LESSON 05

2253 Words
LESSON 05 “Jealousy And Hatred” “YOU’RE really back! Benj!” Hindi na napigilan ni Charlotte ang kanyang sarili, sinugod na niya ng mahigpit na yakap ang ex-boyfriend kahit basa ito. Namiss niya ang lahat-lahat dito. Ang mukha nito, amoy, boses… lahat! “I thought hindi mo na ako babalikan. I missed you a lot!” Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at inilayo sabay tawa. “Wow! Bumalik ako dito para dito tapusin ang high school hindi ako bumalik para sa iyo, Charlotte.” Umiling-iling pa ito sabay talikod sa kanya. Benjamin was her first and last boyfriend. Ito lang ang lalaking pumasa sa kanyang standards. Gwapo, matangkad, matalino, maginoo pero medyo bastos. Maraming ganoong lalaki pero iba si Benjamin. May kung ano dito na hindi niya malaman kaya naman kahit wala na silang relasyon ay mahal niya pa rin ito. Napamaang si Charlotte nang balikan ni Benjamin si Angela para tulungang tumayo. Tinanong pa nito ang babae kung ayos lang ba ito at tanging tango lang ang isinagot ni Angela. Nanggigigil na hinila niya si Benjamin. “Bakit mo ba tinutulungan ang babaeng iyan? She’s nothing but a trash! Isa siyang basura kaya layuan mo siya!” sigaw pa ni Charlotte. “Hindi mo ako pwedeng diktahan kung sino ang dapat kong lapitan o kausapin. Wala nang tayo.” Parang pinagsasaksak nang paulit-ulit ang puso niya sa sinabing iyon ni Benjamin. Oo, iyon ang katotohanan at sadyang masakit ang bagay na iyon. Lalo na nang lumapit itong muli kay Angela at inilayo sa lugar na iyon. “f**k!” galit na mura niya. Nanlilisik ang mga mata niya habang sinusundang ng tingin ang papalayo na sina Angela at Benjamin. Mukhang may gusto si Benjamin kay Angela! Sa babaeng kinaiinisan pa niya talaga! “Are you okay?” tanong ni Kelly. Hinawakan siya nito sa balikat. “Nooo! I am not okay!” Malalaki ang mga hakbang na pumunta siya sa buffet table at galit na galit na itinumba iyon. Wala siyang pakialam kahit natapon lahat ng pagkain na naroon. Basta galit siya at gusto niyang mailabas ang iyon. Masama ang mukha na humarap siya sa lahat. “The party is over! Leave!!!” Umuusok ang ilong na deklara niya. -----***----- NAUBOS na nina Charlotte, Morgan, Kelly, Sasha at Paris ang isang bote ng whisky kaya medyo nahihilo na silang lahat sa pagkalasing. Sila na lang lima ang tao na naroon sa resthouse. Matapos niyang magwala at paalisin lahat ng kaklase niya ay nagdesisyon silang uminom na lima sa mini bar na naroon. Expected na niya na magkikita silang muli ni Benjamin dahil nga sa alam niyang naka-enroll na ulit ito sa Trinity School Of Laguna pero she never expected na sa party niya ito magpapakita. At ang ikinainit talaga ng dugo niya ay nang tulungan nito si Angela sa pagkakalunod. “That b***h…” gigil na bulong niya matapos buksan ang ikalawang bote ng whisky. Sinalinan niya ng alak ang kanyang baso. “Who? Angela?” tanong ni Morgan. “Sino pa nga ba, Morgan? Talagang kinakalaban ako ng babaeng 'yon! Nakita niyo ba ang ginawa niya kanina? Pumayag siyang sumama kay Benjamin kahit obvious na ngayon lang sila nagkita. How cheap!” “But nakita niyo ba na parang knight-in-shining armour si Benj! He saved the damsel-in-distress na si Angela--” Tinapunan ni Charlotte ng alak sa mukha si Sasha. “Shut up, dumb girl! Alam mo, isa pang word na lumabas diyan sa bibig mo, sasampalin na kita! Boba!” “So, ano na’ng plano mo?” tanong sa kanya ni Paris. Nag-isip siya at naningkit ang mga mata. “Gagawin kong impyerno ang buhay ng Angela na iyon. Hindi niya kilala ang kinakalaban niya! Sisiguruhin kong hindi mapupunta sa kanya si Benjamin dahil Benjamin is mine!” aniya at muli niyang sinalinan ang kanyang baso ng alak. Ininom niya iyon at tumingin sa kawalan habang tinatahi sa utak kung paano niya papahirapan si Angela. -----***----- MAAGANG nagising si Angela ng umagang iyon. Lunes na kasi at may pasok na naman siya sa eskwelahan. Pangalawang linggo pa lang niya doon pero parang ang dami na agad nangyari. At iyon ay dahil kay Charlotte. Alam niyang mainit na ang mata nito sa kanya kaya kailangan na talaga niyang dumistansiya. Lalo na’t iniligtas siya ni Benjamin sa pool party. Nalaman niya kay Chelsea na si Benjamin pala ay ang ex-boyfriend ni Charlotte na hanggang ngayon