens member. My friends will talk about it overnight at bukas ay malalaman niyo na kung sino ang bagong magiging member ng Queens. That’s all!” Pagkasabi niyon ni Morgan ay umalis na ulit ang apat na babae.
So, kaya pala napansin niya na parang hindi maganda ang timpla ni Charlotte. Pero bakit kaya ito tinanggal sa Queens? Nagtataka at nacu-curious tuloy si Angela kung bakit.
“Naku, sino kaya ang bagong magiging member ng Queens?” Narinig niyang sabi ng kaklase niyang babae sa likuran nila.
“Sana ako na lang! Para ligtas ako sa pambu-bully nila!” sagot ng kausap nitong bakla.
“Gaga! Anong ikaw? Hindi ka pwede kasi bakla ka. Saka dapat maganda, popular at rich kid ang magiging bagong member ng Queens, 'no! Asa pa tayo!”
Naiiling na nagkatinginan na lang sina Angela at Chelsea sa usapan ng mga kaklase nila.
-----***-----
UMUWI na lang si Charlotte ng bahay nila at hindi na pumasok sa school dahil sa sobrnag sama ng loob. Naninibago siya dahil kung noon ay may sumusundo sa kanyang sasakyan ngayon ay wala na. Sumakay siya ng tricycle para makauwi.
Kahit kailan hindi niya naisip na magagawa ito sa kanya ng mga kaibigan niya lalo na ni Morgan. Itinakwil siya ng mga ito dahil lang sa naghirap ang pamilya niya? Ganoon pala kababaw ang tingin ng mga ito sa pagkakaibigan nila.
Pagpasok sa bahay ay naabutan niya ang kanyang mommy na nag-iinom sa salas kahit umaga pa lang. Kahit ito ay hindi matanggap ang sinapit ng kanilang buhay. From riches to rugs!
“Where’s daddy?” tanong niya.
Bahagyang nagulat ang mommy niya nang makita siya. “O, ang aga naman ng demoyita kong anak!” Tumawa ito nang pagak sabay lagok ng alak.
“Nasa’n si daddy?” ulit niya sa tanong.
“Aba, malay ko sa daddy mong tanga! Umalis! Hindi naman sinabi kung saan pumunta at wala rin akong pakialam kahit saan siya pumunta…”
“Alam mo, dapat pala hindi na lang ako nagtanong sa iyo! Wala kang kwentang kausap!”
“Hoy, ikaw na demonyita ka! Kahit kailan talaga wala kang galang sa akin…”
Hindi na naintindihan ni Charlotte ang sinasabi nito dahil parang kinakain na nito ang salita nito sa labis na kalasingan. Sumuka pa ito nang napakarami at nagkalat sa sahig.
Umasim ang mukha niya nang maamoy ang suka. “Gross!” Maarteng tinakpan niya nag ilong at nagtatakbo papasok sa kanyang kwarto.
Napakaliit ng kwarto niya. Meron iyong maliit na kama, aparador, study table at isang upuan. Walang-wala iyon kung ikukumpara sa malaki at elegante niyang silid noon. Talagang umikot ang mundo niya at ngayon ay nasa ilalim na siya. Nahihirapan siyang mag-adjust o mas tamang sabihin na never siyang makakapag-adjust sa ganitong buhay.
She wants her old life back…
Nakaka-miss ang mag-utos sa kasambahay, ang mag-shopping ng walang limit. Marami siyang nami-miss. Lalong-lalo na ang Queens. She terribly misse her bitches. Ang bonding nila, pambu-bully at kung anu-ano pa.
Nanghihina na humiga siya sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame.
-----***-----
“OUR new Queen member is… Angela Bernal!”
Napahinto si Charlotte sa pagpasok sa kanilang classroom nang marinig niya ang sinabing iyon ni Morgan. Sinundan iyon ng hiyawan at palakpakan ng mga kaklase niya na tuwang-tuwa sa sinabi nito. “No… This is not real…” bulong niya.
May mga sinabi pa si Morgan ngunit hindi na niya iyon naintindihan. Basta nakita niya ang nag-aalangang si Angela na pumunta sa unahan. May pagkabigla sa mukha nito at parang hindi makapaniwala sa nangyayari.
“Now, you have to wear this brooch dahil hindi ang simbola ng pagiging isa sa Queens! Congratulations, Angela!” Pumalakpak ang lahat pagkatapos.
Very dramatic na isinuot ni Morgan sa kaliwang dibdib ni Angela ang brooch. Matapos iyon ay isa-isang nakipag-beso-beso dito ang dati niyang mga kaibigan.
She expected na papalitan siya nina Morgan pero hindi niya in-expect na si Angela ang ipapalit ng mga ito sa kanya. Iniinsulto ba siya ng mga ito?
Hindi siya makakapayag! Not Angela! She can’t accept that!
Nagdilim na ang paningin niya at nilukob na siya ng galit. Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya si Angela at hinila ang buhok nito. “b***h! You can’t steal my crown!” sigaw niya. Halos mabaliw na siya sa pagwawala at pagsabunot dito. Ang nasa isip lang niya ang saktang ito. Wala naman itong magawa kundi ang makiusap na tumigil na siya.
“You can’t stop me! Titigil lang ako kung mapapatay kita-- Ahhh!!!” Nabitawan niya ang buhok ni Angela nang bigla siyang sabunutan ni Morgan at sampalin. Nakalmot pa siya nito sa kaliwang pisngi at damhin niya iyon ay may nakita siyang bahid ng dugo sa kanyang palad. Nahihindik na ipinahid niya iyon sa kanyang palda.
May pagtataka na napatingin siya dito. “M-morgan… Why?”
Humalukipikip ito. “Why? Dahil sinasaktan mo ang newest member ng Queens! You know the rules! Kapag kaaway ng isa, kaaway na ng lahat. Kaya oras na saktan mo pa ulit si Angela or isa sa amin, lima ang makakalaban mo!”
“You can’t do this to me, Morgan! Ako si Charlotte Alcantara!”
“Oh… Alcantara. Bakit? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak mo ang nakakadiring apelyido na meron ka? Baon sa utang at naghihirap na ang pamilya mo kaya bakit ka mag-aambisyon na mapabilang sa amin? Gaya nga ng linya mo noon… You are nothing but a trash! Isang basura! Get it?”
Labis ang pagkapahiya na nararamdaman ni Charlotte. Sa sinabing iyon ni Morgan ay alam na tuloy ng lahat ng kaklase niya ang nangyari sa pamilya niya. Sa pagkakataong iyon ay napagtanto niyang wala na talaga itong pakialam sa kanya dahil wala na para dito ang ipahiya siya.
“Pero bakit si Angela? Alam niyo naman na mainit ang dugo ko sa babaeng iyan!”
“Because she’s qualified. And besides, dapat ka pa ba naming i-consider sa pagpili namin ng bagong member? You’re not even a part of our group, Charlotte. Just accept the fact na isa ka nang dethroned queen! Iyan ang kapalaran mo!” Tumawa pa ito at sina Paris, Kelly at Sasha.
Pailalim na tinignan niya si Morgan. “You betrayed me! Sinadya mo ito para mapaalis ako sa grupo. Ramdam ko naman, e. Inggit na inggit ka sa akin kasi ako ang Queen b***h!”
“Wow! Wow! Just wow, Charlotte? Me?” anito sabay turo sa sarili. “Betrayed you? Bakit? Kasalanan ko ba na naghihirap kayo at baon sa utang? Alam mo naman na isa sa mga qualifications to be a Queens member ay ang status nito sa buhay. At… hindi ka na qualified. I’m sorry…” Umiling-iling pa ito habang nakalabi na para bang inaasar siya.
“Pero--”
Itinaas ni Morgan ang isa nitong kamay. “Enough! We’re just wasting our time talking to you.” Humarap ito kina Angela. “Girls, lets go!” anito at umalis na ang lima.
Naiwanan siyang nakakuyom ang mga kamao. Nakita niyang nakatingin ang lahat sa kanya at pakiramdam niya ay tinatawanan siya ng mga ito.
Naniningkit ang mga mata na tinignan niya ang kanyang mga kaklase. “Anong tinitingin-tingin niyo? I am still the Queen b***h! Wala kayong karapatan na alisin sa akin ang korona ko! I am still the--”
Nagulat si Charlotte nang may biglang bumato sa kanyang mukha ng isang notebook. “Who did that?!” Galit na tanong niya. Palinga-linga pa siya.
Tumayo ang isa niyang kaklaseng babae. “Ako bakit? At sa akala mo matatakot pa kami sa iyo? Hindi ka na Queens kaya wala ka nang proteksyon! Ngayon, makakaganti na rin kami sa lahat ng pagmamaldita mo sa amin! Guys, batuhin natin ang malditang 'yan!”
Nagsipagsunuran naman lahat ng kaklase niya. Pinagbabato siya ng mga ito ng notebooks at kinuyumos na mga papel. Tinatamaan siya sa ulo, mukha, katawan at sa kung saan-saan pa. Masakit ang bawat tama sa kanya. Hindi man pisikal pero mas sa kalooban.
“Ano ba?! Stop! Ouch!” Halos paulit-ulit na sabi ni Charlotte ngunit tila bingi ang mga ito sa sinasabi niya.
Lalabas sana siya ng classroom pero naapakan niya ang isang notebook dahilan para matumba siya. Kahit ganoon ang nangyari sa kanya ay patuloy pa rin ang mga kaklase niya sa pagbato sa kanya. Parang ayaw huminto ng mga ito.
Tila biro namang nagflashback sa utak niya ang lahat ng kasamaang ginawa niya sa mga ito kahit noong unang taon pa lang nila sa high school. Siguro nga, she deserved this…
“Dapat lang iyan sa’yo, demonyita! Makakaganti na rin kami sa’yo!”
Mga sigaw na pumapasok sa kanyang tenga at pumupunit sa kanyang puso.
Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ng mga binully niya noo. Masakit pala. Nakakababa ng pagkatao. Wala kang magawa kundi tanggapin na lang ang lahat dahil alam mo sa sarili mong wala kang kalaban-laban… Damang-dama na niya ang sakit!
“Tama na… Parang awa niyo na… Ayoko na…” Nagmamakaawang pakiusap ni Charlotte habang nakalugmok siya sa sahig. Wala na siyang magawa kundi makiusap.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay may luhang pumatak sa kanyang mga mata…
Hanggang sa dumating na ang kanilang adviser. Pinatigil nito ang mga kaklase niya sa pagbato sa kanya at tinulungan siya nitong tumayo.
“T-thank you, teacher…” Nakayuko niyang pagpapasalamat.
“You deserved that… b***h…” bulong nito sa kanya. Parang wala lang na humarap ito sa lahat. “Umayos na kayo, class! We’ll start our class now.”
Biglang naawa si Charlotte sa kanyang sarili. Kahit pala ang guro nila ay naiinis din sa kanya. Ganoon ba siya kasama para lahat ay magalit sa kanya?
Parang basang-sisiw na umupo siya sa binakanteng upuan ni Angela. Alam niya na wala na siyang karapatang umupo sa dati niyang upuan dahil kapag doon siya umupo siguradong magagalit sa kanya si Morgan. Sasaktan siya ng mga ito gaya nang ginawa niya noon kay Angela nang umupo ito sa upuan niya.
Ngayon, bumaliktad na ang mundo nila ni Angela.
Halos lahat ng kanya noon ay napunta dito.
Si Benjamin at ang pwesto niya sa Queens… Inagaw nito ang mga iyon sa kanya at dahil doon ay mas lalo pa siyang nagagalit dito ngayon. Simula kasi nang dumating ito sa Trinity School Of Laguna ay nagsimula na ang pagbagsak niya.
At hindi siya makakapayag na magtagumpay ito.
Babawiin niya ang lahat ng dapat ay sa kanya.
Humanda ka, Angela… Ibabalik kita sa impyernong pinanggalingan mo! Puno ng poot na turan niya sa kanyang sarili.
TO BE CONTINUED…