LESSON 06
“Dethroning The Queen”
HINDI na tinapos pa ni Angela ang maselang video na kanyang pinapanood sa kanyang cellphone. Napapikit na lang siya at tumulo ang luha pagkatapos. Ang nilalaman ng video ay ang s*x scandal ng kanyang kaibigan na si Olivia kasama ang isang lalaki na hindi kita ang mukha. Mukhang sinadya ang video dahil nakaanggulo lang iyon sa kung saan kita ang mukha ng kanyang kaibigan. Ang naturang video ay kalat na sa mga social medias at iba pang video streaming websites.
Kinalma muna ni Angela ang kanyang sarili bago muling tinawagan ang kaibigan. Kanina ay sinabi na nito ang problemang bumabagabag dito at iyon nga ang kumakalat nitong s*x video. Hiyang-hiya na daw ito kaya naman lumipat na naman ito ng eskwelahan. Hindi daw nito agad iyon sinabi sa kanya dahil sa nahihiya ito.
Noon pa man ay bali-balita nang malandi daw ang kanyang kaibigan kaya nga pinapalayo siya dito ng kanyang ina ngunit kilala niya si Olivia higit pa sa ibang tao na nanghuhusga lang dito kaya naman hindi niya ito nilalayuan.
“Angela, a-anong gagawin ko? Alam na dito sa bago kong school ang tungkol sa… s-s*x video ko…” Garalgal ang boses na tanong nito sa kanya.
“Tatagan mo ang loob mo. Kung may mga nangungutya man sa’yo, hayaan mo na lang. Maging bingi ka na lang sa mga sasabihin nila. Okay?”
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Nabasag iyon sa mahina ngunit may bahid ng lungkot na tawa ni Olivia. “Minsan nga iniisip ko na lang na magpakamatay, e.”
“Olivia! Ano ka ba? Kung nagbibiro ka, hindi nakakatawa! Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Lakasan mo ang loob mo.”
“Angela, binu-bully nila ako dito dahil doon. Si Bridgette at ang grupo niya… ginagawa nila akong laruan!” Napaawa na lang siya nang tuluyan nang mapahagulhol si Olivia.
Kung nasa tabi lang sana niya ito ay mayayakap niya ito para i-comfort. At kung alam lang din sana nito na parehas silang binu-bully. Ngunit hindi muna niya iyon sasabihin dito. Ayaw niyang malaman nito na parehas sila ng pinagdadaanan. Nais niyang siya ang pagkuhaan ng lakas nito.
“Basta, lakasan mo ang loob mo, Olivia. Hayaan mo, kapag medyo nakaluwag ako sa schedule ko sa school, magkikita tayo. Ha?”
“S-sige… Salamat, Angela.”
“Mag-iingat ka lagi. I miss you na…”
“Miss na rin kita. Sige na. Ibababa ko na ito, ha? Magluluto pa kasi ako ng hapunan. Bye, Angela.”
“Bye…” At doon na natapos ang pag-uusap nila ni Olivia.
Ilang minuto nang tapos ang pag-uusap nila ngunit nakatulala pa rin si Angela sa kawalan. Hawak pa rin niya ang kanyang cellphone. Masyado lang siyang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Parehas pa sila ng pinagdadaanan ng kaibigan niya.
Napailing na lang siya. Meron pala talagang mga tao na kapag alam na mahina ka ay tatapak-tapakan ka. She’s wondering… ano kaya ang pakiramdam na nananakit at namamahiya ka ng kapwa mo kahit wala naman itong ginagawa sa iyo? Ano kaya ang pakiramdam kapag nakikita mong nasasaktan ang isang tao dahil sa’yo?
Bumuntung-hininga si Angela.
Sana naman ay kayanin ni Olivia ang lahat ng pinagdadaanan nito.
Lumabas na siya ng kanyang silid at mukhang hindi pa rin lumalabas ang nanay niya at si Aling Magda sa silid. Papunta na sana siya sa kusina para tignan kung may kakainin na ba sila nang tila may nag-udyok sa kanya na sumilip sa silid ng kanyang ina. Nang makita niya kasi si Aling Magda ay may kakaibang takot siyang naramdaman. Takot na hindi niya alam kung saan nanggaling. Basta, parang may kung anong mali sa babaeng iyon.
Maingat at tahimik siyang naglakad papunta sa nakasaradong pinto ng kwarto ng ina niya. Pinihit niya angs seradura at itinulak nang dahan-dahan ang pinto. Sumilip siya sa loob at ganoon na lang ang panghihilakbot niya nang makita niya ang ginagawa ng nanay niya at ni Aling Magda. May hawak na kutsilyo si Aling Magda na ang puluhan ay may disenyong ahas na may nakakatakot na mata. Hawak ni Aling Magda ang isang braso ng kanyang nanay na para bang hihiwain nito iyon. Sa ilalim ay nakasahod ang isang kulay gintong kopita.
“Para sa Diablo…” usal ni Aling Magda habang nakapikit.
“Para sa Diablo…” sunod ng kanyang ina.
Nang akmang hihiwain na nag braso ng kanyang nanay ay mabilis na tumakbo si Angela para pigilan iyon. Itinulak niya si Aling Magda at tumilapon ito sa nakakatakot na rebulto. Bumagsak ang rebulto sa pinagpapatungan nito at nabasag iyon nang humalik sa sahig.
Malakas at sabay na napasigaw ang nanay niya at si Aling Magda habang nakatingin sa nabasag na rebulto.
Umiiyak na nilapitang ng dalawa iyon at niyakap ang bawat piraso.
“Patawarin niyo kami, panginoon!” Palahawa ng dalawa.
Akala mo ay mga baliw na humagulhol at sumigaw pa ang mga ito.
Nagtataka naman na napaatras si Angela sa ikinikilos ng nanay niya at ni Aling Magda.
Kinilabutan siya nang sabay na tumingin ang dalawa sa kanya habang nanlilisik ang mga mata. Tumayo ang nanay niya at sinugod siya sabay sampal.
“Hayop kaaa!!!” galit na bulyaw nito.
Hindi makapaniwalang nakatingin si Angela dito habang sapo ang nasampal na pisngi. “M-mama?” Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasaktan siya nito ng pisikal.
“Tignan mo ang ginawa mo! Hindi ka talaga marunong sumunod!”
Kay Aling Magda naman siya napatingin na huminto na rin sa pag-iyak. Para itong nasisiraan ng ulo na binubuo ang rebulto kahit imposible nang mabuo iyon.
“P-pero… sa Diablo kayo sumasamba, 'ma… Mali iyan--”
“Mali?! Mas mali ba iyan sa ginawa ng papa mo sa akin?! At ano naman kung sa diablo ako sumasamba ngayon? May nagawa ba ang Diyos nang nalulungkot ako? Bakit niya hinayaan na mangyari sa akin ito?! Siya, ang diablo ang kumalinga sa akin nang nalugmok ako, Angela! Siya lang!”
Naglaglagan na ang luha niya. “Mama!” Inabot niya ang dalawng kamay ng ina at mahigpit iyong hinawakan. “'Andito ako, 'di ba? Kahit kailan hindi kita iniwan, 'ma! Mahal na mahal kita. Hindi kita iiwan!”
“Bitiwan mo ako. Lumabas ka na.” Mahinahon ngunit madiin nitong utos.
“Pero, mama… Tigilan niyo na ito!”
“Lumabas ka na, Angela, bago pa magdilim ang paningin ko at kung ano pa ang magawa ko sa iyo. Labaaas!!!” sigaw nito habang itinuturo ang pinto.
Wala nang nagawa si Angela kundi sundin ito. Umiiyak siyang lumabas.
Tama nga ang hinala niya na sa diablo ito sumasamba at mukhang wala na siyang magagawa pa para pigilan ito.
-----***-----
“I’M sorry, ma’am, pero wala na pong laman itong debit card niyo.” Hindi makapaniwala si Charlotte nang ibalik ng cashier sa kanya ang kanyang debit card.
Kinuha niya iyon at sinigawan ang cashier. “What?! Never na nawalang ng pera itong card ko! Isa akong Alcantara and kilala mo naman siguro ang pamilya ko! Swipe mo ulit!”
Inabot niya ulit ang card sa cashier ngunit ibinalik ulit sa kanya.
“Wala na po talaga, ma’am. Baka po may cash kayo diyan.”
Mahaba na ang pila sa counter na iyon. Ang dami pa naman niyang pinamiling mga bagong sapatos at damit tapos ganito lang ang mangyayari. Dahil wala siyang cash ay naiiritang umalis na siya sa pila. Pagkalabas niya ng department store ay agad niyang tinawagan ang kanyang daddy upang sabihin ang nangyari.
“Daddy! Bakit walang laman ang debit card ko?! Akala ko ba araw-araw ay nagde-deposit ka ng pera doon?” Naiinis niyang sabi nang sumagot ito sa tawag niya.
“Charlotte, you have to go home now. May sasabihin ako sa inyo ng mommy mo.”
Kinabahan siya bigla. “A-ano iyon?”
“Basta, umuwi ka muna. Be careful. Bye.”
“Pero, daddy--” Napamura na lang siya nang maputol na ang linya.
Umuwi na rin siya agad at nadatnan niyang umiiyak ang mommy niya sa may salas habang ang daddy naman niya ay nakayuko. Umangat ang mukha nito nang nandoon na siya. Nagtaka rin siya nang makita niya ang ilang maleta sa ilalim ng hagdan.
“Sinong aalis?” tanong ni Charlotte.
“Tayo. Tayo ang aalis!” ang mommy niya ang sumagot.
“What? Magbabakasyon tayo tapos hindi niyo ako ini-inform?”
“We’re not having a vacation, Charlotte…” Tumayo ang daddy niya at nilapitan siya. “We’re broke!”
Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Charlotte sa sinabi ng daddy niya. “You’re joking, right?” Hindi ito sumagot at napayuko lang ito. “Daddy!” sigaw niya.
Tumayo ang mommy niya at lumapit sa kanila. “Ang daddy mo ang dapat sisihin sa lahat ng ito! He lied to us! Inilihim niya sa atin na bankrupt na pala lahat ng negosyo natin dahil sa pagka-casino niya! And we’re in debt! Hundred millions! At itong bahay na ito? Hindi na sa atin ito. Lahat ng properties natin ay hinila na ng banko! Paano na ang lifestyle ko?! How can I afford my luxurious life now? Ang mga friends ko! For sure pinag-uusapan na nila ako--”
“Iyan ba talaga ang iniisip mo? Ang sarili mo?!” bulyaw ng daddy niya sa kanyang mommy.
“Daddy, m-mahirap na tayo?” Ayaw mag-sink in sa utak niya ang lahat.
Parang isang panaginip lang at sana’y magising na siya.
Humarap ulit ito sa kanya at umiling. “No, no, no… May pera pa tayo at iyon ang gagamitin natin to start again. You know me. Magtatayo tayo ng small business.”
“Small business? At magkano na lang ang pera natin? Thousands? At saan tayo titira? Sa squatter? No, daddy! How could you do this to us?!”
“Charlotte--”
“I hate you! I hate you!” At nagtatakbo siya paakyat sa kanyang kwarto. Ngunit ganoon na lang ang panglulumo niya nang makita niyang wala na doon lahat ng gamit niya. Napailing siya. “No, no… This is not happening…” Hindi makapaniwalang bulalas niya.
-----***-----
KUMPARA sa dati nilang bahay ay sobrang liit ng bagong bahay nina Charlotte. Dalawa lang ang kwarto at iisa ang banyo. Unlike before na may sarili siyang banyo. Ayaw man niyang maniwala na sa isang iglap ay nawala ang lahat sa kanya ngunit iyon talaga ang katotohanan. Hindi na sila katulad ng dati.
Ang ikinakakatakot pa niya ay kapag nalaman ito ng mga kaibigan niya. She has no idea kung ano ang magiging reaksiyon ng mga ito kapag nalaman ng mga ito na hindi na sila mayaman. Kung noon, proud na proud siya sa apelyido niyang Alcantara, ngayon ay parang hindi na.
Kinakabahan tuloy siya nang pumasok siya sa school kinabukasan. Pagpasok niya sa classroom ay isa sa mga classmate nila ang lumapit sa kanya para sabihin na gusto siyang makausap nina Morgan sa rooftop ng school building.
Pumunta siya doon at nakita niya ang apat na kaibigan.
“So, you’re poor now…” bungad ni Morgan sa kanya habang naka-crossed armas ito.
“Alam niyo na agad?”
“Of course. Kelly’s dad is in business like your dad so, alam na namin ang nangyari sa family mo. Lubog sa utang at sa isang maliit na bahay na lang nakatira.”
Sa sandaling iyon ay hiniling ni Charlotte na sana ay lamunin na lang siya ng lupa. Feeling niya ay nanliliit siya ngayong kaharap ang apat niyang kaibigan na puro mayayaman.
“But, I am still your friend, right? I am still the queen--” Ganoon na lang ang gulat niya nang hatakin ni Morgan ang brooch na crown sa kanyang dibdib. “Hey! Ibalik mo sa akin 'yan!”
Ang brooch niya ang pinaka-espesyal sa kanilang lima. Iba nag design niyon, mas maganda at mas maraming diamonds dahil siya ang pinaka “queen” sa kanilang lima.
Tinanggal ni Morgan ang brooch nito at isinilid iyon sa bulsa. “You’re not qualified as the highest queen, Charlotte. Next to you, alam nating lahat na ako ang qualified as the queen b***h!” Nang-uuyam na ngumiti si Morgan nang isuot nito ang brooch niya.
“You’re a traitor b***h, Morgan! You’re my bestfriend!”
“Hindi ako nakikipagkaibigan sa mahihirap, Charlotte. And that’s what you are now…”
“b***h!” Susugurin niya sana ito ngunit humarang sa kanya sina Sasha, Paris at Kelly.
“Hanggang diyan ka na lang! We’re here to protect the highest queen--the Queen b***h!” sabi ni Kelly sa kanya.
“This is insane! I can’t believe na dahil sa status ko ngayon ay itatakwil niyo ako sa grupo! You guys are unbelievable! Akin na ang brooch ko, Morgan! Sa akin 'yan!”
“You are not the queen anymore, Charlotte! At kung ayaw mong matikman ang galit namin, umalis ka na dito ngayon. Alam mo naman siguro kung papaano magalit ang isang Queen b***h, right? I am more evil than you!” Mariing turan ni Morgan sa kanya.
Naglaban sila ng titigan ngunit siya rin ag sumuko.
Galit na galit siyang umalis sa lugar na iyon at nagpupuyos ang kanyang damdamin.
“f**k!” mura pa niya.
TO BE CONTINUED…
NOTE: Para sa mga naguguluhan kung bakit buhay pa si Olivia… Ang School trip 4 at ang naunang School Trip ay magkasabay ang timeline. At kung may typo at wrong grammar man sa bawat update ko, pasensiya na po… Salamat sa inyo, schoolmates!