ay mahal pa rin nito. Hindi lang pala si Charlotte at ang grupo nito ang dapat niyang iwasan kundi pati na rin ang lalaking iyon. Gaya ng dati ay nagluto muna siya ng almusal habang natutulog pa ang kanyang ina. Naligo, kumain, nagbihis at pumasok na siya sa school. Papasok pa lang siya ng gate ay napansin niya na parang may kakaiba sa mga estudyanteng nakakakita sa kanya. Lihim siyang tinatawanan at pinagbubulungan. Iyon ang kanyang palagay. Ang weird nila… bulong pa ni Angela. Ang pagtataka niya ay nasagot nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng school. Halos panghinaan siya sa sobrang pagkagimbal sa nakita niya doon. Lahat ng classrooms at bagay na pwedeng dikitan ay may nakadikit na poster kung saan naka-imprinta ang picture niya. Nakasuot siya ng panty at bra. Ngunit halata namang edited lang iyon. Ikinabit lang ang kanyang mukha sa katawan ng isang babae. Sa ilalim ng litrato ay nakasulat ang buo niyang pangalan at ang masaakita na salita. ANGELA BERNAL Slut. Bitch. Pokpok. Boyfriend stealer! Mga salitang alam niyang walang katotohanan. “Siya iyong nasa poster, right?” “Oo. Naku, newcomer pa naman siya dito sa TSL tapos ganiyan na agad siya!” “Mukha naman talagang pokpok at mang-aagaw, e.” “Yes. Naku, babantayan ko na ang boyfriend ko at baka agawin pa niya.” “Gaga! 'Wag ka ngang ilusyunada dahil wala kang boyfriend, 'no!” Iyon ang narinig ni Angela sa dalawang estudyanteng babae na nag-uusap habang nakatingin sa kanya. Ikinuyom niya ang kanyang dalawang kamo at isa-isang tinanggal lahat ng poster na nakikita niya. Nasa ganoon siyang gawain nang may biglang tumulak sa kanya dahilan para matumba siya at tumapon sa kung saan-saan ang posters. Pagtingala niya ay nakita niya si Charlotte at nasa likuran nito ang apat nitong kaibigan. Tatayo sana siya pero malakas siyang sinipa nito sa balikat. Nagkaroon tuloy ng dumi ang uniform na suot niya. “O, bakit katatayo? Diyan ka naman nababagay sa lupa kasi isa kang basura!” Mataray nitong turan habang nakahalukipkip at matalim na nakatingin sa kanya. Wala nang dapat pang isipin si Angela na mag kagagawan nito kundi sina Charlotte lang. “Ano bang nagawa ko sa inyo at ginaganito niyo ako?” tanong niya. Nagtatapang-tapangan siya sa pagtitig sa mata nito. “Dahil nakakabwisit 'yang pagmumukha mo, Angela! At nilalandi mo pa si Benjamin!” “Hindi ko siya nilalandi. 'Wag mong bigyan ng malisya ang pagtulong niya sa akin sa party mo!” Tumayo na siya. Tatalikuran na sana niya sina Charlotte pero hinablot nito ang kanyang buhok at hinila. “At saan ka pupunta? Ang lakas naman ng loob mong talikuran ako!” “Ano ba?! Bitiwan mo ako?!” Pumapalag siya para makawala ngunti sadyang mahigpit ang pagkakasabunot nito sa kanya. Ramdam na niya ang pananakit ng kanyang anit kaya napangiwi na siya. “Halika rito!” Hinila siya ni Charlotte at nang nasa gitna na sila ng school ground ay saka lang siya nito binitawan. “Gusto mo talaga akong subukan, 'no? Dahil pati ang lalaking gusto ko, nilalandi mo!” “Hindi ko sabi siya nilalandi! Bakit ba ayaw mong maniwala, Charlotte?!” giit niya. Tumaas ang kamay ni Charlotte. Alam niyang sasampalin siya nito kaya mariin siyang napapikit. Ngunit lumipas ang ilang segundo ay wala siyang natanggap na sampal. Pagmulat ng mata niya ay nakita niya si Benjamin na hawak ang kamay ng babae. “Hindi mo ba talaga titigilan si Angela?” sabi nito kay Charlotte. “Benj?” Hindi makapaniwalang sambit nito. “Bitiwan mo nga ako! Bakit mo ba laging pinagtatanggol ang babaeng iyan?!” “Bakit mo ba siya laging pinagti-tripan?” Balik na tanong nito. “Dahil inaagaw ka niya sa akin! She’s a slut!” “Pwede ba, Charlotte? Hindi ako inaagaw ni Angela sa’yo dahil hindi na tayo. Break na tayo two years ago pa. Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin nakaa-move on?” Tumiim ang bagang ni Charlotte. Ipiniksi nito ang kamay na hawak ni Benjamin at nang makawala ay ginamit nito iyon para masampal ang lalaki. “Jerk! Even if you’re a bastard, you’re still mine, Benjamin! Akin ka lang!” At isa pang sampal ang iginawad nito sa lalaki bago umalis kasama ang mga kaibigan nito. Nanghihina na pinagpagan ni Angela ang kanyang sarili. Maglalakad na siya palayo ngunit humarang sa harapan niya si Benjamin para tanungin kung ayos lang siya. “Benj, pwede bang iwasan mo na lang ako? Lalo kasi akong pinag-iinitan nina Charlotte dahil sa iyo, e. Thank you sa pagtulong mo pero sana huli na iyon.” “Inililigtas kita because I like you, Angela. Sinabi ko na iyan sa iyo after kitang iligtas nang malunod ka.” Mariin siyang umiling. “Sorry pero 'wag ako. Iba na lang. Ayokong mapag-initan nina Charlotte. Gusto ko ng tahimik na buhay!” aniya sabay alis. -----***----- MALUNGKOT na umuwi ng bahay si Angela. Bagsak ang kanyang balikat habang naglalakad. Sobra na ang stress na nararanasan niya dahil sa mga nangyayari. Parang gusto na niya tuloy lumipat ng school pero alam niyang hindi iyon maaari. Nabayaran na kasi ng papa niya ang mga dapat bayaran doon at ayaw naman niyang masayang ang pera nito. Pagpasok niya sa bahay ay muntik na siyang mapasigaw nang may makita siyang babae na nakaupo sa sofa. Seryoso ang mukha nito at medyo nakakatakot kaya muntik na siyang sumigaw. Magulo ang makapal at mahaba nitong buhok, medyo may edad na at nakakatakjot tumingin. Para bang palaging galit. Nakasuot ito ng kulay pulang bestida. “S-sorry po. Pero sino po kayo?” Mula sa kusina ay lumabas ang kanyang ina na may dalang isang baso ng tubig na inabot nito sa babae. “Kaibigan ko siya mula sa Quezon Province. Siya si Magda…” Ang nanay niya ang sumagot. Umupo ito sa upuang nasa harapan ni Magda. “M-magandang gabi po, Aling Magda…” “Pumunta ka muna sa kwarto mo. Doon ka muna at may pag-uusapan lang kami. Huwag kang lalabas hangga’t hindi kita kinakatok.” “Sige po, mama,” ani Angela at naglakad na siya papunta sa kanyang silid. Papasok na siya nang marinig niya ang pagbulong ni Aling Magda sa kanyang ina. “Siya ba?” bulong nito. “Hindi siya. Anak ko si Angela…” sagot naman ng mama niya. Hindi na niya narinig pa ang pagbubulungan ng dalawa dahil isinara na niya ang pinto. Pagkahubad niya ng sapatos ay napapagod na ibinagsak niya ang kanyang katawan sa ibabaw ng kama. Wala sa sarili na nakatitig siya sa kisame nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang kunin niya iyon ay nalaman niyang tumatawag pala ang kanyang papa na agad naman niyang sinagot. “Hello, 'pa? Bakit po?” bungad niya. “Gusto lang kitang i-inform, anak, na nagdeposit ako ng ten million pesos sa bank account mo.” Napabangon siya sa sinabi nito. “Ten million?!” Hindi makapaniwalang bulalas niya. “Ang laki naman po. Bakit po?” Kadalasan kasi ay sampung libo kada linggo ang inihuhulog nito sa bank account niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay binigyan siya ng papa niya nga napakalaking halaga ng pera. Kaya nagtataka lang talaga siya ngayon. “Basta, anak… Ingatan mo ang perang iyon. Gamitin mo ng tama o kaya magnegosyo kayo ng mama mo.” Narinig pa niya nag pagsinghot ng papa niya. “P-papa… Kaya niyo ba ako binigyan ng malaking per dahil sa hindi na kayo magpaparamdam sa akin?” Bigla siyang nalungkot nang maisip iyon. “No, anak. Basta gawin mo na lang ang sinabi ko. I love you, anak.” “I love you too, papa! Thank you po…” Sandali pa silang nag-usap hanggang sa magpaalam na ito sa kanya. Ewan niya pero parang may malaking dahilan ito para bigyan siya ng ganoong pera. SIguro ay hindi lang nito masabi ang tunay na dahilan. Maya maya ay naisipan niyang tawagan ang kanyang naiwan na kaibigan sa dati nilang tinitirhan. Ilang ring lang ay sumagot din naman agad ito. Napangiti siya. Miss na niya ito. “Hello, Angela…” Tila galing sa pag-iyak ang boses ng kanyang kaibigan. “Olivia, okay ka lang ba?” tanong niya dito. TO BE CONTINUED… NOTE: Maraming salamat sa comments niyo, guys. Open po ako para sa mga reactions niyo kaya wag kayong mag-alala kung may makita kayon mali or "butas" sa story na ito, I-comment niyo lang. Hindi po ako nagagalit. Bagkus, natutuwa pa nga ako. Salamat din sa suggestions niyo lalo na kay MillenialPluma :) Maraming salamat… Sana ay hindi kayo magsasawa sa pagsuporta… Ayun, ang School Trip series po ay tungkol talaga sa bullying at revenge kaya ganoon pa rin ang plot nitong book 4. Ayoko po kasing lumihis. Pero ginagawa ko naman po ang best ko para maging fresh at bago pa rin ang bawat book ng School Trip :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD